filipino,
“I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason!”
Ito ang linya ni Ginny sa pelikulang Starting Over Again habang humihingi ng rason kung bakit nire-reject ni Marco ang kanyang mga disenyo.
Kinuha ko ang tisyu na nasa mesa at agad na pinunasan ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Ilang ulit ko nang pinanood ang pelikulang ito pero naiiyak pa rin ako sa eksenang ito.
Oo nga naman, hihingi ka siyempre ng rason kung bakit nagkaganoon. Kung bakit ‘yung bagay na pinagtuunan mo ng buo mong atensyon, pinag-alayan mo ng dugo at pawis, at higit sa lahat pinahalagahan nang buong puso, ay mawawala na lang basta-basta?
Naghahanap ka ng rason kung bakit ka iniwan na lang nang ganoon, kung saan ka nagkulang, kung may nagawa ka bang mali, at higit sa lahat naghahanap ka ng dahilan kung bakit kailangan mong tiisin ang paghihirap at lumbay matapos kang iwan ng taong mahal mo.
Apat na taon. Sa loob ng apat na taon, naging mundo namin ang isa’t isa, hindi kami mapaghiwalay. Siya ang first and last dance ko sa parehong JS Prom, kami pa ang nanalo noon na Prom Prince at Prom Princess. Sa tingin ko, nadala lang ako ng kaguwapuhan niya, hindi naman talaga ako maganda. Dahil boyfriend ko siya, kaya binoto na lang din siguro ako na Prom Princess. Sabay rin kaming nag-fill out ng application form sa UPCAT, pinili niya ang BA Philosophy bilang first course at BA Psychology naman ang sa akin. Sabay naming ipinasa ang UPCAT at sabay rin kaming pumasok sa UP Diliman. Dahil mga estudyante lang kami noon, wala kaming malaking pera, ang Shopping Center at Green Canteen ang lagi naming pinupuntahan pag nagde-date kami. Sarap na sarap kami sa tapsilog ng Rodic’s na kinakain namin tuwing monthsary namin kada ika-21 ng bawat buwan.
Ang sakit-sakit. Hindi ko na kinaya, naalala ko na naman ang apat na taon naming pinagsamahan. ‘Yung mga ngiti niyang punong-puno ng kaligayahan, ‘yung mga tawa niya sa corny jokes ko, ‘yung mga pinanood naming pelikula nang magkasama, at ang mga yakap niyang mahihigpit.
Naluha ako. Kahit ano palang pigil ko, maiiyak at maiiyak pala ako. Nakakailang rolyo na ako ng tisyu kaiiyak ko.
Apat na taon. Apat na taon din akong nawala. Bigla na lang ako nawala nang walang pasabi. Nakatanggap ako ng scholarship sa Japan, pinilit ako ng nanay ko na tanggapin ito dahil magandang oportunidad ito para sa akin. Matagal ang apat na taon, maraming mangyayari, kakayanin kaya namin? Kakayanin kaya naming dalawa?
Sinulit ko ang nalalabi kong oras kasama siya. Kinabisado ko ang mapupungay niyang mata, mahahabang pilikmata, matangos niyang ilong, matambok na pisngi, at mapupula niyang labi. Mami-miss ko ito pag nasa Japan na ako.
Ang sama ko. Mismong sa huling araw ko sa Pilipinas niya nalaman lahat. Hinabol niya ako habang umiiyak pero hindi na niya ako naabutan. Pagbukas ko ng laptop ko, puro mensahe niya ang natakita ko. Pinutol ko lahat ng komunikasyon namin, blinock ko siya sa Facebook, Twitter, sa lahat ng social media. Ayokong may matanggap na balita mula sa kanya. At gayon din siya dapat sa akin.
Kung kami talaga, magkakabalikan kami. Mahal niya naman ako, di ba? Hihintayin niya ako.
Pero nagkamali ako.
Dalawang linggo matapos ang pag-uwi ko sa Pilipinas, nakasalubong ko siya sa mall. Nakita ko siyang may babaeng kasama. Maganda, maputi, at chinita. Sumikip ang dibdib ko na dinala ko hanggang pag-uwi.
In-unblock ko agad si Noel, gumuwapo siya lalo. Pinakulayan niya ng tsokolate ang dati’y itim na itim niyang buhok, tumangos lalo ang kanyang ilong, at nandoon pa rin ang kaakit-akit niyang ngiti.
Ngunit di siya nag-iisa sa DP niya sa Facebook, kasama niya ‘yung chinitang babaeng nakita ko.
Nicole Sy, siya na ngayon ang nagpapatibok sa puso ni Noel. Ang kasama niya sa DP niya, magkaakbay sila habang nakangiti.
Bakit ganoon? Akala ko ba mahal ako ni Noel? Bakit di niya ako hinintay? Pinalitan na lamang niya ako nang basta-basta. Paano na ‘yung pinagsamahan natin? Bakit may iba na? Sabi niya dati ako lang mamahalin niya?
Sa sobrang pagdadrama ko hindi ko na napansin ang pinapanood ko ngunit nabingi ako matapos marinig ang linya ni Marco na,
“Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na ipinagdamot mong ibigay?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Oo nga pala. Simula pa lang, ako agad ‘yung may mali.
Ipinagdamot ko ang eksplanasyon at rason na hinihingi niya, kaya ano ang karapatan kong hingin ito sa kanya?
Literary: Closure

0 comments: