12,

Literary: Writer's Block

4/10/2015 08:14:00 PM Media Center 0 Comments



Sadyang mahirap maging MC
Kailangang mabilis mag-isip
Kailangang magaling humabi
Nang agad maisulat ang naiisip

Kay raming gustong sabihin
Pero di naman maisulat anumang pilit
Siguro ‘yun nga ang maituturing
Na writer’s block

Gusto kong magsulat ng balita
Para di masyadong pag-iisipan
Wala na kasing creative juices
Ang dumadaloy sa aking katawan

Meron naman akong paksang naiisip
Pero ang pangit gamitin sa huling pub
Atheism, LGBT, lahat ang pangit
Wala pang koneksiyon sa #LoveMC – hindi swak

Mahina pa naman akong mag-Filipino
Mali-mali naman ang mga salitang napili ko.
Balu-baluktot pa ang pagkakabuo
Ng mga taludtod ng tula ko.

Wala nang masasabi’t tulala na sa hangin.
Ganoon yata talaga ang nagsusulat.
Minsang kay bilis ng dating ng mga ideya
Kung mamalasin nama’y wala ni isang letra.

Ganoon yata ang maging MC
Minsang blanko ang isip
Walang maisulat
Minsang nag-uumapaw ang utak
Kay raming kuwentong tumatatak.

Pero sa ngayon ang masasabi ko lang:
Ang hirap talaga pag may writer's block.

You Might Also Like

0 comments: