Ataraxia,
Binubuksan tuwing umaga,
dala ang mga balita at musika,
nagsisilbing libangan
sa loob ng aming tahanan,
tradisyon na mula pa noon
Nakasanayang gawi ni lolo
Kapag dumarating ang tanghali,
katahimika’y naghahari,
ngunit biglang mayroong
lumang tumutunog
sa kuwarto roon,
mula sa aming radyo.
Oras ito ng siyesta,
walang nais makinig sa mga salita
puwera lamang sa ‘king lolo,
ngunit walang nagbukas ni anino,
ako lamang ang lumilinga-linga
ako lamang ba ang may tainga?
Alas-kuwatro na sa orasan
ang radyo’y muling binuksan
na kailan ba’y hindi tumunog
sa buong sandali ng maghapon
sa bawat minuto’y nagsasalita
minsa’y musika, minsa’y balita
Nagpaalam na ang araw
at sa gabi’y muling umalingawngaw
ang malakas na tunog ng radyo
na nilalakasan ng aking lolo
kabado’t pinapawisan na,
‘pagkat siya’y patay na
Literary: Radyo
Binubuksan tuwing umaga,
dala ang mga balita at musika,
nagsisilbing libangan
sa loob ng aming tahanan,
tradisyon na mula pa noon
Nakasanayang gawi ni lolo
Kapag dumarating ang tanghali,
katahimika’y naghahari,
ngunit biglang mayroong
lumang tumutunog
sa kuwarto roon,
mula sa aming radyo.
Oras ito ng siyesta,
walang nais makinig sa mga salita
puwera lamang sa ‘king lolo,
ngunit walang nagbukas ni anino,
ako lamang ang lumilinga-linga
ako lamang ba ang may tainga?
Alas-kuwatro na sa orasan
ang radyo’y muling binuksan
na kailan ba’y hindi tumunog
sa buong sandali ng maghapon
sa bawat minuto’y nagsasalita
minsa’y musika, minsa’y balita
Nagpaalam na ang araw
at sa gabi’y muling umalingawngaw
ang malakas na tunog ng radyo
na nilalakasan ng aking lolo
kabado’t pinapawisan na,
‘pagkat siya’y patay na
0 comments: