abril mayo,
Literary: Nakaraan
Sa lahat ng mga lalaking
Sa aki’y nakapagbigay ng tuwa’t lumbay,
Sa inyo na nagturo sa aking magmahal,
Ang tulang ito’y sa inyo ko iniaalay.
Sa iyo na una kong pag-ibig,
Salamat pagkat sa’yo ko unang nadama ang pag-ibig.
Salamat pagkat ang unang kasawia’y sayo ko nakamit,
Ito’y nang iwan mo ako nang di ko man lang alam kung bakit.
Sa karanasang iyon
Ako’y natuto.
Kay sarap magmahal.
Magtira lamang ng para sa sarili mo.
Sa iyo, muntikan kong pangalawang pag-ibig,
Ikinagalit ko man ang iyong kapangahasan,
Ngayo’y huwag kang mag-alala,
Pagkat napatawad na kita.
Salamat sa iyo,
Pagkat naging magkaibigan tayo.
Good luck na lang sa kolehiyo,
Alam kong magkikita pa tayo.
At sa iyo, ikatlong kay kulit kong pag-ibig,
Na noon ko pa inibig.
Pakatandaang anoman ang mangyari,
Dito sa puso ko, ikaw ay mananatili.
Sa lahat ng ating pinagdaaanan,
Sa kabila ng iyong katorpehan,
Hindi man talaga naging tayo,
Ako ay totoong napasaya mo.
Sa inyong tatlo, maraming salamat,
Dahil sa inyo ako’y may natutunan,
Na sa apat na sulok ng silid-aralan ay di makakamtan-
Masarap pa ring magmahal sa kabila ng hinanakit na naranasan.
Ang lahat ng sama ng loob
Ay akin nang isasantabi.
Kaya salamat sa inyo,
At hanggang sa muli.
0 comments: