altostratus,
Sabado, buwan ng Disyembre.
Tahimik akong nagmamasid-masid habang naglalakad sa kahabaan ng academic oval. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakapunta rito, mga halos sampung taon na yata. Noong pagkagraduate ko pa lamang yata sa UPIS ako huling nakapagliwaliw sa mga lugar sa UP Diliman. Nakaka-miss.
Wala pa rin palang gaanong nagbabago. Naroon pa rin ang mga malalagong puno ng Acacia na nagbibigay-lilim sa mga naglalakad. Marami pa ring nagjajogging. At naroon pa rin ang tindahan ng fishball sa may Vinzon’s na lagi naming tinatambayan noon para kumain. At sa sunken garden, natatandaan ko pang doon kami tumatambay noon ng mga barkada ko.
Iba talagang maglakad-lakad sa Acad Oval. ‘Ika nga nila, brings back memories.
Nasa kailaliman ako ng pag-iisip nang hindi ko mapansin ang babaeng naglalakad na kasalubong ko. Nagkabungguan kami, natumba siya. At siyempre, bilang isa akong mabait na mamamayan ng bansang Pilipinas, inalok ko ang aking kamay para tulungan siyang makatayo.
“Uhh, miss, sorry, ‘di ako nakatingin,” sabi ko, sabay abot ng kamay.
Tumingala siya at tumingin sa akin. Saglit lang, parang kilala ko ‘to ah...
“Wait lang, Micah? Ikaw ba ’yan?” tanong ko sa kaniya.
“Bryan? Is that you?” tanong niya sa akin na tila ba takang-taka sa mga nangyayari.
Si Micah. Kaklase ko siya noong high school. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng pupuwedeng mangyari, ito pa. Parang pinaglalaruan ’yata ako ng tadhana.
“Micah! Ikaw nga! Kamusta na? Pasensya na ha, nabangga pa kita.”
“Ayos lang ako, don’t worry. Eh ikaw, kamusta ka na? Pagkagraduate natin nawala ka na lang bigla ah.”
“Sige, ikukuwento ko. Wanna go for a walk?” alok ko sa kanya.
“Sure, sige lang.”
Mga bandang ala-singko-y-medya na ng hapon noon, papalubog na ang araw. Nag-uusap kami ni Micah habang naglalakad sa kahabaan ng Acad Oval.
“So, ano’ng nangyari sa’yo at bigla ka na lang naglahong parang bula after grad?”
“Umuwi agad kami ng probinsya. Ewan ko ba, biglaan kasi eh. Tapos doon na rin ako pinag-aral.”
“Eh diba nakapasa ka ng UP Diliman for college?”
“Nagkasakit pala kasi si Lola noon. Eh sina papa na lang yung pwedeng magbantay at nasa ibang bansa na yung ibang mga kapatid niya. Doon na rin ako pinagkolehiyo kasi ayaw ni Mama na mawalay ako sa kanila.”
“Ah, kaya pala. Sayang naman. Hinahanap ka nga ng mga kaibigan mo eh. Hindi ka rin namin macontact.”
“Sorry.”
Hindi namin namalayang lumubog na pala ‘yung araw. Medyo madilim na ang paligid at inilawan na rin ang mga lampposts. Kapansin-pansin din na nabawasan na ang bilang ng mga nagjajogging.
“So, ba’t bigla kang bumalik, pagkatapos ng ilang taon ba?” tanong niya.
“10 years,” sagot ko.
“Ayun, 10 years. Bakit bigla kang bumalik?”
“Wala, dito na kasi ako nagtatrabaho sa Maynila. At naisipan ko lang magliwaliw dito sa Campus ngayong wala naman akong ginagawa,”
“At nagkataon pa talagang nagkita tayo, ‘diba?”
“Oo nga eh, nakakamiss.”
“’Yung alin?”
“’Yung ganito, parang dati lang. Magkasama tayong naglalakad sa ilalim ng ilaw ng mga lamppost sa kahabaan ng Acad Oval. Mag-uusap tayo tungkol sa mga kung ano-ano at walang katuturang topic. Tapos bigla kang tatawa nang sobrang lakas nang walang dahilan.”
“Naalala mo pa ‘yun? Ang tagal na noon ah.”
“Hindi ko kinalimutan ‘yun. Kahit pa nasa probinsya ako.”
“Aww, ang... HUY TUMABI KA!”
Bigla niya akong hinatak palapit sa kaniya. Mayroon palang dumaang humaharurot na bisikletang hindi ko napansin. At ‘nung maisaisip ko ang mga pangyayari, napansin kong nakayakap na pala si Micah sa akin. At napansin din niya.
“Ay, sorry,” sabi niya, sabay bitaw sa akin.
“Wala ‘yun. Salamat, muntik na ako dun ah.”
“Ikaw naman kasi, ‘di ka tumitingin,”
“Sorry.”
“Which makes me think, may asawa ka na ba?”
“Thought you’d never ask,” sabi ko, sabay kindat sa kaniya ng pabiro.
“Loko-loko ka pa rin pala. So, ano nga, meron na ba?”
“Wala pa, I’m still available. Ikaw ba?”
“Uhh...”
“Oh, ba’t di ka makasagot?”
“Meron na eh. James yung pangalan niya. May isa na kaming anak, magwa-one year old na siya this January.”
“Ah, ganun ba.”
“Oh, ba’t parang nanghinayang ka?”
“Ah, hindi, hindi, wala. Pagod lang siguro to. Hassle sa trabaho eh.”
Nasa harap na kami ng napakagandang estatwa ng Oblation sa harap ng Quezon Hall nang biglang tumunog ang batingaw ng Carillon Tower. Ala-siyete na ng gabi ang nakalagay sa orasan ko.
“Oh, maggagabi na, hindi ka pa ba uuwi? Seven o-clock na oh,” sabi ko sa kaniya nang may tono ng pag-aalala.
“Heto na, pwedeng pahatid sa sakayan, please?”
“Sige,” sabi ko na lang. Tutal madadaanan din naman yun papunta sa tinitirhan ko.
“By the way, gusto mo bang maging ninong ni JJ?” alok niya sa akin.
“Bakit JJ?”
“Kasi James Junior. So ano, ililista na ba kita? Next week yung binyag.”
“Ay, mukhang hindi pwede, busy kami sa work ngayon eh, maraming papeles na tinatrabaho.”
“Ay, diba mag-isa ka lang ngayon? Sa amin ka na lang mag-noche buena,”
“Sorry talaga, Micah. Naka-set na kasi kami ng mga officemates ko na lalabas kami sa araw na ’yan.”
“Ay ganun ba,” sabi niya nang may tono ng panghihinayang.
“Sorry.”
Biglang may dumating na jeep papunta sa direksyong kinatatayuan namin. Pinara ’yun ni Micah.
“Ay, eto na pala ‘yung jeep. Sige, Bryan. Magkita na lang tayo sa susunod,” sabi niya sa akin habang papasakay sa jeep.
“Wait, paano naman?”
“Malalaman mo ‘rin,” sabi niya sa akin, sabay kindat.
At biglang umalis na ‘yung jeep.
Pinag-iisipan ko ‘yung mga huling katagang sinabi niya bago sumakay ng jeep habang naglalakad pauwi. “Ano kayang ibig sabihin nun,” tanong ko sa aking sarili.
Nag-inat-inat ako nang napansin kong may papel na nakasuksok sa bulsa ng polo ko. Kinuha ko at saka binasa.
Calling card pala ni Micah. Nailagay nya siguro nung ‘di sinasadyang nagkayakap kami kanina.
Pinag-isipan ko kung tatawagan ko ba siya. Sa tono ng pananalita niya kanina, parang may gusto pa rin siya sa akin. Parang hindi nawala ‘yung damdamin niya para sa akin noong highschool students pa lamang kami sa UPIS. Nag-isip ako nang matagal. At napagdesisyunan ko kung ano ang gagawin.
Pinunit ko ‘yung calling card at saka tinapon.
“Para na rin siguro sa ikabubuti naming dalawa,” sabi ko sa sarili ko.
At tumuloy na ako sa paglalakad patungo sa tinitirhan kong kuwarto.
Literary: An Unexpected Reunion

0 comments: