elane madrilejo,
Nagpatuloy ang lakbay-aral ng Grado 3 hanggang 6 noong ika-19 ng Marso sa kabila ng suspensyon ng klase dahil sa banta ng transportation strike.
Ayon sa grade level coordinator (GLC) ng Grado 6 na si Prop. Anna Nadora, napagdesisyunan ng mga guro na ituloy ang field trip dahil tapos na sila sa unang destinasyon nang magkansela ng klase at hindi gaanong apektado ng strike ang mga estudyante sa bus.
Dagdag pa niya, “Mas magiging problema ang pag-uwi kung ibabalik agad ang mga estudyante sa paaralan. Dagdag dito, maaantala rin ang gawain nila sa iba't ibang subjects.”
Mahigit 400 estudyante ang nakilahok sa lakbay-aral, kasama ang 19 na guro. Pinuntahan nila ang National Museum, Fort Santiago, at Elite Techno Park.
Habang naglalakbay-aral ay may sinagutan ang mga mag-aaral na booklet na compilation ng mga gawain sa iba’t ibang asignatura. Layon nitong maging isang integrated activity ang field trip at maiugnay sa mga aralin ang kanilang mga natutunan.//nina Vea Dacumos at Elane Madrilejo
Grado 3-6 Lakbay-Aral, nagpatuloy sa kabila ng suspensyon ng klase
LAKBAY PATUNGONG NAKARAAN. Pinanonood ng mga estudyante ang Interactive Historical Play na ginanap sa Heroes’ Square, Fort Santiago. Photo
credit: Anna Nadora
|

0 comments: