coruscate,
久しぶり (Hisashiburi)
Napakatagal na noong huli kitang makita
Ngayong nasa harapan ka na'y hindi ko alam ang gagawin
Maraming tanong na dapat sagutin
Maraming bagay na dapat isipin
Ngunit hindi ko mabuo-buo ang aking mga salita
Dalawang taon, pitong buwan, limang araw, at labing-isang oras
Bilang ko ang mga panahon na ako'y naghintay
Laging napapaisip, dinadaig ng inip,
At lubos na niyayapos ng aking lumbay
"Kumusta ka na?"
Nais kong sabihin
Ang lahat ng damdamin sa iilang kataga
Ang lahat ng tungkol sa mga dumaang gabi at umaga
At ang nasa kaibuturang nais nang magpahayag
Narito na tayo at sa wakas nagtagpo
Di lang sa oras o sa lugar, kundi rin sa puso
Tiyak na't tumpak ang ating kalagayan
Wala nang pag-aalinlangan
Ipararating ko ang aking saloobin
"Na-miss kita."
Ibubuod ko
Ang lahat ng naiisip bago pa mawala
Ang lahat ng hinagpis sa aking alaala
At ang panaginip ko na ngayo'y nagkakatotoo
Tapos na ang pagsubok
Nagbago nang muli ang lahat
Ngunit hindi pa rin huli ang lahat
Ito na ang kukumpleto kong mga salita
"Mahal na mahal pa rin talaga kita."
Literary (Submission): 久しぶり (Hisashiburi) x 戻りました (Modorimashita)
久しぶり (Hisashiburi)
Napakatagal na noong huli kitang makita
Ngayong nasa harapan ka na'y hindi ko alam ang gagawin
Maraming tanong na dapat sagutin
Maraming bagay na dapat isipin
Ngunit hindi ko mabuo-buo ang aking mga salita
Dalawang taon, pitong buwan, limang araw, at labing-isang oras
Bilang ko ang mga panahon na ako'y naghintay
Laging napapaisip, dinadaig ng inip,
At lubos na niyayapos ng aking lumbay
"Kumusta ka na?"
Nais kong sabihin
Ang lahat ng damdamin sa iilang kataga
Ang lahat ng tungkol sa mga dumaang gabi at umaga
At ang nasa kaibuturang nais nang magpahayag
Narito na tayo at sa wakas nagtagpo
Di lang sa oras o sa lugar, kundi rin sa puso
Tiyak na't tumpak ang ating kalagayan
Wala nang pag-aalinlangan
Ipararating ko ang aking saloobin
"Na-miss kita."
Ibubuod ko
Ang lahat ng naiisip bago pa mawala
Ang lahat ng hinagpis sa aking alaala
At ang panaginip ko na ngayo'y nagkakatotoo
Tapos na ang pagsubok
Nagbago nang muli ang lahat
Ngunit hindi pa rin huli ang lahat
Ito na ang kukumpleto kong mga salita
"Mahal na mahal pa rin talaga kita."
戻りました (Modorimashita)
Napakatagal na noong huli kitang hinarap
Ngayong ika’y binalikan, lumitaw ang kaba
Siguradong marami kang katanungan
Siguradong marami kang nasa isipan
Ngunit handa akong magbigay ng sagot
Dalawang taon, pitong buwan, limang araw, at labing-isang oras
Bilang ko ang mga panahon na tayo’y magkalayo
Laging nagtataka, dinadaig ng duda
At mahigpit na binalot ng aking lungkot
“Ayos naman. Ikaw?”
Nais kong malaman
Ang lahat ng iyong nararamdaman
Ang lahat ng pumasok sa iyong isipan
At ang mga salitang matagal ko nang hindi napakinggan
Narito na tayo at sa wakas nagtagpo
Nagtagal ma’y dumating din dito
Ang mga sandaling ganito, sana di maglaho
Wala nang pag-aatubili
Tatanggapin na ang iyong damdamin
“Na-miss din kita.”
Ibubuhos ko
Ang lahat ng napag-isipan noong nawala
Ang lahat ng hapis sa aking paglisan
At ang pangarap mong ibinahagi mo sa akin
Wala nang paghihirap
Ang pagbabago’y mananatili
Hindi pa huli, magsisimula muli
Sa aking sagot sa iyong mga salita
“Mahal na mahal din kita.”
0 comments: