danzar dellomas,

Feature: Kahalagahan ng Filipino Drama sa mga mag-aaral

10/26/2019 08:40:00 PM Media Center 0 Comments

Zwei Theatermasken:eine lachende und eine weinende. Credits:Patrick Fauvel/Fotolia

Siguradong may mga mag-aaral ng UPIS ang nangangarap na maging artista ng teatro. Mahalagang magkaroon sila ng pagsasanay upang matugunan ang mga kinakailangan upang maging isang mahusay na artista ng teatro. Ang UPIS ay nagbibigay ng daan upang matulungan at maturuan ang mga mag-aaral na may hilig sa larangang ito. Ang eskwelahan ay nagbukas ng interest course para sa mga mag-aaral sa grado 12 na tinatawag na Filipino Drama (Fil Drama) na madalas hinahawakan nina Prop. Sharon Rose Aguila at G. Carlo Pineda. Ayon sa mga kasalukuyang miyembro ng Fil Drama, narito ang mga naitulong ng naturang kurso sa kanila:

1) Naipakikita at naipamamalas ng mga estudyante ang kanilang mga talento sa pag-arte.

Alfred Enoch, right, and cast in ‘Tree’. Credits: Mark Brenner, hollywoodreporter.com

Ang Fil Drama ay nagbibigay ng pagkakataon upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento sa teatro. Tinutulungan din nitong mapabuti ang kanilang mga galaw, ekspresyon, at emosyon na dapat ipakita sa mga manonood. Nagbibigay din ito ng mga bagong kaalaman sa teatro na maaaring makatulong sa mga may interes na kumuha ng kursong teatro sa kolehiyo.

2) Nagbibigay ng lakas ng loob at kumpiyansa sa sarili

Kai Tomizawa in “Junie B. Jones”, at Oregon Children’s Theatre in 2015. Credits: Owen Carey

Alam na natin na kapag may umaarte, may nanonood. Nasasanay ang mga aktor at aktres na magtanghal kaya nagiging komportable na sila sa entablado. Binibigyan din nito ang mga estudyante ng pagkakataon para ipahayag ang kanilang mga sarili sa harap ng maraming tao. Nababawasan ang kanilang hiya at mas naipapakita nila ang karakter na dapat nilang ginagampanan.

3) Nagsisilbing daan upang maipamalas ang pagkamalikhain ng mga miyembro nito

Cultivating kids’ creativity, IOWANow. Credits: The University of IOWA

Sakop din ng teatro ang pag-iisip ng mga konsepto at ideya, pagdidisenyo ng entablado, pagdidirek ng mga aktor at aktres, paggawa ng mga kagamitan, at pagdidisenyo ng kasuotan. Nakadadagdag din ito ng pagkamalikhain sa paggalaw, ekspresyon, at pagpapakita ng emosyon. Isa sa mga layunin ng mga artista ng teatro ay makuha ang atensyon ng mga manonood kaya mahalaga ang pagiging malikhain.

4) Nagtuturo ng pagkakaisa at pagtutulungan

How to build successful work teams. Credits: peoplematters, peoplematters.com

Upang makaisip at makagawa ng mga konsepto at ideya na itatanghal, kailangang magkaroon ng pagtutulungan sa pagitan ng mga estudyante. Maraming mga gawain at proseso and kailangang pagdaanan ng mga miyembro upang mabuo ang isang teatrong palabas. Siguradong hindi ito kaya ng iisang tao lamang dahil kinakailangan nito ng iba’t ibang posisyon. Dahil dito, nabubuo ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga mag-aaral na kabilang sa Fil Drama.

5) Nakatutulong sa pagbabahagi ng ideya at pakikisalamuha sa iba pang mga miyembro

10 Features of successful teams. Credit: Hande Genc, digitalistmag.com

Nabibigyan din ang mga estudyante ng pagkakataon upang ipamahagi ang kanilang mga ideya sa kahit na anong posibleng aspeto sa teatro. Dahil dito, nagkakaroon ng kasanayan ang mga mag-aaral sa pakikisalamuha sa mga tao. Nakatutulong ito sa pagpapalabas ng kanilang mga personalidad sa entablado at nakikita ng mga manonood. Nakatutulong din ito upang magkaroon ng kahusayan sa pagsasalita sa labas at sa loob ng teatro.

6) Nakapagpapahayag ng mensahe o adbokasiya

On broadway, support for marriage equality runs deep. Credit: Gordon Cox, variety.com

Ang teatro ay isang daan upang ipakita o ipahayag ang gustong sabihin ng mga estudyante. Maaaring gamiting ang Filipino Drama upang iparating ang mga mensahe at adbokasiya sa mga manood. Maaaring layunin ng teatro na manghikayat sa mga manood na gumawa ng aksyon tungkol sa mga mensahe na kanilang nais sabihin. Maaari itong gawin ng mga estudyante upang masolusyunan ang mga problema sa lahat na posibleng aspeto. Maaaring patungkol sa mga problema ng lipunan, sarili, pamilya, at marami pang iba. Maganda itong daan o paraan dahil maraming tao ang may interes at nanonood ng teatro.

Dagdag pa nila na mas nakikilala nila ang kanilang mga sarili. Dahil sa Fil Drama, hindi nila malalaman na marunong pala silang umarte tulad ng pag-iyak, maging baliw, o umarte salungat sa kanilang kasarian. Ngunit ayon sa ilang kasalukuyang miyembro nito na sina Erika Sasazawa, Ned Daniel Pucyutan, at Chloie Guanzon, mayroon din silang kinahaharap na mga suliranin.

“Ang schedule ng FD ang isa sa mga kinakaharap na problema namin. Laging natatamaan ng suspensions kaya nasasayang ang mga workshop na nakahanda para sa meeting na iyon, ” banggit ni Guanzon.

“Isa sa mga pinoproblema siguro ng FD ay ang venue kung saan puwedeng magpractice. Dahil nirerenovate ang Administration Office, at kasalukuyang [ginagamit ang] Dance Room kung saan kami nag-eensayo. Kinakailangan naming mag-adjust. Kasalukuyan kaming nasa AVR sa 4th floor kung saan walang salamin kaya hindi namin masiguro kung napo-project ba namin ang karakter na pino-portray nang maayos. Isa pa, ang funding kasi for the past years, I think galing sa pera ng class ang props na ginamit for past productions, ” pahayag ni Pucyutan.

“Dahil sa mga suspensions, hindi na namin nagagawa lahat ng mga hinandang gawain. Hindi pa nagkaroon ng make-up classes kaya sa tingin namin ay hindi pa ganon nahahasa ang aming kakayahan sa pag-arte,” dagdag ni Sasazawa.

Kahit na may ganitong mga hamon na kinahaharap ang Fil Drama, maganda pa rin ang naidudulot ng nito sa mga estudyante kaya isa itong magandang interest course sa UPIS. Maganda rin na kahit anong track ang piliin ng estudyante, may pagkakataong sumali ang lahat dito. Nagkakaroon din ng pagkakataon na itanghal ng mga estudyante ang kanilang mga hinanda kaya isa rin itong magandang daan upang ipamalas ang kanilang mga talento sa larangang teatro. //ni Danzar Dellomas

You Might Also Like

0 comments: