filipino,
12:00 mn
Iyan ang oras sa aking cellphone.
Dahan-dahan kong inalis ang sleeping bag na nakabalot sa'kin. Bumungad sa'kin ang huni ng mga kuliglig at ang mga patrolmate kong himbing na himbing sa pagtulog. Napakarami rin kasing ginawa noong unang araw ng camping. Kaya't takot na takot man, minabuti kong ihakbang ang magkabuhol kong mga paa. Bitbit ang aking munting flashlight, dali-dali akong pumunta sa banyo ng first floor.
Patalon kong tinahak ang mga hakbang sa hagdan at marahang naglakad tungo sa banyo habang pinagmamasdan ang aking paligid. Agad kong sinarado ang pintuan ng cubicle habang tila plakang tumatakbo sa isip ko ang mga kwento ng aking kasama tungkol sa mga naganap noong huling camporee.
Nang narinig ko ang tunog ng mababagal na yapak at ang dahan-dahang pagsara ng katabing pintuan, kampante akong lumabas at naglakad papuntang lababo.
Bigla na lamang akong nakarinig ng mahinang paghikbi. Isinara ko ang gripo't nagtanong, "Ok ka lang ba? " Makalipas ang ilang segundo'y ‘di pa rin ito umimik subalit rinig pa rin ang ngayo'y mahihinang paghikbi. Dahan-dahan akong lumapit at muling nagtanong, "Ok ka lang ba talaga?"
Katahimikan. Tanging katahimikan ang aking nakuhang sagot . Kaya yumuko ako't sumilip. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng aking puso na sinabayan ng malakas na ragasa ng tubig mula sa mga lababo.
Ni hindi ako makagalaw. Hindi ko maramdaman ang aking mga paa, mga paa kong napako sa aking kinatatayuan. Isang nakabibinging kalabog ng kalapit na pintuan ang tanging kinailangan upang ako'y matauhan. Subalit, habang ako'y tumatakbo tila may kasabay akong isang anino.
Sinalubong ako ng pagkalakas-lakas na ihip ng malamig na hangin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagtulak sa 'kin. Sa halip na tumakbo paakyat, binuksan ko muli ang flashlight at naghanap, espirito, multo, tao, anumang bagay na magpapatunay, magpapaliwanag sa lahat ng naranasan ko.
Sa dulo ng pasilyo, nahagip ng aking mata ang pigura ng isang babaeng nakaputi, ang buhok niya'y nakapusod. Ilang beses kong pinikit ang aking mga mata, ngunit sa bawat pagmulat ko ay nakikita ko siyang nanatili sa parehong pwesto. Dito na naglaho ang ngiti sa 'king labi.
Pinaulit-ulit ko sa aking sinabi gamit ang nangangatog kong labi "Mga ate cadets lang 'yan. Malamang naghahanda lang sila para sa Bravery Part 1…"
Naghahanda lang sila para sa Bravery Part 1. 'Yan ang pilit kong ipinasok sa 'king isipan. 'Yan ang paliwanag sa lahat ng aking nakita ng aking mata, sa lahat ng narinig ko kanina.
Isang bagay ang gumulong sa 'king paa. Isang ballpen, na niyuko ko't sinubukang kuhanin. Ngunit nagsitaasan ang mga balahibo sa 'king batok habang paunti-unti kong inangat ang aking ulo.
Bumungad sa 'kin ang babaeng kanina lamang ay aking pinagmamasdan. Ang babaeng nakapusod, puti ang suot na damit mga matang malamlam at puno ng pagod. Ang mapuputlang labi kung saan naroroon ang isang mabining ngiti. Nasa kanyang palad, ang ballpen.
Natigil ako't napatitig, hindi malaman ang gagawin. Dapat ba kong tumakbo, magsisigaw sa takot, o magdasal na sana ay iligtas ako ng Diyos o ninuman. Ngunit bago ko pa man . maiigalaw ang aking katawan o maibuka ang aking bibig. Heto ang babaeng ngayo'y katitigan, gamit ang kanyang hintuturo ay tinapik ng tatlong ulit ang aking noo.
3:30 am
Sa kalagitnaan ng gabi, napabangon akong bigla, napakabilis ng paghinga. Napatingala ako’t inilibot ang aking mata. Puno ng takot at pagkabalisa, hinanap ko ang babae. Ako'y napabuntong-hininga. Wala ang babaeng aking hinahanap. Wala. Isang kakaibang panaginip lamang pala.
Panaginip na sandaling nagtakas sa'kin mula sa realidad. Realidad na bukas ay miyerkules at tambak pa ang aking dapat tapusin, tungkulin gampanin bilang isang mag-aaral, scout, Isko ng sambayanan.
6:30 am
Miyerkules, araw na naman ng pagpasok.
Heto't naglalakad na naman ako sa parking lot ng 7-12. Isang panibagong araw, araw na malamang magsisimula sa pagpatak ng alas-siyete, sa aming unang asignatura. Magtatapos ng alas-singko, muli akong uuwing tila isang lantang halaman. Sobrang pagod, kadalasan kinakaladkad na lamang ang mga paa pauwi, pinipiga ang isip upang matapos ang mga sulatin.
Sa katunayan madalas nakakapagod din. Nakakawalang ganang gumising para lamang ipagpatuloy ang siklo ng aking buhay. Nakasasawang humarap sa mundo kung saan inaasahan ng lahat na maging perpekto ka.
6:55 AM
Iyan na ang oras sa aking relo. 'Di ko man lang namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa' yo, Lorna. Hindi ba't ikaw ang nagpakita sa'king panaginip. Muli, gaya ng 'yong ginawa, itatapat mo ang ballpen sa 'king noo, itatapik nang tatlong beses, tatlong beses para sa araw na ito. Pumasok ako sa silid-aralan nang may ngiti sa labi.
Lahat ng pawis na tumulo , di mabilang na mga umagang kinakailangang gumising bago pa man sumikat ang araw upang ipagpatuloy ang nakakasawang siklo, ang napakatinding pagod; bawat matang nakatitig , bawat tenga nakikinig, mga taong inaasahan kang maging perpekto; sa kabila ng lahat ng ito tuwing sumasagi sa’king isipan ang kakaibang panaginip tila ako’y nabubuhayan.
‘Pagkat naunawaan ko na, hindi ba’t ito ang ‘yong nais na ipahiwatig Lorna, na ang ballpen dati mong hawak ay matagal nang wala sa’yong kamay. 'Pagkat ito'y nasa aking puso't isipan, ang iyong mga pangaral, ikaw aming “The Teacher.” Ang ‘yong ballpen sa’ming magsisilbing pamana. Ito ang aming magiging sandata sa patuloy na pagsulat ng ating kasaysayan. Pangakong pag-iingatan, pagyayamanin, at ipamamahagi ang ‘yong ipinagkatiwala, akin itong dadalhin marating man ang malayong lupain.
Kaya't tuwing ako’y nanghihina, aking inaalala kung para kanino ba ang lahat ng aking ginagawa. Lahat ng paghihirap, buo nating pagkatao aking inaalay para sayo, aking minamahal na inang bayan.
Literary: Ballpen

0 comments: