filipino,
Tinanggal ko muna ang mga buto,
Saka ko hiniwa
Nang tigkapat pulgada ang kapal.
Hinalo ko sa
Asukal, suka at toyo
Sa kabila ng pananabik
Kumain ng tocino
Kailangang maghintay
Tatlong araw para palamigan...
Siguro pwede na-
Binuksan ko ang kalan
At nagpainit ako ng mantika
Kumukulo na ang aking
mga bituka para dito.
Kinuha ko ang pinalamigang karne.
Doon pa lamang nais ko nang
Kainin ang karneng iyon
Ngunit mas masarap ito kapag
Pinrito...
Kumulo na ang mantika
At tumilamsik ang
Mga patak nito.
Malutong ang tunog
Ngunit lalong lumakas
Ang tunog at tilamsik
Nang isinalang ko na
Ang tocino
Naghintay pa rin
Nang ilang saglit
bago baliktarin
At hinintay
Tumigas at bumango
Luto na
Isinalin ko na sa plato
Kumuha na ako ng tinidor
At akin na sanang isusubo
Ngunit kumalabog ang pinto
Nakabibingi ang kanilang mga isinisigaw
Galit at pagngingitngit
Pinararatangan ako
Ng mga kakilakilabot
At karumal-dumal
Unti-unti
Kumalas ang kadena
Natumba ang harang
Hindi muna ako kakain
Ako’y maghahanap ng lugar
Kung saan ligtas
At hindi nila ako mahuhuli.
Takam na takam na ako
Ngunit kailangan kong maghintay…
Literary: Tocino
Tinanggal ko muna ang mga buto,
Saka ko hiniwa
Nang tigkapat pulgada ang kapal.
Hinalo ko sa
Asukal, suka at toyo
Sa kabila ng pananabik
Kumain ng tocino
Kailangang maghintay
Tatlong araw para palamigan...
Siguro pwede na-
Binuksan ko ang kalan
At nagpainit ako ng mantika
Kumukulo na ang aking
mga bituka para dito.
Kinuha ko ang pinalamigang karne.
Doon pa lamang nais ko nang
Kainin ang karneng iyon
Ngunit mas masarap ito kapag
Pinrito...
Kumulo na ang mantika
At tumilamsik ang
Mga patak nito.
Malutong ang tunog
Ngunit lalong lumakas
Ang tunog at tilamsik
Nang isinalang ko na
Ang tocino
Naghintay pa rin
Nang ilang saglit
bago baliktarin
At hinintay
Tumigas at bumango
Luto na
Isinalin ko na sa plato
Kumuha na ako ng tinidor
At akin na sanang isusubo
Ngunit kumalabog ang pinto
Nakabibingi ang kanilang mga isinisigaw
Galit at pagngingitngit
Pinararatangan ako
Ng mga kakilakilabot
At karumal-dumal
Unti-unti
Kumalas ang kadena
Natumba ang harang
Hindi muna ako kakain
Ako’y maghahanap ng lugar
Kung saan ligtas
At hindi nila ako mahuhuli.
Takam na takam na ako
Ngunit kailangan kong maghintay…
0 comments: