filipino,

Literary: Para sa Barkada

4/13/2015 07:47:00 PM Media Center 0 Comments


Maraming bagay ang gustong sabihin
Marami ring gustong linawin
At sa darating na ikaw dalawampu’t lima,
Lahat ng ito’y susubukang iparating
                                               
Ano bang ginawa ko sa inyo?
Bakit ba tayo nagkaganito?
Sisirain ba natin ang limang taon?
Mga pinagsamahan natin ay pilit na bang ibabaon?

Bakit? Bakit kailangan mangyari ito?
Mga puso niyo ba’y tuluyan nang naging bato?
Na kahit paghingi ng tawad ay ‘di niyo matanggap?
Solusyon sa problema nati’y saan ba mahahanap?

Di niyo alam kung gaano ako kalungkot
Sa tanang buhay ko’y ito ang tinuturing kong bangungot
Para sa akin kasi, wala nang mas mahalaga pa
Kundi kayo, aking mga kabarkada.


You Might Also Like

0 comments: