alapaap,
Wala na Pala
Objet D' Art
May dahilan ba
Para manatili pa?
Sa ganitong klaseng relasyon,
Ano bang dapat maging reaksyon?
Oo, ika’y gwapo at makisig
Di manloloko, hindi barumbado
Iba sa mga lalaking nakilala ko
‘Yan nga ang tingin ng lahat sa’yo
Totoo naman ‘yan,
Hindi naman ako tumututol diyan
Pero hindi niyo kasi alam
Kung gano kahirap ang aking pinagdadaanan
Kapag malungkot siya,
Kapag umiiyak siya,
Kapag kailangan niya ng tulong,
Kapag nawawalan siya ng pag-asa,
Nandun ako. Sumusubok…
Na baguhin ang nararamdaman niya
Na ibahin ang tingin niya sa mga bagay
Na ibsan ang mga problema niya
Pero bakit palaging gan’on?
Kailan ba magkakaroon ng pagkakataon?
Na ikaw naman ang nandiyan
Para ako’y tulungan?
Kay tagal ko nang naghihintay
Ayokong umabot ito habambuhay
Ako’y pagod na pagod na,
Mas mabuti yatang ito’y itigil na
Literary (Submission): Wala na Pala x Ito'y Paalam Na
Wala na Pala
Objet D' Art
May dahilan ba
Para manatili pa?
Sa ganitong klaseng relasyon,
Ano bang dapat maging reaksyon?
Oo, ika’y gwapo at makisig
Di manloloko, hindi barumbado
Iba sa mga lalaking nakilala ko
‘Yan nga ang tingin ng lahat sa’yo
Totoo naman ‘yan,
Hindi naman ako tumututol diyan
Pero hindi niyo kasi alam
Kung gano kahirap ang aking pinagdadaanan
Kapag malungkot siya,
Kapag umiiyak siya,
Kapag kailangan niya ng tulong,
Kapag nawawalan siya ng pag-asa,
Nandun ako. Sumusubok…
Na baguhin ang nararamdaman niya
Na ibahin ang tingin niya sa mga bagay
Na ibsan ang mga problema niya
Pero bakit palaging gan’on?
Kailan ba magkakaroon ng pagkakataon?
Na ikaw naman ang nandiyan
Para ako’y tulungan?
Kay tagal ko nang naghihintay
Ayokong umabot ito habambuhay
Ako’y pagod na pagod na,
Mas mabuti yatang ito’y itigil na
Ito'y Paalam Na
Alapaap
Kumapit ka, kahit saglit lang,
Para ang mga paliwanag ko, masabi man lang.
Kahit na may dahilan para manatili pa,
Mas marami parin ang rason para tapusin na
Hindi naman sa ayaw ko na,
Pero hindi ko alam kung paano ipagpatuloy pa.
Ika nga, pag gusto, may paraan,
Pag ayaw, may dahilan.
Pero bakit ganito?
Kahit anong gawin ko,
Kahit anong paraan para ika’y tulungan,
Sa dulo ng lahat ika’y nasasaktan.
Alam kong lagi kang andiyan para sa’kin,
Pero kailangan mo kasing intindihin,
Na hindi kita mapapasaya lagi
Kahit na sobra-sobra ka nang sawi.
Oo, andami mong ginawa para sa’kin,
Kahit hindi ko naman binibilin.
Ngunit ayoko naman pahirapan ka
Pero kahit pilitin ko, tinutuloy mo pa.
Kaya humihingi ako ng tawad sa’yo
Para sa lahat ng oras na sinakripisyo mo
Kung saan sinasayang ko lamang
Kaya lagi nalang ako nanghihinayang.
Di pa ako handang mawala ka
Pero wala naman talagang handa para magpakawala
Ayaw na kitang paghintayin pa,
Kaya, siguro, ito’y paalam na.
0 comments: