duquela,

Literary: Parang Kailan Lang

4/10/2015 08:00:00 PM Media Center 0 Comments


Parang kailan lang
Umiikot pa ang mga mundo
Sa takbuhan at habulan
Sa buhangin at damo

Parang kailan lang
Sumasabay ang talon sa hangin
Tinatanggap ang binibigay
At palaging may hihingin

Parang kailan lang
Nagsimula ng barkada
Nagkaroon ng mga katuwang
Sa lungkot man o saya

Parang kailan lang
Namulat ang mga mata
Sa tibok ng puso
At mabubulaklak na salita

Parang kailan lang
Gising lahat magdamag
Tinatapos ang ginagawa
Sa mga requirement na laging may dagdag

Kami ngayo’y nagpapasalamat
Sa mga taon, labing-isa, dalawa o apat
Dahil ang mga batang parang kailan lang
Ay magtatapos na at buo ang bilang

You Might Also Like

0 comments: