filipino,
Sa gabing nagpaalam ka
Kasabay mong ipinangakong mananatili ang pagkakaibigan
Nakakatawang isipin na kung kailan ka nagpaalam
Doon ka lang din mangangailangan
Tanda ko pang ipinangako mo na kahit lalayo ka na
Ako pa rin ang iyong bituin
Ilaw sa madilim na daan
Gabay sa tuwing naliligaw sa karagatan
Tanging kasama ng buwan
Ipinangako mong kahit na mawawala na ako
Ako pa rin ang paborito mong panaginip
Ang babalik-balikang kathang-isip
Alaalang matagal mawala sa iyong isip
Katabi mo sa iyong pag-idlip
Ipinangako mong kahit kailangan mo nang burahin
Ako pa rin ang iyong mga tula
Pinakamatatamis na parirala
Pinakamatatalinghagang salita
Ang mga kinabisado mong tugma
Ngunit sa parehong gabing ipinangako mo ang mga ito
Nawala na ang aking ningning
Nagbago na ang aking halaga
Naubos na ang aking mga salita
Dahil matagal mo na akong tala
Hinahanap lamang kapag mag-isa
Dahil matagal mo na akong panaginip
Aalalahanin lang upang patigilin ang pagluha
Dahil matagal mo na akong tula
Babasahin lamang kapag wala nang makitang iba
Sa parehong gabing tinapos mo ang lahat
Alam ko ring masakit kung mananatili pa
Ngunit
Alam kong mas masakit kung ako'y bibitaw na
Dahil sa natatanging dahilan:
Na ikaw rin ang aking bituin sa gabi
Na ikaw rin ang patuloy na nasa likod ng aking mga pikit na mata
Na ikaw rin ang pinakapaborito kong mga salita
Na mahal pa rin kita
Literary (Submission): Tanging Dahilan

0 comments: