filipino,
Tok, tok, tok.
Araw-araw ko binabalikan ang bahay na ito. Maganda ang bahay. Simple lang, komportableng tingnan. Hindi gaanong magarbo. Nakakapagtaka lang talaga.
Pang-ilang beses ko nang kumakatok dito pero wala namang sumasagot. Gusto ko lang namang malaman kung bakit walang pintuan ang bahay nila. Mayroon namang bubong, may malalapad na dingding, makakapal na pader, at bintanang maliliit pero walang pintuan.
Sumilip ako sa bintana. Mayroon naman palang tao sa loob, nakaupo lang sa sulok, mag-isa. Paano nakapasok ang tao rito kung wala namang pinto? At hindi niya ba naririnig ang mga pagkatok ko?
Gusto ko lang namang magtanong. Nakakaintriga ang bahay niya pati siya mismo.
Gusto ko lang malaman kung ayos lang ba ang kalagayan niya dahil mag-isa lang siya sa loob.
Gusto ko lang malaman kung bakit siya mag-isa o baka naman may kasama siya sa loob.
Gusto ko lang malaman kung gaano katagal na siyang nag-iisa.
Gusto ko lang naman talaga siyang kilalanin.
-----
Pasensya na kung hindi kita hinahayaang pumasok. Masyado nang maraming tao ang nanatili sa bahay na ito. Masaya. Maraming kuwentuhan, iyakan, at mga asaran.
Ngunit, isa-isa rin silang lumisan. Sa dami nila, naiwan na lamang akong mag-isa.
Kaya naman pagkatapos lumisan ng kaisa-isang taong pinakamatagal na nanatili dito, tinanggal ko na ang pintuan. Kung ikakandado ko lang, matutukso lang akong patuluyin sila. Naisip ko rin, “Parang ayaw ko nang magpapasok, aalis din naman silang lahat.”
Sinubukan kong panindigan iyon. Pag may mga taong nagdadaan, sa bintana ko lang sila kakausapin at kikilalanin. Hanggang doon lang, pagkatapos noon, wala na parang hindi na ulit kami magkakilala. Paulit-ulit na lamang ang eksenang iyon. Hanggang sa wala nang sumusubok na dumaan at makipag-usap.
Habang tumatagal parang lalong kumakapal ang pader sa pagitan ng tinitirhan ko pati na ang mga nasa labas. Malungkot pala. Tahimik. Malamig. Madilim.
Kaya naman nang dumating ka, parang gusto ko nang magpapasok ulit. Baka sakaling ang katulad mo’y hindi na aalis. Baka sakaling ikaw na ang mananatili.
Sinubukan kong maghanap ng paraan para patuluyin ka. Pero wala na nga palang pintuan. Masyadong maliit ang mga bintana para ika’y magkasya. Masyadong makapal ang mga pader para ito’y buwagin.
Oo, naririnig ko ang iyong pagkatok. Pero pasensya na, kahit ako, hindi ko na rin alam kung paano ako makakawala sa bahay na walang pintuan.
Literary: Pintuan

0 comments: