Binibini22,
Sa bayang kinagisnan, kinalakihan.
Mga kasabihan ng matatanda’y pilit pinaniniwalaan.
Mitolohiyang umabot pa hanggang sa kadulu-duluhang bayan,
Totoo ba? O sadyang kathang-isip lamang.
May ugong akong naririnig sa isang yungib,
Sumasabay pa ang huni ng mga ibong nasa himpapawid
Na lalong nagpakabog sa aking dibdib.
Tila ba’y nalaglag ang puso kong tigib.
Patuloy kong nilalayag ang aking bangka papalayo
Ngunit pilit akong hinahatak papalapit sa iyo.
Sinusubukan kong lumayo sa iyong pinanggalingang mundo,
Dahil sa mga kasabihang pinaniniwalaan ko.
Tanging liwanag lamang ng buwan ang aking tanglaw.
Subalit ito’y biglang kinain ng madilim na alapaap.
Simoy ng hangin na bumabalot sa akin.
Sinasabayan ang bawat sayaw ng mga dahon ng banahaw.
Kaba’t takot ang nangingibabaw.
Papalapit nang papalapit sa iyong malabituing presensya,
Pabilis nang pabilis ang emosyong aking nadarama
O diwatang bumaba sa lupa,
Hindi inasahang ika’y aking makilala.
Namumutawi ang iyong ganda.
Agos na sumasabay sa himig mong kay ganda
Na bumabalot sa buong kweba.
Tumatagos sa puso ko’t kaluluwa,
Nais ko sanang ika’y mahagkan
Ngunit hindi ito kailanman magiging makatotohanan.
Nang imulat ko ang aking mga mata,
Labis na kasiyahan ang aking nadama,
O kay sarap pagmasdan ang iyong ganda
Na mapapasabi ka na lang ng sana…sana lang talaga
Ika’y aking mapangasawa.
Pinapangarap ko na sana sa aking muling pagpikit,
Maririnig ko ang iyong himig na nagmula sa langit,
Yayakapin ka nang sobrang higpit
Ngunit sa panaginip ko lamang ito makakamit.
Literary: Panaginip

0 comments: