filipino,

Literary: Ako'y Ngingiti

4/28/2018 07:29:00 PM Media Center 0 Comments





Sa bawat luhang papatak,
bawat laway na tatalsik,
bawat pawis na tatagaktak,
bawat uhog na titilamsik,
ako'y ngingiti.

Sa bawat pagsubok na haharapin,
bawat maanghang na salitang iindahin,
bawat madilim na daang tatahakin,
bawat daluyong na susuungin,
ako'y ngingiti.

Sa bawat oras na ako'y magkakamali,
bawat pagkakataong ako'y mahuhuli,
bawat panahong ako'y mapupundi,
bawat sandaling ako'y balot ng dumi,
ako'y ngingiti.

Sa bawat pagsambit ng "Suko na ako,"
bawat "Puwede bang itigil na 'to?"
bawat "Ayoko na sa mundo,"
bawat "'Di ko na kaya ang kalbaryo,"
ako'y ngingiti.

Dahil kung ang ngiting ito
ang rason ng iba upang sila'y manatili,
ipagkakait ko ba
ang sandaling pagkurba ng aking mga labi?

You Might Also Like

0 comments: