Showing posts with label ysmael. Show all posts

Ansabe?

#4: Sino ang teacher na may pinakamalaking impact sa 'yo? Bakit?



"Si Sir Ralph dahil supportive siya sa works ko at sa pag-apply ko sa PHSA."
- Ligia Daroy, 6-Emerald

"Sir Gringo. Kasi po kung sa una, akala mo strikto pero pag tumagal na ang kulet at mapagbiro pala. Tapos magaling din po siyang magpaliwanag, as in maiintindihan mong mabuti." - Cheska Ardon, 7-Earth


"Ma'am Cathy! Kasi nakakasundo namin siya pagdating sa lahat ng bagay. Simula acads hanggang personal na buhay. Ang bait bait niya samin, para talaga siyang pangalawang magulang namin."
- Patricia Enriquez, 7-Jupiter

"Si Ma'am Sheila (Fernandez). Lagi siyang nandiyan para 'pag may kailangang kausap tungkol sa school, kaibigan o minsan kahit anong kwento lang. Tsaka sinasabi niya sa estudyante kung may problema sa grades para nasosolusiyonan agad." - Jordan Grefal, 8-Damselfy



"Si Ma'am Sonza! Dahil parang kaibigan ang trato niya sa mga estudyante niya!"
- Luis Perez, 8-Damselfy



"Sir Asuncion! Parang clown po eh. Kahit matanda na at paulit-ulit lang po yung mga jokes nakakatuwa pa rin." - Trizia Badong, 9-Gold



"Ma'am Vargas! DABEST MAGTURO!"
- Nikki Diaz, 9-Iron


"Ma'am Portia. Kasi isa siya mga teacher na naniniwalang matalino ako at may mararating ako. Dahil dito, mas sinisikap kong intindihin ang bawat lesson bawat meeting at nagkaroon na rin ako ng tiwala sa sarili."
- Jon Tungpalan, 9-Iron


"My favorite English teacher, Ma'am Dian. Mainly because she showed me the world of writing, which I still enjoy doing." - Joseph Bautista, 10- Narra



"Si Ma'am Grace siguro. Ang saya makinig sa kanya eh."
- Nikki Canlas, 10-Narra