AMY,
Rosas
Noong una tayong nagkakilala, ikaw ay isang munting binhi sa isang hardin
na puno ng bulaklak.
Hindi pa nabubulok sa realidad ng katotohanan sa ating mundo, ikaw ang inaaruga ng lahat ng tao para
ikaw ay lumaki bilang isang marikit na rosas.
Sa iyong paglaki, marami kang napagdaanan: mga sugat na nakuha galing sa paglalaro, mga luha na galing sa paghihirap sa eskuwela at ang sigaw ng saya sa pagtatapos ng lahat.
Ngayong ikaw ay malaki na at natuto na sa lahat ng ito, sana ikaw ay maging magarang rosas sa buhay ng ibang tao katulad ng inalay mo sa akin.
Ikaw ay nasa iba na, aking anak. Ikaw na ang mag-aruga para sa iba at palakihin sila na parang isang marikit na rosas sa hardin na puno ng bulaklak.
Literary (Submission): Rosas x Hardinero

Hardinero
Maliit pa ako noong una kitang nakilala, malapit nang malanta dahil iniwanan lang nang basta-basta.
Ngunit inalagaan mo ako kahit hindi ako galing sa iyo.
Araw-araw ay nakikitang naghihirap, para lang mapalaki nang maayos ang isang munting rosas na tulad ko. Dala-dalawa ang trabaho upang makabili ng kakainin ko.
Nariyan ka sa lahat ng pagkakataon, sa mga panahon na mababali na ako sa bigat ng dinadala, dumarating ka bilang aking suporta.
Hindi ko malilimutan ang iyong sakripisyo, kahit hindi mo ako tunay na anak ikaw pa rin ang nag-iisa kong tatay.
At ngayon, kahit may sariling mga anak na ako, kailanma’y hindi kita tatalikuran. Bilang panukli, ikaw naman ang aking aalagaan kahit matanda ka na at nanghihina, hinding-hindi kita pababayaan, aking ama.
0 comments: