Bi2win,

Literary (Submission): Kalikasan o Kaguluhan

10/31/2019 08:50:00 PM Media Center 0 Comments





Inang Kalikasan patawad, ika'y pinapatay namin
Kay gandang likas-yaman ay iyong inihain
Ang iyong kabutihan aming pinagsamantalahan
Hanggang kailan kaya kami magbubulag-bulagan

Kaunting oras na lamang ang natitira
Ngunit hanggang ngayon ika'y aming sinisira
Mayroon pa kaya kaming matitirahan,
Kung ang dulot lang namin sa iyo'y kaguluhan

Simpleng pagtapon ng sariling basura,
Ipinapasa pa ang tungkulin ito sa isa't isa
Respeto at alaga sa lahat ng iyong produkto
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami natuto

Inang Kalikasan ika'y aking nakausap
Ngayon naman sa aking kapwa ako'y makikiusap
Nananawagan sa lahat ng aking kababayan
May oras pa para tayo'y magising sa katotohanan

Kapwa ko, kaya nating magbago
Huwag kang mabulag sa mga makabago
Sa tamang gawi at ugali,
ang buhay ni Inang Kalikasan ay mapananatili

Ang mga bagong produktong ating nilikha
nagiging rason sa ating pagpapabaya
Mga pinagkukunang-yaman para sa ating ginhawa,
tayo'y nagsasaya ngunit si Ina ba ay buhay pa?

Milyong-milyong kamay ang maaaring magtulungan
Kung pursigidong magbago ang mga mamamayan
Pansinin na ngayon ang Inang nahihirapan
Tinatawag tayong mga anak niya para siya ay matulungan

Kapwa ko ngayo'y iyong napakinggan
Ang mensahe sa atin ni Inang Kalikasan
Responsibilidad sa kanya'y huwag talikuran,
dahil sa huli ikaw ang mahihirapan.

You Might Also Like

0 comments: