filipino,
Ngumiti ka.
‘Yan ang magtatago ng lungkot sa ‘yong mga mata at mga hirap na nadarama. Ngumiti ka at baka sakaling mabawasan ang bigat na nararamdaman sa panahon na parang wala nang nangyayaring tama, sa panahon na parang wala ka nang maintindihan.
Ngumiti ka.
Ngumiti ka sapagkat ito ang magpapahiwatig na ayos na ang lahat. Ang magpapahiwatig na wala na ang mga problema. Kung di man nawala, kahit papaano’y nabawasan na sila. Kaya’t ngumiti ka dahil ang ‘yong mga dinadala ay gumaan na.
Ngumiti ka.
Ngumiti ka dahil hindi mo alam kung ilang tao ang nais makita ang iyong maganda at nakakahawang ngiti. Tandaan mo, ito ang isa sa mga pinakamagandang bahagi ng isang tao, ang kanilang mga ngiti. Hindi mo alam na may taong makita ka lamang nang nakangiti ay kumpleto na ang araw nila.
Ngumiti ka.
Ngumiti ka sapagkat maganda ang sikat ng umaga na nagbabadyang magiging maganda ang buong araw. Isang dahilan upang magpasalamat sa Kanya dahil binigyan ka pa ng isang araw upang gawin ang mga nais mo at makasama pa ang mga mahal mo sa buhay.
Ngumiti ka.
Ngumiti ka dahil kaya mo pa. Kakayanin mo pa, kahit gaano man ‘yan kahirap. Kung nalagpasan ng iba ang mga pagsubok, kung napagtagumpayan ito ng mga nauna sa atin, pasasaan ba’t makakaraos ka rin. Tulad nga ng lagi nilang sinasabi, may bahaghari makaraan ang ulan, at may umaga matapos ang bawat gabi.
Literary (Submission): Ngiti

0 comments: