feature,
1. Kasunod na class number – Siya na ata ang pinakaunang kaklase mong makakatabi lalo na ‘pag first quarter o ‘pag di pa kayo kilala ng inyong guro. Sawang-sawa ka na siguro sa pagmumuka niya. Kung maaari mo lang talagang makipagpalitan ka ng apelyido sa iba mong kaklase, maiba lang ang class number mo’t hindi siya makatabi.
2. Secretary – Sa kaniya ka umaasa lalo na ‘pag may homework o quiz. Kapag kailangan mo ng notes, ipapaphotocopy o pipicturan mo yung kanya dahil tamad ka talagang kumopya. Pati notes puede nang gamitan ng selfie. Sa kasamaang palad, mababa pa rin ang nakuha mong marka sa quiz dahil ‘di mo naman talaga binasa ang notes niya.
3. Cheatmate – Siya yung bigla mo na lang magiging ka-close lalo na kapag may quiz. Magiging sikat ka noong oras na yun dahil madaming gustong tumabi sa’yo. Habang nagsasagot naman, bigla na lang may mahuhulog na bolpen sa harap at unti-unting dudungaw sa papel mo. Sa huli, kawawa ka lalo na kapag mas mataas ang nakuha niyang marka kaysa sa’yo o kaya magugulat ka na lang na dalawa na papel mo dahil pati pangalan mo nakopya niya.
4. Sleeping Beauty – Kapag klase, ang sarap ng tulog niya – nakanganga at humihilik pa. Dahil dito, pagtitripan siya ng klase sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato o pagpalakpak. At kung nadala sila ng kanilang pagiging bully, ipapalamuti pa nila ang lahat nng gamit mo maging ang rubber shoes sa selfie mo habang natutulog.
5. Pacman – Hindi siya yung boksingero pero siya yung taong kain nang kain sa klase. Maya’t maya siyang lumalamon o magpapaalam siyang pumunta sa cr pero sa canteen talaga siya pupunta. Minsan naman, mambuburaot siya sa iba. Pagkasubo mo pa lang ng pagkain mo, bigla siyang susulpot at makikikagat.
6. Abdul Jabar – Pangalan pa lang mabaho na. Siya yung tipo ng katabing bago ang damit, sapatos at iba pa pero kahit deodorant ‘di siya makabili. Pinapanligo niya na nga yung pabango niya pero sadyang ‘di ito sapat dahil amoy sinigang pa rin siya. Sa kabila nito, salamat sa kaniya dahil magigising ka sa amoy niya.
7. Wang-wang – Sa kalsada lang ata nawala ang mga wang-wang dahil hanggang ngayon patuloy pa rin siya sa pagdaldal. Gustong-gusto mong makinig pero sadyang hindi siya nauubusan ng kwento. Para siyang buhay na chatbox sa Facebook na mas masayang i-seenzone na lang.
8. Crush – Siyempre, siya ang pinaka-espesyal na makakatabi mo pero “so close yet so far” ang peg n’yo. Hindi mo alam kung paano mo siya makakausap kaya nagpapanggap kang hindi mo naiintindihan yung lesson para magpaturo sa kaniya. Pero ang masaklap kung ang crush niya ay ang isa pa niyang katabi sa kabilang upuan.
Sa huli, may ganitong ka ring klasmeyt sa college o kaya’y madagdagan pa ng iba. Kaya okay lang kahit nasiyahan ka man o nabuwisit sa kanila. Mas magandang masanay ka nang maaga. / ni Wonderful
Feature: Seatm8
Sa matagal na panahon ng pag-aaral dito sa UPIS, madaming klase ng estudyante ang iyong nakatabi sa bawat subject. Ang ilan dito ay maaaring kaibigan mo o kaya hindi mo pa talaga nakakausap. Ito ang walong uri ng kaklaseng maaari mong nakatabi na nakaapekto rin sa iyong pag-aaral.1. Kasunod na class number – Siya na ata ang pinakaunang kaklase mong makakatabi lalo na ‘pag first quarter o ‘pag di pa kayo kilala ng inyong guro. Sawang-sawa ka na siguro sa pagmumuka niya. Kung maaari mo lang talagang makipagpalitan ka ng apelyido sa iba mong kaklase, maiba lang ang class number mo’t hindi siya makatabi.

0 comments: