c,

Literary (Submission): Obra Maestra

10/31/2019 08:55:00 PM Media Center 0 Comments





Hungkag na tela at
Pilansik ng itim.

Tagpi-tagping
Papel ng magasin.
Mga kwadernong punit
At retasong damit.
Munting panakip
Sa magulong isip.

Sabuyan ng itim.

Lagyan ng pandikit
Na may halong putik,
Lupang tuyo't
Babad sa init.
Yangit.

Kaunting kalabit at
Dagdag na pilansik.

Tunaw na krayola.
Tabinging bahaghari.
Mumunting kulay
Sa naglalahong buhay.

Buhay?

Palitan ang tela't
Sabuyan ng itim.



You Might Also Like

0 comments: