Showing posts with label Jollibee. Show all posts

Feature: 10 on 10

1. Huwag balewalain ang talumpati, suring akda, suring nobela, lalong-lalo na ang thesis.
Ilan lang sila sa mga major requirements para makaraos ng Grade 10. Kakayanin mo ng isang upuan ang paggawa ng talumpati kung magseseryoso ka. Ilang araw at gabi naman ang bubunuin mo sa pagbabasa ng na-tokang libro sa iyo sa suring akda at nobela kasama ang analisis. Maraming trial and error sa thesis, lalo na kung kay Ma’am Vargas kayo mapupunta.

PS: Double spacing ang novel analysis, font size 12. Kaya yakang-yaka ang minimum 10 pages na requirement dito.

PPS: May sobrang gandang handwriting si Ma’am Vargas. Makokonsumo ang oras niyo sa kakahula sa mga isusulat niya. Pero huwag mag-alala, full of heart and passion si Ma’am, at bonus pa na sobrang bait at bango niya. We love you, Ma’am!

2. Class work kung class work!
Ito ang susi sa ultimate success ng function sa PA noong first semester. Kailangang lahat ay gumagalaw. Kapag pumetiks ka, asahan mong gaganti ang mga ka-grupo mo mapa-Housekeeping, Purchasing, Food Preparation, o Marketing Committee pa ‘yan. Pero nakasalalay pa rin sa lab plan ang lahat kung makakapagtinda ba kayo o hindi. Basta mag-double check muna ng lahat bago i-present at i-submit kay Ma’am Flor. Baka sa dulo ng quarter ay walang maka-line of 8 sa inyo, kahit pa ang pinakamatalinong estudyante sa section n’yo.

3. Time is waaaaay more than gold
Kapag may deadline ng isang requirement, gawin agad bago ang pasahan at HINDI sa mismong araw ng pasahan. Halimbawa na nito ang “Batang Cubao” na hanggang ngayo’y may mga hindi pa nakakapagpasa. Hahabulin ka nito hanggang sa panaginip. Mabuti sana kung panaginip lang. Kawawa ka kapag si Mam Tengson na ang humarap. Pero mahintakutan ka kapag si Mam na dalagang Filipina ay mapa-english mo na. Every requirement counts!

4. When in doubt, magtanong agad! Huwag nang magpatumpik-tumpik pa!
Pinaka-applicable ito sa Math. Huwag kang umasa kay Batman kapag may nalalapit na quiz o long test. Mag-review at matutong magtanong kapag walang maintindihan. Wala namang mali o mawawala sa’yo kapag nagtanong ka, ‘di ba?

5. The mastery of “Basta maipasa ko lang ‘yun masaya na ako.”
CEQ (Current Events Quiz). HAHAHAHAHHA. Math. HAHAHAHAHAHAHAH. Science. HAHAHAHAHAHAHA. Pag bagsak, HUHUHUHUH…

6. Mag-prioritize.
Kapag may group project na gagawin sa school, gawin muna ito bago gumala sa mall o iba’t ibang kainan sa Area 2 o Katips.

Mag-sorry na rin in advance sa mga kaibigan mo at lovelife dahil sa iyong pagpa-prioritize. Mag-isip ka na ng iba’t ibang dahilan, ‘yung hindi pare-parehas para hindi sila magalit at magawa mo ang mga kailangan mong gawin. Magpaalam ka na rin sa mga magulang mo dahil may mga araw at linggong gagabihin ka.

7. Business is a virtue.
Young entrepreneurs lang ang peg sa 4th quarter. Mula sa “Research on the life of a Filipino Entrepreneur then submit a reflection paper” hanggang sa kayo mismo ang magbebenta at gagawa ng produkto n’yo. Mag-isip na agad in advance ng produktong maaaring ibenta dahil first come, first serve ang basehan ng tinda. Bawal ang magkaroon ng kaparehas na benta.

PS: Magseryoso. Mahirap at mas matrabaho ang make-up session kapag nag-absent o pagala-gala ka lang habang work session.

8. Ball is Life: The #1 Stress Reliever
Huwag magpaka-hard sa lahat ng bagay. Uso magpahinga. Yayain ang barkada at mag-ball is life! ‘Di bale nang maging solar boys sa katanghaliang tapat o mangamoy warrior kahit alas otso pa lang ng umaga, basta’t narerelax at nakakalma ang diwa bago o matapos lusungin ang isang nakakapagod na araw.

PS: Magdala lagi ng extra plain white t-shirt aT deodorant.
                                                                           
9. Mahirap maghabol, mapa-lablayp man ‘yan o clearance
Mahirap maghabol sa lablayp dahil… Maraming ginagawa sa grade 10. Madalas maubusan ng time sa isa’t isa dahil sa tambak na gawain. Kahit minsan nakakasawa nang pakinggan ang paulit-ulit na dahilan, kailangan pa ring unawain kung mahal n’yo talaga ang isa’t isa.

Ang #1 rule ng acads: Huwag kang magpapahuli. Mahirap magpa-clearance sa lahat ng teachers dahil madalas silang wala, o busy. Darating ang araw na wala kang mapapapirmahan. Magdadabog ka at magsasabing “Sayang lang pamasahe ko!” Pero siguraduhing kumpleto na lahat ng requirements para one time big time na lang ang pagpapapirma mo.

10. Dreams do come true.
Lahat ng pagsusumikap, dugo, pawis, iyak, puyat, missed dates, missed gala, lahat ay natutumbasan. At ito ay ang pagmartsa sa stage ng UP Film Center sa Abril 21 sabay abot ng diploma mula kay Sir SJ at Dean Alonzo. Sundin mo lamang ang lahat ng tips na nabanggit ko at matutupad ang pangarap mo / ni Jollibee

Literary: Baka Sakali x Wala Na



Baka Sakali
Bubbles

Mahal kita, mahal na mahal
‘Tila ba ayaw ko nang bumitaw pa
Ang kasunduan nati’y maaari bang mabalewala na
At ika’y makasama hanggang sa dulo pa

Nalalaman mo ba?
Hahanap-hanapin ko ang iyong yakap at akbay
Ayokong matapos ang segundo, minuto at araw
Pagkat sa dulo tayo’y mag-hihiwalay

Hanggang dito na lang ba?
Sigurado ka na?
Kahit sa puso mong nanlalamg na
Ako’y patuloy na kakapit pa


Wala Na
Jollibee

Mahal kita, mahal mo ako
Mamahalin ang isa’t isa
Hangga’t nagkakasama tayo
Ito ang kasunduang matatapos na sa dulo

Nalalaman ko,
Nasanay ka na sa mga akbay at yakap ko
Wag mag-alala, araw, minuto at segundo
Ang hinihintay bago tayong dalawa’y tuluyang maghiwalay

Ako at ikaw, ‘di dapat magdamdam
Minahal kita, minahal mo ‘ko
Pero aminin nating tayo’y nagkasundo
Kung tayo, ay tayo muling magkikita sa dulo

Literary: A Walk to Remember


Isang tipikal na araw iyon sa UPIS. Nag-cut ako ng Bio class para kumain. Pinlano ko ang aking usual orders: isang order ng chicken curry, dalawang Yakult at isang ice candy bilang panghimagas. Nang makita kita, napatigil ako sa pagsasalita, pero sadyang malakas talaga ang tadhana at ako’y napa-“Hi!”

Inangat mo ang iyong palad, naghuhudyat na paglapitin natin ang ating mga kamay. Napatitig ako sa iyong malamlam na mata, nagpapahiwatig na hindi maganda ang takbo ng iyong araw. At maaaring paglapat ng ating mga kamay ang muling magpakislap ng iyong mga mata at diwa.

Nakalimutan ko nang umorder dahil dinaldal mo na naman ako nang husto. Sinimulan mo sa bakit ako nasa canteen, kamusta na ang tatay ko at ang walang kamatayang pangangamusta mo sa akin at sa ex ko. Hindi mo baa lam na rinding-rindi na ako sa topic na ‘yun, pero kunwaring ayos lang dahil alam kong malapit mo na kaming iwan.

Kahit minsan napagkakamalang kang nakawala pa sa zoo dahil malaki ang pagkakahawig mo sa isang black and white panda, ayos lang dahil muntikan mo nang mapatunayang may forever, na may handang magtagal at may handang tumanda para sa amin. Pinatunayan ng iyong mabagal na lakad ay lahat ng iyong napagdaanan, mula sa sakit sa ulong idinulot ng mga magulang naming naging estudyante mo, hanggang sa amin na nagdulot ng matinding sakit mo sa puso.

At bilang pagtatapos ng ating pag-uusap, muli mo akong kinamayan at napaisip akong ilang ganito pa ba ang aking maaabutan?

Literary: Muntik Na


Ito na yata ang tulang pinag-isipan kong mabuti
Tila ba ang dami kong gustong sabihin,
Pinipigil lang ng puso’t isip
Pero sabi nga nila “Tapusin mo ang iyong nasimulan”
Kaya heto ako’t ibabahagi ang maikli nating kasaysayan

Magbalik-tanaw tayo sa mga panahong
Ang puso ko’y di maawat sa paghikbi
‘Di inaasahang ikaw ang aking makakatabi
Tipong saksakan ka ng talino,
Ako nama’y wala ni isang talent
‘Di sukat akalaing iyong lilingunin

‘Di nagtagal puso ko’y naging sabik
Sabik sa mga kwento mong paulit-ulit
Tuloy, unti-unti, mga puso nati’y nag-isang pintig
Maging kamay ay naglapat, at ika’y umamin.

“Mahal kita,” iyong sabi
“Ngunit bawal pa,” sabay tapik
Handa akong maghintay, lumagpas man ang bilang sa aking mga daliri
Dahil lahat ay kayang gawin, sa ngalan ng pag-ibig

Natatakot lang akong maubos ang pagmamahal
Isang tanong mula sa iyo ang akin na hinihintay
Dahil handa ko nang muling sabihin ang mga kataga-
Oo, pagkat mahal kita.