12:07,
“Kapag may nahulog na kubyertos, may darating na bisita.”
Iyan ang laging sinasabi dati ng aking ina tuwing may nahuhulog na kutsara o tinidor.
Ako si Josh, 65 na taong gulang. Nanggaling ako sa isang pamilyang hindi mahirap ngunit hindi rin mayaman. Gayunpaman, ginawa ng aking mga magulang ang lahat upang pagandahin ang aking buhay. Noong bata pa ako, araw-araw umaalis ang aking ama nang maaga upang magtrabaho. Ang ina ko naman ay nagsikap na alagaan ako. Kahit na simple lamang ang aming buhay, puno ng masasayang alaala ang aking pagkabata. Ngunit sa masayang panahong ito ko rin naranasan ang pinakanakakatakot na pangyayari sa aking buhay.
Isang gabi, habang kumakain kami ng aking pamilya, nadulas mula sa kamay ko ang aking kutsara’t tinidor. Pupulutin ko dapat ang mga ito ngunit napahinto ako nang may kumatok sa aming pinto. Mahinahon ang pagkatok, kaaya-aya, kagaya ng ngiti na bumungad sa akin nang binuksan ko ang pinto. Ang ngiti ay mula sa isang magandang babaeng nakapulang bestida. Hawak-hawak niya ang kamay ng isang batang lalaki na nakasuot ng kupas at lukot-lukot na mahabang polo at pantalon. Nakita ko na sinusubukang lumayo ng bata sa babae ngunit hindi niya ito magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.
“Hi, ako nga pala si Mary at ito ang anak kong si Odio. Kakalipat lang namin kanina diyan sa kabilang bahay. Gusto ko lang sanang magpakilala sa aming mga bagong kapitbahay. May dala rin pala akong adobo, baka magustuhan ninyo, ” sabi ng aming bisitang babae
“Sige, pasok kayo, ” nakangiting sinabi ng aking ina pagkatapos magpasalamat para sa adobo.
Pumasok ang babae habang hinihila ang kamay ng kanyang anak. Tinawag ako ng aking mga magulang papunta sa sala kung saan nakaupo na sila kasama ang aming mga bisita.
“Wow! Ang ganda naman ng bahay niyo!” sabi ni Aling Mary.
Simple lamang ang aming bahay, maliit ngunit maraming mga palamuti at mga bintana. Masasabi ko na sinasalamin nito ang aming buhay — simple ngunit maliwanag at maganda.
Nagpasalamat ang aking ina para sa papuri at ipinakilala niya ang aming pamilya. Pagkatapos ay nakipag-usap siya at ang aking ama kay Aling Mary.
“Sandali lang kami dito. Siguro sa susunod na linggo ay wala na kami, ” sabi nito.
“Ay ganun ba? Bakit naman? Hindi ba kayo mahihirapan at lilipat na naman kayo?” tanong ng aking ama.
“Dahil sa mga personal na dahilan at saka sanay na rin naman kaming magpalipat-lipat” sagot ni Aling Mary.
Habang sila’y nag-uusap, sinubukan kong kausapin si Odio ngunit hindi siya sumagot, tila ba takot magsalita. Napansin kong gustong subukan ni Odio na kunin ang atensyon ng kanyang ina ngunit siya ay nagdadalawang-isip. Sa huli ay kinalabit niya rin ito.
“Ano ba Odio bakit ang kulit mo?” pagalit na sabi ni Aling Mary.
Nanahimik si Odio ngunit nakita kong bumilis ang kanyang paghinga na para bang nakakita ng isang halimaw.
Natapos din ang pag-uusap ng aking mga magulang at ni Aling Mary. Nagpaalam si Aling Mary at aking binuksan ang pinto upang siya ay makalabas. Umalis siya habang hinihila ang kanyang anak at dahan-dahang isinara ang pintuan. Bumalik kami ng aking pamilya sa hapag-kainan kung saan nakita ko na napalitan na ang aking mga kubyertos. Ilang sandali lang, nakarinig kami ng nakakatakot na sigaw na sinundan ng pag-iyak. Sinabi ng aking ina na huwag ko na lamang itong pansinin. Sinubukan ko ang adobong ibinigay ni Aling Mary. Masarap naman ito ngunit hindi ko naramdaman ang kaginhawaan na nakukuha ko mula sa luto ng aking ina. Pagkatapos kong kumain, nagtungo ako sa aking kuwarto upang matulog.
Noong gabi na iyon, bago matulog, nakarinig ako ng pagbagsak, pag-iyak, at pagkalabog mula sa bahay nina Aling Mary. Dahil sa pagod, hindi ko na ito nagawang bigyan ng pansin.
Kinabukasan, sa silid-aklatan ng aming paaralan, nabasa ko ang isang kuwento tungkol sa isang halimaw na nag-aanyong magandang babae na may suot na bestidang gawa sa dugo. Ang halimaw daw na ito ay nagpapalipat-lipat ng lugar upang kumuha ng mga bata. Ang katawan at kaluluwa ng mga batang nakukuha ay sinusugutan at ang mga paniginip nila ay kinakain hanggang sila’y maging naglalakad na bangkay.
Natakot ako sa kuwento na ito at pag-uwi ay ikinuwento ko ito sa aking ina.
“Ina, totoo ba yung halimaw?” tinanong ko sa kanya.
“Huwag kang mag-alala ‘nak hindi naman totoo ‘yun. Kung totoo man, huwag kang matakot dahil poprotektahan naman kita.” sagot ng aking ina.
Nawala ang aking takot dahil sa sinabi ng aking ina.
Noong gabi na iyon at sa mga sumunod na gabi, bago matulog, nakarinig muli ako ng pagbagsak, pag-iyak, at pagkalabog. Noong una ay naalala ko ang aking nabasa. Bumalik ang aking takot ngunit ito ay naglaho nang naalala ko ang sinabi ng aking ina. Kahit na nawala na ang aking takot, napukaw pa rin ang aking kuryosidad.
Pagkatapos ng ilang araw, hindi ko na napigilan ang aking kuryosidad kaya’t naisipan kong puntahan ang bahay nina Aling Mary. Isa itong malaking mansyon, marungis at sira-sira na ngunit mababakas pa rin ang dati nitong kagandahan at kadakilaan. Ang lahat ng mga bintana nito ay nakasara at walang tunog na maririnig mula rito. Kumatok ako at sinagot ako ng isang matatakuting boses ng lalaki na parang matagal nang hindi nakipag-usap sa ibang tao.
“Sino po iyan?” sabi ng boses.
“Ako ito si Josh, yung kapitbahay niyo.”, aking tugon.
“Ano pong ginagawa ninyo rito?” tanong niya.
Sumagot ako “Gusto ko lamang sana kayong kumustahin. Puwede ba akong pumasok?”
Hindi agad siya pumayag ngunit pagkatapos ko siyang kulitin ay nagbago ang kanyang isip.
“Sige na nga po pero saglit lamang po kayo rito ah. Baka po magalit ang nanay ko eh.”
“Oo wag kang mag-alala, aalis din agad ako.”
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, tila nagdadalawang-isip pa rin, at ako ay kanyang pinapasok. Pumasok ako at pinagmasdan ang interyor ng kanilang bahay. Malawak ito ngunit halos walang laman. Wala itong dekorasyon liban sa isang plorerang may mga nalalantang rosas na nakapatong sa sahig na may mga pulang bakas. Ang mga kagamitan ay tila matagal nang hindi napapalitan kahit na sila’y bagong lipat lamang. Nabigo ang aking usiserong utak.
“Sabi niyo po kanina, saglit lamang kayo.” paalala sa akin ni Odio.
Nagpasalamat ako at nagpaalam ngunit ako’y nabigong buksan ang pinto. Sinubukan itong buksan ni Odio ngunit siya ay nabigo rin. Marahil sa tanda ng pinto ay nasira na ang mga mekanismo nito. Pauulit-ulit na sinubukan ni Odiong buksan ang pinto nang may pagkabalisa ngunit ayaw pa rin nitong bumukas. Siya ay nagsimulang umiyak.
“Hintayin na lamang natin ang nanay mo. Tiyak na alam niya kung paano ito buksan.” sabi ko sa kaniya upang pakalmahin siya.
Siya ay may binulong ngunit hindi ko ito naintindihan. Habang hinihintay na kumalma si Odio, mataman ko siyang pinagmasdan. Simple lamang ang kanyang mukha ngunit ang mga mata niya’y tila walang buhay. Napansin ko rin na sa braso’t binti niya ay may mga markang mukhang pasa. Nang siya’y kumalma ay kinausap ko siya.
“Odio, anong grade level ka na?”
Matapos tumahimik nang ilang segundo, mahina siyang sumagot “Hindi ako nag-aaral e.”
Nagtanong ulit ako, “Bakit naman?”
“Sabi kasi ng nanay ko wala rin naman akong magiging kuwenta kahit na mag-aral ako kaya nandito lang ako lagi sa bahay, ” matamlay niyang sagot.
Naramdaman ko ang pagbigat ng kapaligiran kaya’t matapos ang ilang sandali ay niyaya ko na lamang siyang maglaro.
“Tara laro na lang tayo ng taya-tayaan dito habang wala pa ang nanay mo.”
Matagal muna siyang nag-isip ngunit sa huli ay marahan siyang tumango. Sa una ay nag-aalangan pa siya at matamlay pa ang kanyang mga kilos habang naglalaro. Nang tumagal ay tuluyan niya ring nailubog ang kanyang sarili sa paglalaro. Medyo matagal kaming naglaro hanggang sa siya’y nadulas sa pulang marka sa sahig. Siya ay nadapa at di sinasadyang nasagi ang plorera hanggang sa ito’y bumagsak at nabasag. Nagsimula siyang huminga nang mabilis at umiyak.
“Huwag kang umiyak, plorera lamang iyan.” sabi ko sa kanya.
Sinagot niya ako nang putol-putol at puno ng takot “E-e-eh ka-kaso, pag may na-na-nahulog, may da-darating na ha-halimaw.”
Tumawa ako at sinabing “Huwag kang mag-alala. Hindi naman totoo ang mga halimaw.”
Ako’y lumapit upang pulutin ang mga piraso ng nabasag na plorera ngunit bago ko tuluyang mapulot ang lahat ng mga ito, nakarinig ako ng malakas at mabilis na pagkatok. Sa gulat, nabagsak ko ang aking mga hawak at sila’y mas lalong nabasag. Hindi ko alam kung bakit ngunit sumabay ang tibok ng aking puso sa bilis ng pagkatok. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang malamig na pawis sa aking noo. Lumakas din ang pag-iyak ni Odio, tila ba sinusubukang takpan ang tunog ng pagkatok. Nakaramdam ako ng hindi magandang sagimsim. Sa paglakas at pagbilis ng pagkatok ay tumindi ang aking naramdaman. Malapit na akong sumigaw dahil sa takot nang biglang tumigil ang pagkatok. Nakahinga ako nang maluwag at aking sinubukang aliwin si Odio.
“Oh di ba sabi ko sa’yo wala namang ha—” bago ko pa matapos ang aking sasabihin ay nakarinig ako ng isang malakas na kalabog at nagbukas ang pinto.
Sa labas ng pinto ay nakatayo ang isang babaeng nakasuot ng isang pula at gusot na bestida. Nakilala ko ang babae bilang si Aling Mary ngunit napansin ko na tila mayroong iba sa kanya. Wala ang ngiting suot niya nang kami ay kanyang dinalaw. Sa halip nito, mayroon siyang madilim sa simangot sa kanyang mukha. Nang nakita niya ako, pinalitan niya ang kanyang simangot ng isang ngiting malawak. Hindi ko alam kung bakit ngunit nang nakita ko ang kanyang ngiti ay lumaktaw ng isang tibok ang aking puso.
“May bisita pala tayo. Pasensya na at ngayon lamang ako nakabalik. Ano naman ang magagawa ko para sa iyo?” wika ni Aling Mary.
Nakita niya ang nabasag na plorera at kumunot ang kanyang noo ngunit nanatili siyang nakangiti at sinabing “Balik ka na lang sa susunod. Umuwi ka na muna at baka hinahanap ka na ng mga magulang mo.”
Kumapit sa akin nang mahigpit si Odio habang umiiyak at sinabing “Huwag! Huwag mo akong iwan!” ngunit ako ay kinaladkad ng babae palabas sa kanilang bahay at isinara nang malakas ang kanilang pinto. Nakarinig ako ng mga sigaw at mga paghampas na sinundan ng pag-iyak, pagbagsak, at pagkalabog.
Sa takot ay tumakbo ako pabalik sa aming bahay. Pag-uwi, nakita ko ang ama ko na kakauwi pa lamang kasama ang aking ina.
“Saan ka napunta? Kanina ka pa hinahanap ng nanay mo." nag-aalalang sabi ng aking ama.
Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari. Nakita ko na napuno ng pag-aalala ang kanilang mga mata. Sinabi nila na kanilang dadalawin bukas sina Odio at Aling Mary. Hindi ako nakakain at nakatulog sa gabing iyon dahil hindi tumigil ang mga narinig kong pag-iyak, pagbagsak, at pagkalabog. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ito ba talaga’y narinig ko o ito’y imahinasyon ko lamang. Kinabuksan, nabalitaan na lamang namin na lumipat na ng bahay sina Odio.
“Kapag may nahulog, may darating na halimaw.”
Hindi ko makakalimtan ang linyang ito. Hanggang sa ngayon, tuwing may nahuhulog na kubyertos ay nakakaramdam ako ng takot.
Literary: Kapag May Nahulog

0 comments: