literary,

Literary (Submission): Salamat sa Inyo, MC

4/10/2015 09:23:00 PM Media Center 0 Comments



Maraming pangyayari ang hindi namin inaasahan
Masasabing isang pag-iibigan na nga ang nabuo
Naging daan ang mga sulat
Sa pagtibok ng aming mga puso

Isang hindi inaasahang sulatan
Na nag-ugat sa isang magandang kwento
Na sa una’y biruan lamang
At sa huli’y naging seryoso

Nilalaman ng bawat sulat ko
Ang tunay kong nararamdaman
Bawat salita’y may katotohanan
Dahil ito ang sinasabi ng puso ko

Sa aking bawat sagot
Laman ay tunay na damdamin
Walang halong biro, seryoso
Pagkat ito rin ang sinasabi ng puso ko

Mahirap mang isipin
Ang pagsusulat ang nagbigay sa akin ng pag-asa
Pag-asang hindi tinangay na lang basta
At nagbigay pa ng magagandang alaala

Magagandang alaalang nabuo
Na ang simula’y sa isang lapis lamang
Lapis na aking tinanggap
Itinago ko pa’t iningat-ingatan

Kung hindi naging daan ang pagsusulat
Ay mananatili lang na pangarap ang lahat
Makakaramdam ng panghihinayang
At maraming pagkakataon ang masasayang

Kung hindi naging daan ang pagsusulat
Marahil ay wala siya sa buhay ko ngayon
Wala rin ang magagandang alaala
Na nagpasaya sa huling taon ko rito

Kaya maraming salamat sa inyo, MC
Na walang tigil na nagpumilit sa aming sumulat
Kung wala kayo ngayo’y
Malamang ay wala rin kami

Pagkat sa pagsusulat namin nasabi ang lahat
Sa mga sulat namin naramdaman ang kaligayahan
Kaligayahan na hindi namin naramdaman kahit kailan
At dadalhin namin magpakailanman

You Might Also Like

0 comments: