filipino,

Custodian “Day Off”, handog ng pKA 7-10

4/13/2015 07:20:00 PM Media Center 0 Comments

Ginanap ang taunang outreach program ng Pamahalaan ng Kamag-aral 7-10 kaninang Abril 13, 2015 sa bulwagan.

Ang programa ay pinamagatang “Day Off” na may temang “Magpahinga at Magsaya kasama ang Pamilya.” Layunin nito na magpasalamat at bigyan ng isang araw na pahinga ang mga staff at custodian workers upang magsaya at magrelax kasama ang kanilang pamilya.


Nagbigay ng pambungad na salita ng Prinsipal na si Dr. San Jose. Sinundan ito ng mga laro katulad ng “Daddy Goes to Market” “BasketBalloon” at “Trip to Jerusalem.” Nagkaroon ng mga raffle at namahagi ng grocery bags para sa custodians at nagsalo-salo ang lahat sa isang boodle fight. Bilang pagtatapos ng programa, nagbigay ng pangwakas na pananalita ni Aemel De Leon, Pangulo ng pKA 7-10.

Ayon kay Bb. Deciniv Dela Cruz, Tagapayo ng pKA 7-10, naging posible at matagumpay ang nasabing outreach program dahil sa tulong at donasyon mula sa iba’t ibang departamento at ilang estudyante. / nina Nicole Rabang at Quiela Salazar

You Might Also Like

0 comments: