justin polendey,

Mga batang manunulat, natutong magsulat ng balita

10/19/2019 08:10:00 PM Media Center 0 Comments



Gumagawa ang mga batang mag-aaral ng lead sa tulong ng mga miyembro ng MC2021. Photo Credit: Justin Polendey

Pinangunahan ng Media Center(MC) 2021 ang isang news writing workshop para sa mga miyembro ng Balitang K-2 noong Oktubre 14 sa K-2 Building mula 8:30 n.u. hanggang 11 n.u..

Ang workshop sa pagsulat ng balita ay isa sa tatlong workshop na isasagawa ng MC 2020 at 2021 sa seryeng pinamagatang “Batang Manunulat Ako: Paano Nga Ba Ito?”.
Layunin ng seryeng ito na linangin ang kakayahan ng mga batang mag-aaral sa larangan ng peryodismo.

Itinuro ang pagsulat ng mahahalagang bahagi ng balita sa pamamagitan ng mga pagtatalakay at gawaing pagsulat. Nahati ang workshop sa tatlong pangunahing bahagi ng balita: lead, body at headline.

Sa pamamagitan ng skit na itinanghal ng MC 2021, pinasulat ang mga bata ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng pangyayaring maaaring maging balita. Binigyan din ng pagkakataon ang mga mag-aaral na kausapin ang mga pangunahing tauhan ng skit upang makakuha ng karagdagang impormasyon. Naglaan din ng oras para ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang mga isinulat.

Bukod dito, nakapaglaro rin ang mga mag-aaral ng The Boat is Sinking para sa pagpapares sa mga gawain.

Nang tinanong tungkol sa kanyang karanasan, sinabi ni Maxine Ceballo ng 2-Mangga “I liked the… workshop. I got to write and experience how to write news. [I had fun] when we had the show with Batman and Joker.”

Ang susunod na workshop ay gaganapin sa Oktubre 28, 8:30 n.u. hanggang 11:30 n.u.. Ito ay tatalakay sa Photo Journalism. //ni Justin Polendey

You Might Also Like

0 comments: