gab aparato,

UPIS BSP, matagumpay na idinaos ang Survival Camp

4/19/2018 09:07:00 PM Media Center 0 Comments


TRADISYON. Sabay-sabay na dumalo ng misa sa simbahan ang mga iskawt para sa palaspas. Photo credit: Prof. Maria Ronelli Espina 

Matagumpay na idinaos ang Survival Camp ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) Boy Scouts of the Philippines (BSP) na may temang “Unplugged” sa Green County Farm and Resort sa Meycauayan, Bulacan noong ika-23 hanggang ika-26 ng Marso.

Layunin nitong mapaigting ang pagiging responsable at pagtupad sa tungkulin ng mga iskawt sa lipunan at mapabuti ang pakikisalamuha nila sa kapwa iskawt at sa komunidad.

Ilan sa mga aktibidad nila sa camp ay mga palaro tulad ng siato, tumbang preso, patintero, at Catch the Dragon’s Tail, gayundin ay obstacle course, base method, zipline, disaster preparedness training, hiking, at campfire.

“Maganda ang pagkahanda ng camp pati ‘yung tema na ‘Unplugged,’” komento ni Roel Ramolete ng Batch 2020, pinarangalang Best Camper. “Dahil nga nasanay na tayo masyado na kasama ang teknolohiya, maganda rin naman po na kahit ilang araw lang ay hindi natin makasama ito at gumawa naman ng ibang aktibidad,” paliwanag niya sa tema at mga gawain.

Bilang pagtatapos, nag-boodle fight ang mga kalahok sa kanilang huling tanghalian sa campsite at nagdaos ng awarding ceremony para sa mga natatanging patrol at iskawt.//nina Nico Javier at Gab Aparato

You Might Also Like

0 comments: