MC2020,

Pamana

10/05/2019 09:30:00 PM Media Center 0 Comments





Ang mga pangalawang magulang natin.
Bantay at gabay ng ating mga isip na igkasin.
Kahit na minsa’y hindi tayo nakikinig,
Dadaan pa rin sila sa paghihirap dahil gan’on nila tayo iniibig.
Enerhiya nila’y inuubos, lakas nila’y binubuhos,

Gabi’y ginagawang umaga nang mga trabaho’y matapos.
Habambuhay na inipong kaalaman,
Ibinabahagi nila nang walang karamutan.
Lahat ay ginagawa, lahat ay sinusubukan,
Maitawid lamang ang mga mensaheng dapat nating maintindihan

Kaya

Nanay, tatay, kayo’y hindi namin lilimutin
Ngalan niyo ma’y makalimutan, diwa niyo’y maiiwan sa amin.
Pasasalamat ay nais naming iparating
Sa inyo na nagturo’t gumabay sa amin.

Talinong galing sa inyo’y hindi sasayangin
Upang bayaran ang aming utang na ‘di kayang timbangin.
Wala kailanman sa inyo’y makakapalit,
Yamang ibinigay ninyo’y habambuhay magagamit.

Nagmamahal,
MC2020, MC2021, at MC2022

You Might Also Like

0 comments: