Showing posts with label coruscate. Show all posts

Literary (Submission): Encouragement




This is for you
Yes, you
The you who is not okay
Which is okay
Okay?

I want you to spare some time
And read this
Believe this

You can do it
One step at a time
Bit by bit
The whole task is overwhelming, yes
Work at your own pace, it is not a crime

You are strong
Though you may feel weak
It will not be long
Trust me
Things can change as we speak

You can take a break

You do have your limit
It is fine to feel the ache
You can cry if you need to
Just relax for a minute

You are special
Though we seem to be apart
And bonds seem unsubstantial
Just know that you have a place
In my heart

You are loved
You deserve attention and respect
You shine brighter than the stars above
I see the beauty in you
More than what a mirror can reflect

Close your eyes for a second and
Breathe in, breathe out
Then open them

You are here, right now
Forget the past or future for a moment
You are in the present
You are the present
You are a gift of life

Literary: Déjà Vu




It's surprising to see how I'm staring at the bottom of this escalator again here in the mall downtown where my mother used to take me out shopping.

This grid pattern of the metallic ridges on the landing plate still feel cold to the feet despite wearing leather shoes. Back when I was seven, I'd wait a while just to feel the vibrating sensation below me, eyes closed, before my mother grips my hand tighter to pull me into the escalator's steps. Now it's just me, wallowing at the sight of the yellow outlines of the rising metal steps appearing in front as I slowly, delicately grab onto the comfy rubber handrails. And the force of the machine drives me forward to take a step.

Slightly wobbling and out of balance, I composed myself to stand up straight while staring at the line of retail stores with flashing colors to my right. Snapping to the left, I see faces going down opposite of my direction. Familiar faces. Faces of my two childhood friends, the bully back in elementary, my grandfather, the postman who came by every Sunday, my first girlfriend, our homeroom teacher, my mother. It's funny, it's been a while. A long while.

I looked at my hands; they couldn't reach the handrails anymore. I shrunk. I'm a child again.

A teardrop trickled ever so slightly, before it hit the ascending step below me. I looked back up to the top of the flight. Somebody must've installed a trash can between the parallel escalators after I left town, though I do recognize the potted plant across it to the right still standing tall. I fixed my collar and stepped out of the escalator with perfect timing. As I pictured, the good ol' upper floor looks the same; yet something felt different and new. I let out a hefty sigh.


Literary: The show doesn’t end with a bow




The show doesn't end with a bow
The curtains won't drop in this tragedy
Make no mistake
You've already played your part
You've already delivered your powerful lines
You've already raised your sword high

But from one scene to another
Your case is no different
You won't get a standing ovation
You won't even get the audience's applause
You're just the actor that you are
You act

Those who live to tell tales have acted at least once
And you're no different
You do your role
And you go down in history
Yet you won't be remembered
Because you're just a side character here

All the preparations
Yet you're not prepared enough
You gave your best performance
You tried to shatter expectations
You even churned everybody's emotions
But something was still off

Was it worth it?
Yes there's always the second show for this season
But are you sure it won't be the same as today?
Will you be in the second run
Or will you just run away?
It's your decision

Once the curtains rises
There's no turning back
Either you follow your script
Or you break character
It's your choice

Go ahead and ask yourself
Do you really need the applause?
Do you have to keep pretending
For everyone else to see you as you are?

It's do or die in a tragedy
Things are done to make more things happen
Now will you do it?

This show doesn't end with a bow
Because it doesn't have to

The stage has always been set for you to do more

Literary: Semper Fessus




From the edges to the corners
to the center of the resonating murmurs,
I feel it.
The static of the status quo
and of all the noise of rage and of fire
to keep itself ablaze had started to accentuate.
Constancy and repetition,
in a spur of the moment and
in conjunction with the situation
of clashing values, beliefs, principles, and
ideologies,
has actuated a loop
going again, and again, and again, and again
and again, and again, and again, and again,
to the verge of hysteria.
A process of no end, to no avail and of no progress,
Aeternus
is such a thing to say about this phenomenon.
This phenomenon, which is abstractly seen
in the perpetual days towards death,
of living,
is beyond comprehension of the feeble human
mind. This loop that exists inside,
that pierced from the loop outside,
without a doubt, is definitely the cause
of this infinite feeling.
It has stretched beyond the bounds of
its consistency through its persistence
to the point of unbearable tension.
And in the end, that started
from this pain, I pledge my weakened soul.
O Somnus, take me
away from this reality.

Literary: Ang Wika ng Kaunlaran




Noong unang panahon, may isang nayong nagngangalang Karaan. Malayo-layo ito sa ingay ng pagbabago ng mundo ngunit malapit-lapit pa rin sa karatig na bayan para makatanggap ng nagbabagang balita.

Dito sa nasabing munting komunidad ng kabundukan ay mayroon ding isang munting angkan ng mga magsasaka. Narito ang mag-asawang sina Sinultian at Hunahuna. Kasama rin nila sa kanilang pamamalagi ang kanilang labing-isang taong gulang na anak na si Kamatutoan.

Araw-araw, may sinusunod na kalakaran ang mag-anak sa Karaan para maging masinop at maayos ang kanilang mga gawain.

Sa umaga, bago pa man sumikat ang araw, pumupunta na ang tatlo sa kanilang bukid upang masimulan ang pag-aaruga sa kanilang mga pananim. Si Kamatutoan ang itinatalaga ng mag-asawa na manguna sa taimtim na pananampalataya para maging matiwasay ang panahon. Si Hunahuna naman ang naglalagay ng pamatay-peste sa mga halaman habang si Sinultian ang nagdidilig sa mga ito.

Sa tanghali, dinadala ni Sinultian ang iba nilang mga ani sa karatig na lungsod para ibenta ito. Inaatupag naman ng dalawang naiwan sa bahay ang mga pangkaraniwang gawaing pantahanan. Madalas na si Hunahuna ang naglalaba ng damit at nagluluto ng pagkain dito habang si Kamatutoan naman ang nag-iigib ng tubig at naglilinis ng sahig at dingding ng kanilang kubo.

Sa hapon, nakikipag-usap si Sinultian sa mga taga-lungsod bago umuwi sa kanila para malaman ang mga mahahalagang balita sa araw na iyon. Sinusubukan naman ni Hunahuna na turuan si Kamatutoan sa kanilang tirahan ng mga batayang aralin para maging handa na ito kung sakaling magkaroon na muli ng pagkakataong makapasok sa lokal na paaralan ang bata.

Sa gabi, nagliligpit naman ang tatlo at naghahanda na ng kanilang mga gamit-pantulog upang maulit nila ang kanilang mga nakasanayang gawi sa susunod na araw.

Pero paano kung hindi na nila mauulit ang kanilang kalakaran?

Isang hapon, habang palubog ang araw, kauuwi pa lamang ni Sinultian sa kanilang munting kubo. Mabagal ang kanyang paglakad, pababa ang kanyang tingin, at nakayukod ang kanyang mga balikat.

"O, bakit naman ganiyan ang mukha mo?" sabi ni Hunahuna. "Anong nangyari sa iyo sa bayan kanina at nagkaganiyan ka?"

Napabuntong-hininga si Sinultian. "Mahina na naman kasi ang benta, at hindi lang sa atin ang problema."

Kumunot ang noo ni Hunahuna. "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Napipinsala lahat ng pamilya ngayon sa merkado ng bayan," sabi ni Sinultian nang pahina. "Walang makabenta nang maayos dahil sa mga nawawalang suki."

"Hala! Paano iyon nangyari?" sigaw ni Hunahuna.

"Tanda mo pa iyong nabanggit ko sa iyo noong isang araw? Tungkol sa gusaling itinatayo nila sa bayan?"

"Oo, bakit naman?"

"Balak daw nilang magpatayo ng isang malaking pabrika." Nanginig si Sinultian. "Pagmamay-ari raw ng Kaunlaran Inc."

"Hay nako!" Nagkamot ng ulo si Hunahuna. "Kompanya? Ano namang kinalaman noon sa mga suki natin?"

Inikot-ikot at tinitigan ni Sinultian ang isang kamatis mula sa kanyang dala-dalang sisidlan at huminga nang malalim.

"Sabi sa akin ng mga taga-bayan, kasama raw ng pagtatayo ng gusali nila ang paglalagay ng isang harang sa baybay ng bayan. Dahil sa harang, walang nakakapasok na mga suking tagalabas ng lalawigan. Sila pa naman ang nakabibili talaga ng mga ani natin."

"Paano iyan! Dapat magreklamo kayo laban sa kompanya!"

"Sa tingin mo ba hindi pa namin nagagawa iyon?" Tumaas nang kaunti ang boses ni Sinultian. "Mayroon nang mga nagsumbong sa mga pinuno ng bayan tungkol sa problema. Sinubukan na rin nilang kausapin iyong kompanya pero wala raw silang magagawa! Hindi raw pwedeng itigil ang pagtatayo ayon sa kontrata ng Kaunlaran Inc."

Napapalatak si Hunahuna. "Nako naman!"

Pumasok si Kamatutoan sa kanilang kubo nang may hawak na lumang kuwaderno at lapis. Ginuguhit niya noon ang takipsilim sa tabi ng punong mangga sa harapan ng pilapil. Makikita ang nagtatagong araw sa kagiliran at kabundukan sa may likuran ng larawan. Sa gitna naman ay makikita ang isang maliit na guhit ng bayang laging pinupuntahan ng kanyang magulang sa araw-araw. Litaw rito ang isang kayariang may mga matatangkad at magkakasalikop na linya sa gilid ng lungsod na sa katunayan ay mga bakal na baras at kahoy na tabla. Katabi rin nito ang mga tambak ng bato at lupa na halos kasintaas din ng ilang mga bahay sa lungsod ayon sa pagkakaguhit.

Nakayukong lumapit sa kanyang mga magulang si Kamatutoan na inaabot ang kanyang kuwaderno. "Patawad po kung nakasasagabal ako. Itatanong ko lang po sana kung anong masasabi ninyo sa iginuhit ko."

Kinuha ni Sinultian ang kuwaderno at tiningnan ito nang mabuti. May malungkot na ngiting makikita sa mukha niya na halos mapaluluha. "Maganda naman, anak."

Sinilip din ni Hunahuna ang ginuhit ni Kamatutoan. Sumimangot naman ang kanyang mukha at sumingkit ang kanyang mga mata. "Hindi ko nagugustuhan ito."

"Bakit naman po?" sabi ni Kamatutoan.

"Basta. May guniguni akong hindi ko ninanais," pinasadahan ni Hunahuna ang kanyang hinlalaki sa larawan ng itinatayong gusali. Ilang saglit, ibinalik na niya sa kanyang anak ang kuwaderno. "Kailangan nating maging maingat at mapagmatyag. Matindi ang bagabag ng kutob ko ngayon."

Malayo ang tingin ni Hunahuna sa bintana ng kanilang kubo habang nagtinginan naman sina Sinultian at Kamatutoan. Bumugso ang hapis sa pakiramdam ng bahay at hindi nagtagal ay dumating na ang dilim ng gabi.

Sa tanghaling tapat ng sumunod na araw, habang nagliligpit pa lamang sina Hunahuna at Kamatutoan sa bukid, umuwi nang maaga si Sinultian. May sira-sirang bahagi ang pagkakahabi ng kanyang sisidlan kung saan mayroong mga nahuhulog at gumugulong na patatas sa daan. Pawisan at balisa rin ang mukha niya at may mga pasa ang kanyang mga braso't binti. Pilay na ang kanyang kanang paa at kinakaladkad na lamang niya ito papunta sa kanilang kubo.

Nagmadali sina Hunahuna at Kamatutoan nang matanaw si Sinultian. Dali-daling inakbayan ni Kamatutoan ang kanyang magulang habang si Hunahuna naman ang naghanda ng damong-gamot.

"Anong nangyari sa iyo na nagkaganiyan ka?" sigaw ni Hunahuna. "Kasasabi ko lang na mag-iingat ka tapos…"

"Patawad Hunahuna. Nagkakagulo kasi sila sa bayan ngayon," sabi ni Sinultian. "May napaaway daw sa mga nagpoprotesta sa Kaunlaran Inc. at napunta sa bugbugan ang labanan nila. Pati ang mga napadaan lang, nadamay sa gulo."

Hinaplos ni Sinultian ang mga pasa sa kanyang braso at ngumiwi sa sakit. "Sabi ng mga pulis, mabuti raw na bumalik na lang muna kami sa aming mga tahanan para hindi na kami mapahamak pa."

Ipinahid ni Hunahuna ang gamot sa mga namamagang bahagi ng katawan ni Sinultian. Hinawakan naman Kamatutoan ang kamay ng kanyang magulang sa tuwing humihigpit ang kapit nito sa sakit.

"Mukhang magiging matagal-tagal din na ganito ang ayos sa bayan," sabi ni Sinultian. "Hindi magpapaawat ang kahit sino roon."

"Basta't mag-ingat ka lang," sagot ni Hunahuna. "Iyon lang naman ang hinihingi ko."

Ilang buwan din ang nakalipas sa Karaan at sa karatig nitong bayan. Mahirap mawari kung paano nilang lahat nalagpasan at natiis ang salat na kalagayan dito, ngunit ang mahalaga ay kinaya pa rin nila rito at nabubuhay pa rin sila.

Matayog pa rin ang pagkakatayo ng mga luntiang puno sa bundok kung saan matatagpuan ang Karaan, ngunit matayog din ang pagkakatatag ng senisadong gusali ng Kaunlaran Inc. sa may paanan nito, kung saan ito'y napaliligiran ng mga pula't puting maliliit na baitang sa kapatagang malapad. Mas umingay din sa kapatagang bayan nang maitayo ang malaking gusali ng kompanya, hanggang sa umalingawngaw na rin ito sa kabundukan.

Nagpapahinga lamang ang munting mag-anak ng Karaan sa kanilang kubo nang may usap-usapang naganap sa harapan ng baryo. Lumapit sa pagtitipon ang tatlo at sumilip.

"Ano ang nangyayari?" sabi ni Sinultian sa isang kasama.

"May dumalaw raw na kakaibang panauhing sa baryo ngayon," sagot nito. "May nais daw ibalita sa atin."

"Anong sinabi?" tanong muli ni Sinultian.

"Magsasalita pa lang, pakinggan mo."

"Magandang umaga po sa inyo," sabi ng dayo sa harapan ng mga tao habang idinadaop ang kanyang mga kamay. Suot nito ang isang pawisang itim at bughaw na polo, kung saan nakasulat sa maliliit at puting titik ang katagang KAUNLARAN INC. Sa tabi niya ay may isang malaking kahon. "May nais lang po sana akong ibalita rito sa Karaan."

Makikita ang bakas ng alinlangan sa mukha ng mga taga-Karaan. Nag-usap-usap sila at lumapit ang pinuno sa harapan.

"Sige, ipagpatuloy mo."

"Ay, salamat po Sir," yumukod ang dayo sa pinuno. "Pero bago po ako magsimula, magpapakilala muna ako."

Nagsitinginan nang maigi ang mga mamamayan sa isa't isa at inilipat ang kanilang pansin sa dayo. Huminto nang bahagya ang dayo at nagpatuloy sa kanyang patalastas.

"Ang pangalan ko po ay Dalubhasa, at nagtatrabaho po ako sa Kaunlaran Inc." huminto ulit ang dayo para isipin ang kanyang susunod na sasabihin. "Inatasan po ako ng kompanya na maghanap ng mga pwedeng maglingkod sa amin para bumilis ang aming trabaho."

"Trabaho?" sabi ng isang mamamayan sa likuran.

"Opo, trabaho po, Ma'am!" mabilis na sagot ng dayo. "Kailangan po kasi talaga namin ng mga trabahador ngayon para sa aming mga operasyon. Kung pwede lang naman, sana po tanggapin ninyo ang aming alok. Mataas po ang binabayad namin doon."

Lumakas ang usap-usapan sa gitna ng pagtitipon.

"Pera? Trabaho? Talaga?"

"Totoo ba ang sinasabi nito?"

"Ilang buwan na rin tayong naghihirap dito..."

"Di ba!"

"Paano na?"

"Hala!"

"Katahimikan mga kasama!" sabi ng pinuno. Nang humina ang daldalan, hinarap muli nito ang dayo. "Ikinalulugod namin ang iyong balita, Dalubhasa. Ngunit may trabaho pa kami rito. Sino ang mag-aalaga sa mga bukid namin kung aalis kami?"

"Ay! Napaghandaan na rin po namin iyan, Sir!"

Tumingin ang dayo sa matangkad na kahon sa kanyang tabi na kanyang dinala mula pa sa kompanya hanggang sa Karaan. Bago pa man makarating ang dayo sa itaas ng bundok ay malaki na ang pagdududa at pagtataka ng mga tao sa maaaring nilalaman nito.

"Ipakikilala ko po sa inyo ang pinakabago naming imbensyon!" Tinanggal ng dayo ang takip sa harapan ng kahon.

"Behold! Ito po ang Work-Intensive Kinematic Automaton, o kung tatawagin, ang W.I.K.A."

Nagulantang ang mga mamamayan ng Karaan sa kanilang nakita sa kahon: isang tao, pero hindi talaga tao. Mukha lang tao, ngunit mararamdaman kaagad ang kahungkagan nito. Isa lamang itong mekanikal na manika. Hindi pumipikit, hindi humihinga, hindi humuhukot. Parang yelo sa katigasan ng hubog.

Nanlaki ang mga mata ni Kamatutoan, napanganga si Sinultian, at napatitig lamang si Hunahuna. Lahat ng nasa pagtitipon ay nabighani sa kanilang nakita. Walang makaimik.

"Ba-bakit ka m-may gan-n-niyan?" nangangatal na tanong ng pinuno.

"Huwag po kayong mag-alala, Sir!" sabi ni Dalubhasa. "Isa po itong mabuting bagay para sa inyo!"

"Paano?" tanong ng isang galit na mamamayan.

"Oo nga!" sabi ng nasa likuran niya.

"Ano ba talaga iyan?"

"Halimaw!"

"Makadaragdag lamang iyan sa problema namin dito!"

"Nakakatakot…"

"Bakit mo iyan dinala dito?"

"Umuwi ka na!"

"Katahimikan!" galit na sabi ng pinuno. "Wala tayong mararating sa usapang ito. Dalubhasa, umuwi ka na. Hindi namin kailangang tanggapin ang alok mo."

"Pero mapapadali po ng W.I.K.A. ang trabaho niyo rito!"

"Dalubhasa."

Huminto sa pagpapaliwanag ang dayo. Bumuntong-hininga ito at tiningnan nang isa-isa ang mga nasa pagtitipon.

"Kung sakaling magbago po ang isip ninyo, alam niyo naman kung saan ako hahanapin," tumingin si Dalubhasa sa malaking gusali sa bayan at tumingin muli sa mga taga-Karaan. "Paalam at mabuhay po kayo."

Hinatak muli ni Dalubhasa ang kanyang matangkad na kahon palabas at pababa sa bundok. Pinagmasdan lamang siya ng mga mamamayan ng Karaan.

Nagsibalikan na ang ibang mga mamamayan sa kani-kanilang mga bahay. Nagkatinginan din nang bahagya ang mga magulang ni Kamatutoan. Nanginginig ang mga kamay ni Sinultian, habang malalim naman ang iniisip ni Hunahuna.

"Hunahuna, sa tingin mo ba totoo ang sinabi ng dayo?" sabi ni Sinultian.

"Hindi ko matiyak, pero may kutob na naman ako."

"Ano po ang gagawin natin ngayon?" sabi ni Kamatutoan.

Inakbayan ni Sinultian ang kanyang anak at hinagod nang mahinahon ang likod nito.

Tumingin naman si Hunahuna sa magandang tanawin ng palubog na pulang araw mula sa lilang langit, hanggang sa likod ng pusikit na gusali sa may paanan ng bundok. Nakita niya dito ang mahabang anino ng matangkad na kompanya sa katapat na bahagi ng araw, kung saan nalulubag nito ang isang maingay na bayan noong umaga. Ibang klaseng katiwasayan ang nararamdaman nilang lahat. Isang katiwasayang nasa bingit ng mundo, tulad ng araw.

"Unti-unti na namang nababalot ng dilim ang ating lunan," sabi ni Hunahuna. "Hindi ko maipalagay kung magandang bagay ba talaga ang ganito o hindi."

Ilang araw ang nakalipas ay gumuguhit na naman si Kamatutoan sa paanan ng punong mangga. Rinig ang ulyaw ng pagtatalo ng kanyang mga magulang sa kanilang kubo mula sa kanyang pwesto sa labas.

"Hindi!" sigaw ni Hunahuna. "Hindi ako papayag!"

"Pakiusap," sabat ni Sinultian. "Ito na lang talaga ang magagawa natin."

"Hindi!"

Bumalik na sa loob ng kubo si Kamatutoan at umupo sa banig. Binaba niya sa sahig ang kanyang kuwaderno at lapis at pinagpag ang kanyang damit. "Bakit po ba kayo nagtatalo?"

"Ito kasi," sabi ni Hunahuna habang kinakamot ang kanyang ulo, "kung ano-anong naiisip. Balak raw niyang magtrabaho na lang doon sa kompanya sa bayan."

Napatingin si Kamatutoan kay Sinultian nang may mga malalaking mata.

"Anak, hindi na natin kayang mabuhay na umaasa lang sa bukid. Kailangan kong lumuwas."

"Kalokohan! Dahil lang bumigay na ang ibang mga taga-rito sa Kaunlaran Inc. ay bibigay ka na rin? Mag-isip ka kaya muna!"

Minasahe ni Hunahuna ang kanyang noo at nagpatuloy. "Sinultian, marangal at mahalaga ang trabaho natin. Tayo ang nagpapakain sa mga tao rito!"

"Alam ko naman iyon."

"Kung alam mo, bakit mo pa pinag-iisipang magtrabaho roon? Hindi pa ba sapat dito?"

"Hindi naman sa ganoon," sagot ni Sinultian. "Sadyang mas maganda ang pagkakataon sa bayan. Tingnan mo nga ang mga bukid natin dito sa Karaan, may mga W.I.K.A. na! Hindi naman sila nakapapahamak sa ating mga pananim, nakatutulong pa nga, e!"

"Hindi pa!" diin ni Hunahuna. "Malay mo, magkamali tayo sa ating pinili, at baka tayo pa ang mapahamak sa huli."

"Hunahuna, mas lumakas ang bentahan at ani natin dito sa Karaan nang may naglakas-loob na magtrabaho na lang sa Kaunlaran Inc." sabi ni Sinultian. "Ano ba ang pumipigil sa atin para maglingkod na lang doon? Binibigyan naman nila tayo ng W.I.K.A. para mag-asikaso rito nang maayos. Walang problema!"

"Hindi mo naiintindihan," sagot ni Hunahuna. "Napagdaanan na naman natin dati ang kahirapan dito. Bakit ba kailangan mo pang ibenta ang sarili mo para lang sa kumpanyang iyon?"

"Hindi ko binebenta ang sarili ko!" bulalas ni Sinultian. "Hindi ko binebenta ang sarili ko..."

Sumara ang bibig ng kubo at nagsilayuan ang tanaw ng mga mata. Rinig ang huni ng mga ibon sa kalayuan ng bundok sa bigat ng katahimikan. Nahirapang pumiglas ang tatlo sa pagkabahala.

"Dito lang kami," pamasag na pasok ni Hunahuna. "Dito lang kami ni Kamatutoan. Kung nais mong lumuwas, bahala ka…"

Tumingin-tingin muna sa paligid si Sinultian bago tumungo sa pintuan ng kubo. Tumalikod siya nang bahagya sa kanyang pamilya at humakbang sa labas.

"Kailanma'y huwag niyong kalilimutan na para sa inyo naman ang ginagawa ko." Pumikit si Sinultian, huminga nang malalim, at dinala ang kanyang sisidlan tungo sa karatig na bayan.

Minasdan lamang nina Hunahuna at Kamatutoan ang paglakad ng kanilang kapamilya nang tahimik. Sa may sahig, may patak ng luhang matatagpuan sa papel ng kuwadernong bukas, kung saan may guhit ng mga mekanikal na manika sa isang bukid.

Sa sumunod na araw, may dumating sa harapan ng kubo nina Hunahuna at Kamatutoan. Kamukha ni Sinultian, ngunit makintab ang balat. Asiwa at magaspang ang kilos nito at malamig din ang damdaming sinasalamin ng mukha nito. Kinatok nito ang sawaling dingding ng kubo.

"Tao... po..." sabi ng dumating. "Nandyan ba... si Hunahuna... o Kamatutoan?"

Kababalik pa lamang ng dalawang magsasaka mula sa bukid nang makita ni Hunahuna ang nasa labas ng kubo. Dali-dali niyang itinago sa likod ang kanyang anak at tinagpo ang tingin ng kaduda-dudang kamukha ng kanyang asawa.

"Bakit?" sabi ni Hunahuna.

"Kayo po... ba... si Hunahuna?" tanong ng dalaw.

"Bakit?"

"Ako... po kasi ang... Work-Intensive Kinematic Automaton… o W.I.K.A. na in-assign… sa inyo… habang nagtatrabaho po... ngayon... si Sinultian… sa Kaunlaran Inc."

Lumalagitik at nangingisay pa ang mekanikal na kopya ni Sinultian. Bunga ito ng mga proseso sa sistema ng manika na hindi pa pino at tapos.

Sumilip si Kamatutoan mula sa likod ng kanyang magulang. Kinawayan at nginitian naman ito ng manikang kumakalatong.

"Sino po kayo?" tanong ng bata.

"Ako po… ang… Work-Inten-"

"Hindi po iyon," sabat ni Kamatutoan. "Iyong pangalan niyo po."

"Pangalan…" Napatigil ang manika sa gitna ng sinasabi nito. Rinig lang mula sa kanya ang ugong na katulad na lang sa isang kompyuter. "Wala po… akong pangalan…"

"Hindi ka binigyan sa kompanya?" sabi ni Hunahuna.

"Hindi po…"

"Wika," sabi ni Kamatutoan. "Iyon daw po ang katawagan sa inyo diba?"

"Opo…"

"Iyon na lang," sabi ni Hunahuna. "Pero sa labas ka lang ng kubo pwedeng manatili. Bawal sa loob. Naiintindihan mo ba?"

Umugong at lumagiktik ang manika. "Opo…"

Ilang araw ang nakalipas ay naatasan na rin si Wika ng kanyang mga gawain sa tahanan. Ang ibang mga taga-Karaan ay may sari-sarili ring kopya ng ibang mamamayang lumuwas tungo sa Kaunlaran Inc. Ang ibang mekanikal na manika ay nakaatas sa pagdidilig ng mga halaman, at ang iba naman ay nag-aasikaso sa mga gawaing-bahay. Kahit ang asawa ng pinunong nagtrabaho na rin sa kompanya ay may sariling manikang kopya na ginagawa ang madalas nitong gawin sa araw-araw habang namamahala ang kanyang kabiyak. Halos naging komunidad na rin ng mga manika ang Karaan ngayon.

Sa gitna ng takbo ng Karaan, may panahon na naman si Kamatutoan na gumuhit sa paanan ng punong mangga. Gumaling at bumilis na siya sa pagguguhit at pagkukulay ng kanyang mga likha na lumilitaw na ang mga imahen nito.

Sa may kubo, nilapitan naman ni Wika si Hunahuna.

"Tapos… na po ako… sa gawain ko…"

Hindi kumikibo si Hunahuna at hinuhugasan lamang ang mga basahang para sa dingding sa may poso ng kubo. Pinabayaan niyang nakatayong may puwang sa isip ang manika sa kanyang tabi.

"Ano naman... po ang... susunod?"

"Basta!" Magkasalubong ang kilay ni Hunahuna nang iniwanan niya ang manikang walang gagawing trabaho. Blangko pa rin ang mukha nito nang makita si Kamatutoan sa tabi ng punong mangga. Lumapit ito at tumabi sa kanya. Sa kanilang pagkakaupo, minasdan lamang nila ang kalangitan ng nayon.

"Para sa iyo, Wika," biglang tanong ng bata, "ano ba ang kaunlaran?"

Walang nagbago sa mukha ng manika. Tumingin lamang ito sa gusaling nasa kalayuan at lumingon sa likod kung nasaan ang bukid. "Ano… ang kaunlaran…"

"Oo, kaunlaran," ulit ni Kamatutoan. Huminto nang ilang saglit ito bago magpatuloy. "Matagal ko na kasing sinubukang unawain at aralin iyon. Sinubukan ko nang iguhit, sinubukang isapuso. Pero nalilito pa rin ako."

Umuugong pa rin si Wika na parang isang kompyuter sa gitna ng proseso. Malayo lamang ang tingin nito sa katotohanan ng buhay. "Isapuso…"

Napatingin si Kamatutoan sa kanya. "Isapuso?"

Tinignang muli ng bata ang kanyang kuwaderno at ngumiti nang bahagya sa tanawin ng bundok.

"Pagmamahal," bulong ng bata sa kanyang sarili.

Tumayo si Kamatutoan mula sa kanyang pwesto at tumingin muli sa manika. "Salamat, Wika. Babalik na ako sa kubo."

Nang maglakad ang bata patungo sa bahay, naiwang muli ang mekanikal na manikang nakaupo sa paanan ng punong mangga. Malamig-lamig ang damdamin sa mukha nito kahit nasisinagan ng araw ang kanyang buong katawan.

"Pagmamahal…"

Ilang araw ang nakalipas, napagpasyahan ni Kamatutoan na kausapin si Hunahuna habang nag-aaral. Nagtitiklop noon ng mga sampay si Wika dahil sa nagbabadyang ambon kaya hindi dapat ito makasagabal sa kanila.

"Napapansin ko po," sabi ng bata habang nagsusulat. "Hindi niyo po gusto si Wika."

"Maaari bang ipagpatuloy mo na lang ang iyong gawain, anak?" Kumibot ang isang mata ni Hunahuna nang mabanggit sa kanya ang pangalan ng manika. "Mas mahalaga iyang pag-aaral mo."

"Hindi po," matatag na sagot sa kanya. "Labag po sa kalooban kong nahihirapan kayo at hindi ko po maunawaan ang problema."

"Pwede ba?" sigaw ni Hunahuna. "Tantanan mo na lang ako? Parang mas marami ka pang alam kaysa sa akin, e!"

Bumakas ang makintab na tulo ng luha mula sa mukha ni Kamatutoan sa ilalim ng ilaw ng kandila nang masigawan ito. Wala itong magawa kundi punasan ng kanyang braso ang tulo.

Pumasok sa kwarto si Wika nang may dala-dalang isang tumpok ng mga tinuping damit. "Tapos… na po ako..."

"Kasalanan mo ito!"

"Po?"

Pinaghahampas ni Hunahuna ang dibdib ng mekanikal na manika nang umiiyak. Muntik nang mahulog ito sa balanse dahil sa pwersa ng pagkakatulak sa kanya. "Akala mo mapapalitan mo si Sinultian? Hindi! Imposible! Akala mo nakatutulong ka rito sa amin? Hindi!"

Blangko pa rin ang mukha ni Wika kahit bugbog-sarado na siya sa rami ng kanyang tama.

"Tao ka ba? Tao ka ba? Manika ka lang! Kung pwede lang sana, bumalik ka na sa pinanggalingan mo! Sinisira niyo lang ang buhay namin dito!"

Pinagpapalo at pinagsusuntok ni Hunahuna ang manika hanggang sa matumba na ito sa sahig. "Umalis ka na sa buhay namin! Inagaw niyo si Sinultian sa amin!"

Hindi na napigilan ni Kamatutoan ang kanyang paghagulgol. Lumisan siya mula sa kwarto nang mabilisan at hindi na niya pinansin ang dalawang naiwan. Napatili na naman si Hunahuna habang nakakuyom ang kanyang mga kamao.

"Suko na ako!" sabi niya sa manikang nasa kanyang ilalim. "Ibalik niyo na sa akin si Sinultian!"

Humagulgol si Hunahuna kasabay ng sigabo ng hangin. Lumabas din ito nang mabilis sa kwarto at iniwang nabuwal si Wika. Kasinlamig ng simoy ng kakasimulang ulan na pumapasok sa kubo ang damdamin sa mukha ng manika. May mga patak ng tubig na matatagpuan sa mukha nito na kasabay tumulo sa lagapak ng ulan. Sa lakas ng ihip ng hangin, namatay ang apoy sa kandila.

Sa sumunod na araw, nakaratay si Kamatutoan dahil sa kanyang pagtakbo sa ulan. Dinapuan siya ng ubo't sipon kaya kailangan muna siyang alagaan ni Hunahuna.

Kung babasahin ang mukha ni Wika, parang walang nangyari ang makikita rito. Nilapitan niya ang dalawang nasa banig nang may dala-dalang sisidlan.

"Babalik… na po ako…"

Nakakunot pa rin ang mga kilay ni Hunahuna at namumula ang kanyang mga mata. Hindi niya sinagot ang paalam ng manika. Hindi rin makasagot ang namumutlang Kamatutoan dahil sa kanyang kalagayan. Pinunasan na lamang ni Hunahuna ang kanyang anak.

Lumuwas si Wika tungo sa gusali sa bayan nang hindi nababati ng kanyang mga nakasama. Sinunod lamang niya ang utos ng kanyang amo at naglakbay sa bayan hanggang makarating sa malaking senisadong gusali ng Kaunlaran Inc.

Sa loob nito ay makabago ang teknolohiya at propesyonal ang mga kawani. Ang istilo rin ng mga kulay ay sumusunod sa itim at bughaw. Diniretso ni Wika ang tanggapan ng kompanya.

"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo ngayon?" sabi ng tekladong aparato ng tanggapan sa manika. Matatagpuan sa harapan nito ang isang pabilog na maliit na butas.

Idinikit ni Wika ang kanyang hintuturong may kakayahang maglabas ng isang karayom sa dulo nito sa nasabing butas. Sa ganitong paraan, binuksan niya ang database ng kompanya. "Saan ko mahahanap si Sinultian? Isa siyang magsasaka mula sa baryo ng Karaan."

"Pumunta kayo sa F187 P63," balik ng index sa kanya.

Sumakay si Wika sa elevator ng gusali para makapunta nang mabilis sa kanyang paroroonan. Layon niya kasing hikayatin na lang na bumalik si Sinultian sa kanyang pamilya, at pagkatapos ay magpahinto na ng kanyang serbisyo sa kompanya bilang W.I.K.A.

Iyon dapat ang plano niya, kung hindi lang niya sana nakita ang loob ng F187 P63.

Pagkabukas ng awtomatikong pinto sa kwarto, malaking kaayusan ang nakita niya. Punong-puno ng mga kama ang lugar na ito. Maraming nagkakabuhol-buhol nang mga kableng nakakabit sa mga instrumentong nakadikit naman sa mga ulo ng mga tao ang makikitang nakakalat sa sahig at sa dingding. Sa gitna ng lahat ay may isang malaking kompyuter na nakakabit naman sa isang tubong umaabot sa kisame. Sa paanan din ng malaking kompyuter ay may matatagpuang isang pamilyar na hubog na nakasuot ng polong itim at bughaw. Ito nga ay is Dalubhasa.

"Ano… ito…" sabi Wika.

Biglang napalingon si Dalubhasa sa kanyang narinig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang mekanikal na manika. Tinitingnan niya nang mabuti ang walang kaimik-imik na mukha nito.

"Hindi ako nagkakamali," sabi ni Dalubhasa. "Isa ka sa mga W.I.K.A. di ba? Ang dami nang nagbago sa'yo! May mga yupi-yupi ka pa."

Tumingin lamang si Wika sa natutuwang kawani ng kompanya.

"Ay! Halika, halika! Libutin natin itong kwarto."

Ipinakita ni Dalubhasa kay Wika ang iba't ibang bahagi ng kanyang laboratory mula sa mga kable, hanggang sa mga butones ng kanyang malaking kompyuter.

"Dito sa screen, may naka-flash tayo na Logarithmic Tag Cloud. Doon naman, nakalagay sa monitor ang Transfer Regulator. Halika, halika!"

Habang nililibot nila ang kwarto, may napansin si Wika sa isa sa mga taong nakahiga sa kama. Kahit may nakakabit na instrumento sa ulo nito, nakikilala niya ang hitsura nito. Nilapitan niya ito at sinundan naman siya ni Dalubhasa.

"Iyang tinitingnan mo ay ang source subject mo," sabi ng kawani. "Ilang buwan na rin naming kinukuhanan siya, at ang iba pa rito, ng data para mapatakbo kayong mga W.I.K.A."

"Data?"

"Sa tingin mo, paano mas naging fluid ang pagkilos mo? Saan nanggagaling ang hitsura mo? Biglaan na lang?" Tinapik ni Dalubhasa ang tiyan ni Sinultian. "Galing lahat ng kung ano ka man sa kanya, sa source subject mo."

Tinitigang mabuti ni Wika ang nakapikit at nakahigang Sinultian. Napansin din niya ang iba pang mga mapuputlang source subjects mula sa Karaan, at pati na rin sa iba pang mga bayan.

Isa lang ang pumasok na imahen sa mga proseso na nagaganap sa kanyang looban: ang hitsura ni Kamatutoan na may sakit sa kanilang kubo.

Tinanggal ni Wika ang instrumentong nakakabit sa ulo ni Sinultian. Hinugot din niya ang iba pang mga kordon at kable na malapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo?" nagulantang na sabi ng kawani. "Sinisira mo ang Transfer System!"

"Patawad… pero mali… po ito…"

Sa bawat instrumento at kableng tinanggal ni Wika sa mga source subjects, mas lalong nabalisa si Dalubhasa. Dali-daling hinanap ng kawani ang emergency contact system ng kwarto para humingi ng tulong. "Hello? Security!"

Nang magkamalay ang mga source subjects, hinarap sila isa-isa ng mekanikal na manika. "Bilis… Umuwi na… po kayo… Masama po… dito…"

"Sino ka?" Lumapit si Sinultian sa mekanikal na manika.

"Basta po… Kailangan na... nating umalis…"

Kahit naguguluhan si Sinultian sa tila salaming nakikita niya sa kanyang harapan, ramdam niya sa kanyang sarili na panatag at mapagkakatiwalaan ito. Tumulong siya sa ginagawa ng manika.

Nakabawi sa hilo ang karamihan sa mga tao at dali-daling tumungo palabas. Sa dagsa ng rami nila, nadaganan na rin si Dalubhasa. Pagkaabot nila sa may elevator, pabukas na rin ang isa pang pinto na puno naman ng mga pulis. Sinundot ni Wika ang kanyang karayom na daliri sa may panel sa dingding para ma-hack ang pagbukas ng pinto.

"Paano na ito?" sabi ni Sinultian. "Maiiwan ka namin dito."

Napasimangot ang pulutong ng mga source subjects nang maintindihan nila ang sitwasyon. Kahit gaano karaming elevator man ang mabukas para sa mga tumatakas, kailangan ding masara ang daanan ng mga pulis para hindi sila mahuli.

"Umalis na… po kayo… Susunod po… ako…"

Nakinig naman ang mga source subject kay Wika. Pumasok na silang lahat sa mga elevator at tumakas sa gusali ng Kaunlaran Inc. Sa panahon ding ito bumukas ang mga pinto para sa mga pulis.

Doon muli sa Karaan, natanaw ng ilang mga mamamayan ang papalit na mga nanghihinang taong may suot na hospital gown. Napansin nilang ito ang kanilang mga kababayan at agarang tinulungan ang mga ito.

Isa na si Hunahuna sa mga nangunang umagapay sa mga source subjects ng Karaan. Nakatulong din si Kamatutoan sa iba dahil nakabawi na siya sa kanyang sakit.

"Alalang-alala kami sa inyo!" sabi ni Hunahuna. "Ano ba ang nangyari at hindi niyo man lang kami nakausap?"

"Huwad ang pangako ng Kaunlaran Inc." sagot ni Sinultian. "Dinakip nila kami at ginawang laruan para sa mga eksperimento nila."

Tinanaw ni Hunahuna ang mga W.I.K.A. na nasa bukid. Sinundan din ng iba ang kanyang tingin.

Huminga nang malalim si Hunahuna. "Basta ang mahalaga, nakabalik na kayo."

Nagkayakapan ang mga pamilya sa baryo ng Karaan. Lumigaya at lumiwanag ang mga mukha ng mga mamamayan at nagsibalikan na sila sa kani-kanilang mga bahay. Naiwan lamang sa bingit ng bundok, sa may paanan ng punong mangga, si Kamatutoan. Tinanaw niya ang malaking gusali sa karatig na bayan. Nilapitan siya ng kanyang mga magulang.

"Sa tingin niyo po ba, babalik pa siya?" sabi ni Kamatutoan nang hindi inaalis ang mga mata sa tanawin ng takipsilim.

"Sino?" tanong ni Sinultian.

"Si Wika," sagot ni Hunahuna. "Siya ang nakasama namin dito habang wala ka."

"Talaga?" sabi ni Sinultian.

"Parang naging pamilya na rin po namin siya," sabi ni Kamatutoan.

Napatingin na lang din si Sinultian sa tanawin ng bundok at huminga nang malalim. "Kung pamilya siya, babalik at babalik din iyon."

Nginitian ni Sinultian ang kanyang asawa at anak. "Halika na. Bumalik na rin tayo."

Tanghaling tapat ng sumunod na araw, may dumayo na naman sa baryo ng Karaan. Nagtipon-tipon ang mga mamamayang may abot-taingang mga ngiti sa kanya. Kahit sina Sinultian at Hunahuna ay nakangiti. Pero sa lahat ng naroon sa panahong iyon, si Kamatutoan na ang may pinakamataas na ngiting abot-langit.

Ang dayo ay mainit, kumakalantong, at umuusok pa sa pagdating nito. Pero sa kabila ng gulanit nitong hubog, mayroon din itong ngiti sa mukha nito.

"Pagmamahal…"

Literary: Saloobin sa Araw ng Manggagawa




Unang araw na naman ng Mayo.
Isang araw ito na maayo,
maayos at punong-puno ng pag-asa
para sa iyo, sa akin, sa Bayan.

Ito ang natatanging araw
kung saan kinikilala natin ang mga nagtatrabaho
araw-araw, buong araw, para sa ikabubuhay
nating lahat. Walang pagmamalabis sa aking sinabi.

Kung ikukumpara, ang pagsulat ko nitong tula
ay hindi kasimbigat ng lahat ng ginagawa nila
para sa ekonomiya. Tutal, dahil puro salita
lang naman din ako rito, susulitin ko na.

Iniaalay ko ang aking paggalang at pagkilala
sa lahat ng manggagawa na gumagawa
ng paraan para makita ko ang ginhawa sa mga
araw ng aking buhay sa mga susunod na saknong.

Magsasaka
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang nagbubungkal, nagtatanim, nag-aani at nag-aararo
ng ating mga prutas, gulay, palay, at trigo.

Mangingisda
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang pumapalaot, nagmamasid, at
minsa’y sumisisid sa karagatan para sa ating mga laman-dagat.

Kasambahay
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang naglilinis, nag-aasikaso, at nagsisilbi sa mga taong
umaasa sa inyong kabutihang-loob na maglingkod.

Kaminero
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang nagtitiis sa alikabok at init, nagwawalis ng basura
at lahat ng iba pang kalat ng mga taong walang kusa sa mga kalsada.

Tsuper
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang umaarangkada, nagmamaneho, at pumasada
sa mabigat na trapiko para makarating ang mga tao sa lugar na itinakda.

Kontraktwal
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang nagtitiis, gumagawa, nagseserbisyo, sumusunod sa proseso
kahit hindi naman talaga kayo binibigyan ng mga kumpanya ng seguridad at sapat na benepisyo.

Doktor
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang naglilingkod, nagbibigay ng tulong at gamot sa mga may karamdaman,
lalo na sa mga baryo, kahit ang pagkadalubhasa niyo’y hindi sapat na natutustusan.

Guro
Sa pagsikat ng araw, sa pagtagos ng bawat
silahis sa kaulapan tungo sa kalupaan,
kayo ang nag-aasikaso ng mga aralin na inyong itinuturo rin. Walang pag-aalinlangan,
kayo talaga ang humuhubog sa mga susunod na pag-asa ng Bayan.

At tingnan natin: maglalaho nang muli ang mga silahis ng araw
habang lilitaw na naman ang mga sinag ng buwan.
Ngunit kahit ngayo’y patuloy pa rin tayong napapaisip sa buhay
nating pinag-alayan ng mga manggagawang marangal.

Oo, marami pa akong nakaligtaan sa kanila
at sa lahat ng kanilang mga ginagawa.
Silang lahat naman kasi’y may mga nililikha’t may silbi
sa lipunang ito na ating ginagalawan.

Marami pa akong gustong iparating sa aking mga nakaligtaan ngunit
hindi sapat ang araw na ito para mailahad ko ang aking mga naiisip. Kaya kahit
hindi ko man masama ang lahat, mayroon pa rin akong walong salita para sa inyo:
Kayo, ang mga tunay na bayani ng Pilipinas.

Kung kaya’t unang araw na naman ng Mayo.
Isang araw ito na naging at magpapatuloy na magiging maayo,
maayos at punong-puno ng pag-asa
para sa iyo, sa akin, at sa buong sambayanang Pilipino.

Literary: Elysium




Elysium seems fun
Come to think of it
What would I be doing if I was in the Elysian Fields?
Maybe

I’d do my hobbies
Singing a harmony part to an OPM or jazz song
Reading a sci-fi or fantasy book
Watching a new series, anime, or K-drama

I'd eat my favorite food
Chewing butterscotch brownies
Chugging lots of gravy on chicken and steak
Savoring different types of sushi

I'd hang out with my friends
Planning a summer camp
Laughing at light derogatory jokes and puns
Talking about things we saw on the internet

I'd meet with other people
Sharing stories with a stranger
Helping out someone in need
Telling these folks to take care

I'd think about my mentors in life
Thanking my teachers for encouraging me to write
Saluting my parents for showing me what's right
Appreciating my best friend for being there at tough times

I'd be accomplished
Finishing my research and articles
Achieving a new highscore on a rhythm game
Doing better at frisbee and martial arts

I'd be at peace
Feeling the cool breeze
Receiving a back massage
Getting a good night’s sleep

I'd be happy
Understanding why things are
Smiling widely on my own
Being satisfied with myself

Maybe
If I lived in a place with these things it'd be great
Come to think of it
I probably already do

Literary: Mimosa Pudica




Bakit ganon?
Bawat sandali tila tagsibol
Bawat sulok sinisikatan ng araw
Nagniningning, namumulaklak
Nagiging malaya

Bakit ganon?
Magtagpo lang ang paningin
Ramdam na ang pagkamangha
Lumalapit, napapalapit
Pero mapanukso

Bakit ganon?
Matatag man ang pagkakatayo
Sa isang diit lang ng palad mo
Kumukubli, yumuyukod
Ako na'y guguho

Bakit ganon?
Ramdam sa buong katawan
Sindak mong sinlakas ng lintik
Nangibabaw, nangangatal
Ako na’y humina

Bakit ganon?
Wala man lang akong kaimik-imik
Watak-watak ang aking isipan
Natataranta, natotorete
Bumigay ang loob

Bakit ganon?
'Di naman sa ako ay natalo
'Di lang rin ata ako nanalo
Nag-aalangan, nahihirapan
Basta sobrang gulo

Bakit ganon?
Kahit madaanan man ang lahat
Tila walang nagbago
Tumatamlay, sumisigla
Basta masaya ka




Literary: Sa Paghanap ng Malay




Px pfjrix xv jxxxofkd efkaf jl mx kxrrkxtxxk
Exexkxm hx kd mxoxxk rmxkd jxfkqfkafexk
Mxqxqxhyrefk xkd rqxh, dxdxjfqfk xkd fpfm
Exkddxkd px jxoxqfkd xkd jbkpxebkd hxixhfm
(key: shift 23)

aSay untongpay toiay yaay aaaringmay aiintindihannay omay anay
ngAay bangiay inasabisay gnay ihimlay gnay athakay
gunitNay iday apay apostay ngaay yongiay agtatagpipay
apagkatSay awatbay alitasay itoray ngaay ainammay anay awarimay
(key: pig latin)

Hz nzgztzozm zb groz mztyfyfpolw mz
Zmt yzdzg ovgiz, zmt yzdzg rwvbz
Nzozkrg mzmt nzzylg zmt nzrozk mz pzhztfgzm
Pzhztfgzmt prmrprnprn mt nrhgviblhlmt pzgrkfmzm
(key: atbash)

Jr ulcf rp drrrizex eryryrerg df er jr zpfex zjzg
Rex srnrk brkrxrex szezkrnre ex kzcr zjrex grerxzezg
Exlezk uz kfkff rex dvejryvex zerrjryre
Jrgrxbrk rex grxyrerg jr ulcf ezkf rp nrcr izex grklklexlyre
(key: shift 17)

Literary: A Fleeting Feeling




The moment we met
Everything went full circle for me
We were connected
And I saw the smile on your face

Wherever you went
I always followed
It was our bond together
That put the smile on my face

But for some reason
You let go of me
I didn't understand
And neither did you

You tried to chase me
But we were too far apart
It was when we were separated
That I saw the tears in your eyes

After what happened
I didn't know anymore
Why couldn't we go back
To the way we used to be

Slowly drifting away from each other
Nothing went full circle for me
I became lost instead
Unable to get a hold of myself

As the world took us to different horizons
Never did I find again our missing link
I tried to see if it was still possible
To the point where I couldn't take it anymore

Soon the colors left my life
Realizing we could never meet once more
So I looked up to the skies and gave in
I finally popped

A balloon’s life is never easy

Literary: A Grin From Ear to Ear




How would my life be if I was still able to hear? Probably better, I don't know. But what I do know, right now, is that I'm not happy.

When I was 15, I got caught in an accident. The good news was I wasn't killed, but the bad news was I incurred a condition. I have what is called sensorineural hearing loss, or in short, deafness from the concussion I contracted. The doctor said it was severe and could last a lifetime. We tried every treatment we could afford, but my ability was never really restored.

It's been a year since the incident and my life has never been the same. As much as the sounds have left me, so has my social life. I shut out everyone who said, “Everything will be alright.”

No, everything will not be “alright!” What do you expect? I can just go back to doing things as usual? You must be stupid to think that’s comforting.

I also abstained from school activities like the debate team. I couldn’t stand the faces of those pretentious jerks. They say they’re concerned but honestly, they’re just thinking of themselves. I’ve been discriminated against ever since I got this stupid impairment. One time, a classmate mocked me behind my back and I got into a fight with him when I noticed. We both got counseled that day and I never really talked to him ever since.

Another year passed, and things started to calm down in senior high. Either the people have stopped talking about me or I just don’t know about it anymore.

Anyway, I got used to the adjustments that I needed to do for my condition. I had an interpreter for my classes while I studied how to lip read and do sign language.

To be completely honest, I've been missing my old lifestyle. It was way easier then when I didn't have to do everything differently. I miss listening to music when I do my homework. I miss hearing different kinds of sounds when I stroll around a place. I miss hearing my voice.

Lately, I've been noticing this girl in my class when I scan the room from time to time. She's completely opposite from me.

She's famous with boys and girls alike, respected by the teachers, and is in the top of the hierarchy. She excels in all our subjects, she’s very athletic, artistic, and she’s the daughter of a rich businessman. Her mere presence annoys me. I don't need to hear her to feel that.

Deep inside though, it makes me envious to think of how pitiful I am compared to her. How come she gets to enjoy her life? She'd never understand how things are like in mine.

One day, she approached me at my desk and sat neatly on the chair next to mine. When I looked back, she just flashed me that irritating bright smile of hers – the one with dimples. I tried to ignore her, but she just wouldn't leave.

I tried to hide my face under my crossed arms on my desk to pretend like I was sleeping, but she kept poking my shoulder.

At some point, I gave in and glared at her. She said to me, in sign language, “It’s been a while since classes have started. I've noticed you haven't been interacting with anyone for a long time now. Nice to meet you, I'm Lyra.”

I raised an eyebrow at her. With a reluctant frown, I signed back, “Ethan. Why do you know sign language?”

She went on again and flashed me that bright smile. “My friends told me that you were deaf, so I planned on learning it. To be honest, I just want to be friends with you.”

“What made you think I'd be friends with you?”

She tapped her index finger on her lower lip, thinking deeply. “I don't know really. I just wanted to take my chances.”

She seemed really sketchy at first, but I let her be. It'd be way worse for me if I were to fight even the most popular person in the class.
Since then, she has kept on approaching me for school activities or for some help when assisting the teachers. Every lunch period, she’d disturb my peace and sit across me, offering some food. I didn't know what her ulterior motive was but when I asked her, she just replied with her energetic gestures, “I told you, I just really want to be friends.”

Some time passed, and I got used to her antics. I gave in and started to accept her food offerings, to which, she smiled. I also pointed to the answers on her textbook from time to time when she was doing our homework in English. Turns out she still needs help despite excelling in class. At some point, it became commonplace for me to have her around. More often than not, people started talking about us.

“Aren't you worried that you're hanging out with me? The person who literally can't talk to anyone? Except for you anyway,” I signed.

“I don't mind really,” she said, “They say you ignore them when they try to talk to you. I think they just don't understand how.”

“Fair enough,” I sighed.

I really felt tense about the eyes locking around us but seeing her disregard them somehow made me feel much more relaxed.

Days turned to weeks, and weeks turned to months. We've been hanging out together the whole time and only later did I realize that I was already trusting her.

One time, I ran into her inside the library. She signed for me to come towards her table.

“Here,” she mouthed. She lent me one of her notebooks and a pen. “I noticed that you're really good with words,” she signed, “Maybe you'd have a better time if you wrote them down.”

Since then, I’ve been trying hard to express myself through writing. This way, she was able to urge me into talking and opening up to my classmates. I was reluctant at first, but she dragged me into it.

I showed them how I felt through my writings in a notebook. Lyra, standing beside me with a gentle smile, promised to teach them how to do sign language so that our relationship would eventually become stronger. Fortunately, my classmates agreed.

By then, I started to feel like I was a normal person again. I was able to smile because of her and I felt like I really changed for the better. We started to do more things together from finishing homework in her house, to playing in the arcade, and even to listening to music in concerts. She told me that she read an article that says deaf people can still hear vibrations despite not really hearing sounds. It was then that I started to appreciate my life again.

When my doctor recommended a new hearing aid after my family saved up some money, I was beginning to hear things better. Things were working out for me, until the doctor talked to me about her.

“It's good that your condition’s turning up well Ethan,” he said while signing. “Your smile reminds me of that of a patient I have. When she has her checkup, she has always wears a really bright smile, like yours, with cute little dimples.”

It took me a while to internalize what he just said. I asked, “Is her name by any chance... Lyra?”

“How did you know?” he replied.

“Lucky guess, maybe.”

I hurried to her home after I finished my checkup. Panting, I asked her housekeeper where she was. “Oh, she just left a while ago, Ethan!” she signed.

I searched for a long while around the area. How come I didn’t think of this sooner? I assumed the people around her learned sign language just to accommodate me. How could I be so selfish?

I found her back inside the hospital lobby. She’d probably been waiting there a long time.

“So the doctor told you, huh?” she signed blankly when she saw me.

“Why didn't you tell me?” I signed back.

“At first, didn’t want you to think that we were two birds of a feather, but later I thought that it didn't matter anymore.”

“I’ve always thought that my disability was a burden. Why didn't you tell me about yours?” I signed.

“Ever since I was born, I already had a genetic problem,” she signed, “It never really was a burden for me to begin with because I didn’t know what it meant to hear at all.”

“After all this time… Was it because you pitied me? You’d play along with my assumptions because of what?” I signed harshly, “So that I'd feel special? You'd go that far to underestimate me?”

“On the contrary, no,” she walked towards me. “Like I said, I just wanted to be friends with you, Ethan, being able to hear or not. Your disability shouldn't stop you from living your life.”

I stopped to think for a while, unable to completely grasp why I felt some resentment. “Then how come everything went downhill when I became deaf? How come I was unhappy?”

“Then that's not the disability anymore, is it Ethan?” she said while signing, “Even if you can't hear, it doesn't mean you can't listen. You mean so much more than you think you do. Don’t think that your life is the way it is because you’re deaf. It’s the way it is because you’re the one who makes it, who communicates it.”

“How does that make sense? You don't know what you're saying! My life was ruined because I lost my hearing!”

“Was it really just your hearing that you lost?” she asked, “Or did you lose something else?”

“You're just twisting my thoughts!” I slammed.

“The only person twisting your thoughts here is you.”

My tears began to fall from my eyes after I thought about the things that Lyra said. I was overwhelmed with everything I've been through and all that I pent-up for 2 years.

Lyra embraced me and said, “Ethan, you're stronger than who you think you are. Deafness isn't our disability, it's our identity. I hope you understand that.”

I couldn't stop crying in her arms after everything that happened. One of the first things that I was clearly able to hear again was my sobbing.

“Lyra,” I said, “did you ever wish that you had the privilege to hear?”

“No, not really,” she replied, “but maybe that's for the best.”

A few days have passed after the school’s new term arrived. Everything was back to normal for me and I thought about everything that happened back then.

I've been thinking long and hard about how I've been handling my life, and I'd say, Lyra was right. I started writing more poems and stories to vent out my feelings. I shared them with other people afterward so that they'd know what it's like to be a deaf person like me, and I'd say this anecdote is one of my greatest works.

After classes today though, I saw Lyra staring outside a window alone in a hallway in deep thought. I walked up to her.

“It’s been a while since classes have started, Lyra. I've noticed that you haven't been interacting with anyone for a long time now. So what do you want to do today?” I smiled politely.

She smiled brightly back at me with those dimples.

Literary: Show Me





Awaken your spirit residing within

Bide all your anguish and let it go
Choose to release the hasting flow
Decide on the path that you want to follow

Engage in a change that you hope to see

Fixate on your goal and even go beyond
Get on your feet so you can act thereon
Have everything all said and done

Ignore all your worries to assert what you think

Justify your opinion and go make a stand
Knock off from excuses and take matters to your hands
Learn from your mistakes so later on you'll have a plan

Make your move and keep your position

Neglect anything that could hold you down
Outshine all the stars and let your voice resound
Push through to achieve that distant crown

Question your doubts and get back on track

Rise from the bottom to uncover what's hidden
Speak from your heart and express what's within
Tell them your purpose and surely you'll win

Use your skills to their highest potential

Value yourself and what you can do
Wake up the individual sleeping inside of you
X out the bias and all that's untrue

Yearn for the person that you want to be
Zero in to this version of your identity

Literary (Submission): 久しぶり (Hisashiburi) x 戻りました (Modorimashita)




久しぶり (Hisashiburi)

Napakatagal na noong huli kitang makita
Ngayong nasa harapan ka na'y hindi ko alam ang gagawin
Maraming tanong na dapat sagutin
Maraming bagay na dapat isipin
Ngunit hindi ko mabuo-buo ang aking mga salita

Dalawang taon, pitong buwan, limang araw, at labing-isang oras
Bilang ko ang mga panahon na ako'y naghintay
Laging napapaisip, dinadaig ng inip,
At lubos na niyayapos ng aking lumbay

"Kumusta ka na?"
Nais kong sabihin
Ang lahat ng damdamin sa iilang kataga
Ang lahat ng tungkol sa mga dumaang gabi at umaga
At ang nasa kaibuturang nais nang magpahayag

Narito na tayo at sa wakas nagtagpo
Di lang sa oras o sa lugar, kundi rin sa puso
Tiyak na't tumpak ang ating kalagayan
Wala nang pag-aalinlangan
Ipararating ko ang aking saloobin

"Na-miss kita."
Ibubuod ko
Ang lahat ng naiisip bago pa mawala
Ang lahat ng hinagpis sa aking alaala
At ang panaginip ko na ngayo'y nagkakatotoo

Tapos na ang pagsubok
Nagbago nang muli ang lahat
Ngunit hindi pa rin huli ang lahat
Ito na ang kukumpleto kong mga salita
"Mahal na mahal pa rin talaga kita."


戻りました (Modorimashita)

Napakatagal na noong huli kitang hinarap
Ngayong ika’y binalikan, lumitaw ang kaba
Siguradong marami kang katanungan
Siguradong marami kang nasa isipan
Ngunit handa akong magbigay ng sagot

Dalawang taon, pitong buwan, limang araw, at labing-isang oras
Bilang ko ang mga panahon na tayo’y magkalayo
Laging nagtataka, dinadaig ng duda
At mahigpit na binalot ng aking lungkot

“Ayos naman. Ikaw?”
Nais kong malaman
Ang lahat ng iyong nararamdaman
Ang lahat ng pumasok sa iyong isipan
At ang mga salitang matagal ko nang hindi napakinggan

Narito na tayo at sa wakas nagtagpo
Nagtagal ma’y dumating din dito
Ang mga sandaling ganito, sana di maglaho
Wala nang pag-aatubili
Tatanggapin na ang iyong damdamin

“Na-miss din kita.”
Ibubuhos ko
Ang lahat ng napag-isipan noong nawala
Ang lahat ng hapis sa aking paglisan
At ang pangarap mong ibinahagi mo sa akin

Wala nang paghihirap
Ang pagbabago’y mananatili
Hindi pa huli, magsisimula muli
Sa aking sagot sa iyong mga salita
“Mahal na mahal din kita.”

Literary (Submission): Mensahe





Paano ko ba ipaparating ito?
Simula pa lang ay nais ko nang sumuko.
Paano ko ba ipahihiwatig sa iyo
Itong mensahe kong mula pa sa kaibuturan ng puso?

Matagal ko nang nais sabihin
Ang damdaming nababalot ng dilim.
Matagal ko nang nais aminin,
Ang damdamin kong pilit na kinikimkim.

Hindi ko ito mailahad tuwing nakikita kita.
Mas mainam pa nga siguro kung idadaan na lang sa isang tula,
‘Pag palapit ako sa’yo ay tila naubos ang mga salita,
Kaya’t sa pagsulat na lamang ipauubaya.

O giliw, ‘di ko masabi-sabi,
Kayang lapitan pero ‘di pa rin kayang awitan,
Sana’y lumigaya ka sa iyong mga damdamin
Mensahe man sa iyo’y ‘di direktang maamin.