balik,

Literary: Balik

4/13/2015 07:40:00 PM Media Center 0 Comments


Naaalala mo pa ba?
Apat na taong nang nakalilipas?
Noong una tayong nagkakilala
At ang pagtingin mo'y 'di pa kumukupas?
Natatandaan mo pa ba?
Ang mga pangakong iyong binitiwan?
Na hahamakin natin ang buong mundo magkakasama?
Pangako mo, ngunit ikaw rin ang sumira
Nakalimutan mo na yata
Ang mga panahong tayo'y masaya
Noong kahit tayo'y laging magkakasama
Ni isang beses, ika'y hindi nagsawa
Sa iyong isip, ito'y itatak mo sana
Tanggap ka parin, kahit ika'y kumiwala
Laging tandaan ika'y 'di binabalewala
Narito ka lagi, sa aming alaala

You Might Also Like

0 comments: