filipino,
Gabing binabalot ng kadiliman
Tanging tanglaw ay ang liwanag ng buwan
Mariin kong pinagmamasdan
Mula sa'king kinatatayuan
Isang puno
Punong tila bumihag sa'king katawan
Gayundin sa'king isipan
Pagkat hindi man lang namalayan
Mga pawis sa'king noo'y nagpatakan
Kasabay ng pagtulo ng luhang di mapigilan
Mga hakbang na nagdala sa'king kinalalagyan
Dito
Dito, sa sulok ng makitid na pasilyo
Kung saan mugto kong mga mata'y nakasilip sa puwang ng pinto
Nang aking marinig ang yapak ng mga batang tumatakbo
Mabilis, marahan, pahinto-hinto
Gaya ng pagpintig ng aking puso
Isang tugtugin kanilang sinasambit
"Langit lupa impyerno, im-im-impyerno
Saksak puso, tulo ang dugo
Patay, buhay umalis ka na sa pwesto mo—"
Isang kaibang laro
Kung saan ang kapalit ng pagkatalo
Ay ang buhay mo
Hagikhikan, pagtawa ng mga paslit
Katwira'y sa isip ay ipipilit
Sila'y mga kapatid ko lamang
Mga musmos na walang kakayahang manakit o manlamang
Kapatid, kapatid, mga kapatid ko—
"Ate bakit ‘di ka pa natutulog?
Pinanonood mo ba kaming maglaro? "
Kapit-kamay, kunot-noo nilang wika
Puso't isipa’y tila nagpapaligasahan
Dahil sa kanila,
Silang kasa-kasama ko sa tahanan
Silang memoryado ko ang pagkakakilanlan
Isipa'y binabagabag
Ng isang nakapangingilabot na katanungan
Sino nga ba ang kasama ko?
Siya ba, sila ba'y nakikilala ko
Tugma ba ang aking inaasahang kasagutan
Sa katotohang nasa aking harapan
Subalit—
Ipipikit ang aking mata't matutulog nang mahimbing
Sa loob ng apat na sulok ng aking silid
Dito na tila laging may nakamasid
Kasabay ng mahinahong pag-ihip ng hangin
Na tila isang marahang kundiman
Ibubulong sa kawalan
Aking mumunting kahilingan
Sa'yo, sa inyo, kayong nasa puno
TABI-TABI PO!
Literary: Apat na Sulok
Gabing binabalot ng kadiliman
Tanging tanglaw ay ang liwanag ng buwan
Mariin kong pinagmamasdan
Mula sa'king kinatatayuan
Isang puno
Punong tila bumihag sa'king katawan
Gayundin sa'king isipan
Pagkat hindi man lang namalayan
Mga pawis sa'king noo'y nagpatakan
Kasabay ng pagtulo ng luhang di mapigilan
Mga hakbang na nagdala sa'king kinalalagyan
Dito
Dito, sa sulok ng makitid na pasilyo
Kung saan mugto kong mga mata'y nakasilip sa puwang ng pinto
Nang aking marinig ang yapak ng mga batang tumatakbo
Mabilis, marahan, pahinto-hinto
Gaya ng pagpintig ng aking puso
Isang tugtugin kanilang sinasambit
"Langit lupa impyerno, im-im-impyerno
Saksak puso, tulo ang dugo
Patay, buhay umalis ka na sa pwesto mo—"
Isang kaibang laro
Kung saan ang kapalit ng pagkatalo
Ay ang buhay mo
Hagikhikan, pagtawa ng mga paslit
Katwira'y sa isip ay ipipilit
Sila'y mga kapatid ko lamang
Mga musmos na walang kakayahang manakit o manlamang
Kapatid, kapatid, mga kapatid ko—
"Ate bakit ‘di ka pa natutulog?
Pinanonood mo ba kaming maglaro? "
Kapit-kamay, kunot-noo nilang wika
Puso't isipa’y tila nagpapaligasahan
Dahil sa kanila,
Silang kasa-kasama ko sa tahanan
Silang memoryado ko ang pagkakakilanlan
Isipa'y binabagabag
Ng isang nakapangingilabot na katanungan
Sino nga ba ang kasama ko?
Siya ba, sila ba'y nakikilala ko
Tugma ba ang aking inaasahang kasagutan
Sa katotohang nasa aking harapan
Subalit—
Ipipikit ang aking mata't matutulog nang mahimbing
Sa loob ng apat na sulok ng aking silid
Dito na tila laging may nakamasid
Kasabay ng mahinahong pag-ihip ng hangin
Na tila isang marahang kundiman
Ibubulong sa kawalan
Aking mumunting kahilingan
Sa'yo, sa inyo, kayong nasa puno
TABI-TABI PO!
0 comments: