feature,
Feature: 10 on 10
1. Huwag balewalain ang talumpati, suring akda, suring nobela,
lalong-lalo na ang thesis.
Ilan lang sila sa mga major requirements para makaraos ng
Grade 10. Kakayanin mo ng isang upuan ang paggawa ng talumpati kung
magseseryoso ka. Ilang araw at gabi naman ang bubunuin mo sa pagbabasa ng
na-tokang libro sa iyo sa suring akda at nobela kasama ang analisis. Maraming
trial and error sa thesis, lalo na kung kay Ma’am Vargas kayo mapupunta.
PS: Double spacing ang novel
analysis, font size 12. Kaya yakang-yaka ang minimum 10 pages na requirement
dito.
PPS: May sobrang gandang
handwriting si Ma’am Vargas. Makokonsumo ang oras niyo sa kakahula sa mga
isusulat niya. Pero huwag mag-alala, full of heart and passion si Ma’am, at
bonus pa na sobrang bait at bango niya. We love you, Ma’am!
2. Class work kung class work!
Ito ang susi sa ultimate success ng function sa PA noong
first semester. Kailangang lahat ay gumagalaw. Kapag pumetiks ka, asahan mong
gaganti ang mga ka-grupo mo mapa-Housekeeping, Purchasing, Food Preparation, o
Marketing Committee pa ‘yan. Pero nakasalalay pa rin sa lab plan ang lahat kung
makakapagtinda ba kayo o hindi. Basta mag-double check muna ng lahat bago
i-present at i-submit kay Ma’am Flor. Baka sa dulo ng quarter ay walang
maka-line of 8 sa inyo, kahit pa ang pinakamatalinong estudyante sa section
n’yo.
3. Time is waaaaay more than gold
Kapag may deadline ng isang requirement, gawin agad bago
ang pasahan at HINDI sa mismong araw ng pasahan. Halimbawa na nito ang “Batang
Cubao” na hanggang ngayo’y may mga hindi pa nakakapagpasa. Hahabulin ka nito
hanggang sa panaginip. Mabuti sana kung panaginip lang. Kawawa ka kapag si Mam
Tengson na ang humarap. Pero mahintakutan ka kapag si Mam na dalagang Filipina
ay mapa-english mo na. Every requirement counts!
4. When in doubt, magtanong agad! Huwag nang magpatumpik-tumpik
pa!
Pinaka-applicable ito sa Math. Huwag kang umasa kay Batman
kapag may nalalapit na quiz o long test. Mag-review at matutong magtanong kapag
walang maintindihan. Wala namang mali o mawawala sa’yo kapag nagtanong ka, ‘di
ba?
5. The mastery of “Basta maipasa ko lang ‘yun masaya na
ako.”
CEQ (Current Events Quiz). HAHAHAHAHHA. Math.
HAHAHAHAHAHAHAH. Science. HAHAHAHAHAHAHA. Pag bagsak, HUHUHUHUH…
6. Mag-prioritize.
Kapag
may group project na gagawin sa school, gawin muna ito bago gumala sa mall o
iba’t ibang kainan sa Area 2 o Katips.
Mag-sorry na rin in advance sa mga kaibigan mo at lovelife
dahil sa iyong pagpa-prioritize. Mag-isip ka na ng iba’t ibang dahilan, ‘yung
hindi pare-parehas para hindi sila magalit at magawa mo ang mga kailangan mong
gawin. Magpaalam ka na rin sa mga magulang mo dahil may mga araw at linggong
gagabihin ka.
7. Business is a virtue.
Young
entrepreneurs lang ang peg sa 4th quarter. Mula sa “Research on the life of a
Filipino Entrepreneur then submit a reflection paper” hanggang sa kayo mismo
ang magbebenta at gagawa ng produkto n’yo. Mag-isip na agad in advance ng
produktong maaaring ibenta dahil first come, first serve ang basehan ng tinda.
Bawal ang magkaroon ng kaparehas na benta.
PS: Magseryoso. Mahirap at mas
matrabaho ang make-up session kapag nag-absent o pagala-gala ka lang habang
work session.
8. Ball is Life: The #1 Stress Reliever
Huwag
magpaka-hard sa lahat ng bagay. Uso magpahinga. Yayain ang barkada at mag-ball
is life! ‘Di bale nang maging solar boys sa katanghaliang tapat o mangamoy
warrior kahit alas otso pa lang ng umaga, basta’t narerelax at nakakalma ang
diwa bago o matapos lusungin ang isang nakakapagod na araw.
PS: Magdala lagi ng extra plain
white t-shirt aT deodorant.
9. Mahirap maghabol, mapa-lablayp man ‘yan o clearance
Mahirap
maghabol sa lablayp dahil… Maraming ginagawa sa grade 10. Madalas maubusan ng
time sa isa’t isa dahil sa tambak na gawain. Kahit minsan nakakasawa nang
pakinggan ang paulit-ulit na dahilan, kailangan pa ring unawain kung mahal n’yo
talaga ang isa’t isa.
Ang #1
rule ng acads: Huwag kang magpapahuli. Mahirap magpa-clearance sa lahat ng teachers
dahil madalas silang wala, o busy. Darating ang araw na wala kang
mapapapirmahan. Magdadabog ka at magsasabing “Sayang lang pamasahe ko!” Pero
siguraduhing kumpleto na lahat ng requirements para one time big time na lang
ang pagpapapirma mo.
10. Dreams do come true.
Lahat
ng pagsusumikap, dugo, pawis, iyak, puyat, missed dates, missed gala, lahat ay
natutumbasan. At ito ay ang pagmartsa sa stage ng UP Film Center sa Abril 21
sabay abot ng diploma mula kay Sir SJ at Dean Alonzo. Sundin mo lamang ang
lahat ng tips na nabanggit ko at matutupad ang pangarap mo / ni Jollibee
Mukhang sinaid ni Jollibee ang lahat ng pwedeng ihugot dito ah haha
ReplyDeleteOk lam na next school year =)
ReplyDelete