filipino,
“Kuya, pengeng barya,”
Sabi ng isang batang lansangan
Habang siya’y pumapanhik sa jeep
Na naipit sa kasagsagan ng trapik
Inilabas ang bimpo na nasa kanyang tagiliran
Naupo sa gitna sabay pahid sa bawat sapatos ng pasahero
Kitang-kita ang pawis niyang tumutulo
Hirap na hirap sa pag-abot hanggang dulo
Matapos niyang maglinis,
Bumalik siya sa dulo’t sumabit
Ibinalik ang bimpong hawak at inilabas ang sobreng dala
Iniharap na rin niya ang kanyang tambol na nakasabit sa balikat
Ang bata ay biglang umawit
Siya’y bigay na bigay at bumibirit
Pumipiyok man, tuloy pa rin sa pagkanta habang nakasabit
At isa-isang iniabot ang mga sobreng kanyang bitbit
Maraming mata ang umirap lang sa kanya
At ang iba naman ay nagbuntonghininga
Binuksan ko ang kanyang sobre
At ako’y nag-iwan ng bente
Patapos na siya sa kanyang pagkanta
Ngunit ako’y may napansing kakaiba
Ang kanyang luha’y biglang dumaloy sa kanyang pisngi
Pagod na kaya siya?
Ako’y naglabas ng biskuwit
Iniabot sa munting batang naluluha
Nang kanyang matanggap, isang ngiti ang sumalubong sa akin
“Salamat, ‘te!”
Bumaba na ang bata
At biglang may bumabagabag sa ’king isip
Maraming bata ang ‘di nakakakain,
Paano kaya mababago ang lipunan natin?
Literary (Submission): Bata

0 comments: