behind the scenes,
-----
Excited na excited kami para sa pub na ito dahil magaganda at hugot na hugot ang lits tungkol sa dagat at dalampasigan. Pati hashtag bet na bet. Meron pang bonus na ganitong panggulat teaser mula sa nag-iisang Lit Mermaid:
Pero sa kalagitnaan ng pub, nalunod sa kaba ang staff dahil biglang nag-announce na lalabas na ang results ng UPCAT. Ayun, dedma ang beauty ng mga article. Hanggang ngayon hinayang na hinayang kami sa pub day na ito.
15. Napatunayan na ninyong hindi kayo binibiro noong sinabihan kayo na #everythingisaboutMC. Para sa inyo pa nga, #MCisLife.
5, 10, 15... The MC 2015 Behind the Scenes
5 Katangian ng Taga-MC
1. Inuunang gumawa ng articles kaysa sa ibang requirements. – Macky Barrientos
2. Nakakakain ka at nakakapag-earphones sa 2:30 pm class mo ng Malaya. – Aina Ramolete
3. Ang notifs lang sa Facebook ay mga posts sa MC group. – Andrei Vertudes
4. Tumatawa na lang bigla dahil sa biglaang pag-alala sa mga usapan sa loob ng MC Room. – Don Oriel
5. Ma-Chika, May Concern, at Ma-curious (PINILIT HAHAHAHA) sa mga bagay-bagay. – Anna Punzalan
-----
10 Bagay na Kailangan sa MC
1. Hugot o inspirasyon dahil ito ang mga susi para sa magaganda at makabagbag-damdaming mga article. – Kathlyn Hebron, Katreena Nulud, Quiela Salazar, Arienne Baladad, Macky Barrientos
2. Sources… para sa balita, feature, at… sources para malaman mo kung sino ang mga nagsusubmit sa #MCPakisabi. – Anna Punzalan
3. Matinding time management skills dahil napakaraming ginagawa nang sabay-sabay. – Aemel de Leon
4. Focus at kasipagan dahil maraming kailangang tapusin at maiiwanan ka ng mga kasama kapag hindi mo sinimulan agad. Mahihirapan ka rin pag sunod-sunod na ang requirements mo dito. – Aina Ramolete, Julou Tirol
5. Patience dahil matagal maghintay sa taong nagsusulat ng lit. – Andrei Vertudes
6. Dedikasyon dahil hindi kayo gagraduate kapag di kayo lahat gumagawa. Hehehe. – Zita Pedragosa
7. Kape dahil kailangan mong manatiling gising para makagawa ng requirements. – Nicole Rabang
8. WiFi dahil… wala lang. Para fun! Haha. – Raine Abaya
9. Determination, wits, fighting spirit, at puso dahil mare-realize mo na kaya mong gumawa ng mga bagay na ikatutuwa ng mga tao sa paligid mo kapag nabasa nila iyon. Pero bago 'yon, 'wag mo namang kalimutang magdala ng bolpen at papel. Dami mo ngang dinadamdam, wala ka pa palang panulat. – Don Oriel
10. Kagitingan dahil balang araw haharapin mo ang iyong mga pagkukulang. – Uriel Sunga
-----
10 Matututunan o Malalaman sa MC
1. Iba talaga kapag kaya niyong mag-work together within the group. – Zita Pedragosa
2. Mag-multitask. – Macky Barrientos
3. Magtype nang mabilis pero may typo, maging organized, gumawa ng typogs, at magpub. – Arienne Baladad
4. Maging chismosa HAHAHAHAHAHA. Kailangan eh para may masulat HAHA. – Raine Abaya
5. Manahimik kapag chika time kasi… HAHAHAHAHA! Secret! :)) – Camille Lita
6. Hindi magandang mag-react kaagad sa sarili mong suggestion. #parakayMC – Katreena Nulud
7. Mag-dinner sa oras na pa-midnight snack na ang ibang tao. HAHAHA. – Anna Punzalan
8. Maging malungkot kahit masaya kasi mas madaling magsulat ng lit na malungkot. – Patricia Enriquez
9. Patuloy na pagtawa at ngiti kahit na ilang beses ka nang sinasampal nina Stress, Pressure, at Time. – Don Oriel
10. Paano maging panginoon ng crunchtime. – Aemel de Leon
10 Pub na Hindi Malilimutan
1. #ParaKayMC
Memorable ang paghahanda para sa pub na ito dahil wala nang maisip na hashtag pero na-inspire ang isang staff ng lit na Para Kay A. Habang tahimik ang lahat, bigla niyang naisigaw: “Para kay MC!” Hindi pa nakakareact ang iba, naidagdag niya, “Ay. Okay,” sabay tayo at lipat ng upuan. Kami’y natawa dahil initials yun ng crush niya.
2. #MCPakisabi
Nabuo ang publishing tradition na ito nang mapansin na mas marami na ang submissions kaysa sa naisulat ng staff. Ang hashtag ay inspired ng tulang Pakisabi na sinubmit ni Manuel at sinagot ng Sabi-sabi ni Feeling Natalie. Sa pamamagitan ng pub na ito, napatunayan naming malaki ang writing potential ng UPIS students at nalaman naming marami silang feelings.
3. #MCAnniversary
Hinanap at pinakiusapan ang mga dating MC staff na magsulat at mag-submit para sa pub na ito. Special ito dahil bukod sa nagsilbi itong reunion, isa rin itong pagpapatunay na once you’ve been part of MC, you will always be a part of it.
4. #MC1Month
Isang buwan na lang ang natitira bago ipasa ng MC1 2015 ang kanilang mga responsibilidad sa MC2. Ready na lahat ng typogs para sa pub at handa na rin silang magpromote pero… nang magsisimula na, naku, nawawala ang banner article! Hindi malaman kung na kanino. Sinubukang isulat ulit ngunit hindi na umabot. Dahil doon, hinding-hindi malilimutan ng MC1 ang tanging pub na naunsyami ngayong taon. Dagdag pa rito ang pagharap nila sa mga naiinis na adviser.
5. #MCGeneration
Memorable para sa MC1 ang pub na ito dahil nang maupo si Don Oriel bilang Di MaAninag Online EIC, two weeks yata silang walang ginawa kundi mantrip, manlaglag, at humalakhak. Muntik pang magkabatuhan ng upuan at magbangayan dahil dito. Ang #MCGeneration ay inspired ng teaser na ito:
Kilala rin ang pub na ito bilang #MCNaNulud dahil noong mga panahong kailangang-kailangan ang pagiging ME ni Katreena Nulud, nasa Japan siya. Sa MC, kapag absent ka maghanda ka na dahil ikaw ang topic at biktima ng chikahan. Kaya bihira ang absent takot silang mapag-usapan.
6. #UndertheMC
Pero sa kalagitnaan ng pub, nalunod sa kaba ang staff dahil biglang nag-announce na lalabas na ang results ng UPCAT. Ayun, dedma ang beauty ng mga article. Hanggang ngayon hinayang na hinayang kami sa pub day na ito.
7. #MCPaps
Ito na ang pinakapopular na edisyon ng Di MaAninag Online. Sa pamumuno (at pagsasakripisyo) ni EIC Macky Barrientos, napahalakhak at napuno ng good vibes ang UPIS online community. Dahil sa pagkahulog ni Bochog, sa kapogian ni Carlo, sa mga deboto ni Jama, at sa mga reklamo ni Sinigang na Adobo, umani ito ng halos 2000 hits in 2 days. Nilampasan ang lahat ng pub day simula nang mag-online ang Ang Aninag.
8. #MCSagutan
Medyo matagal pinag-isipan ng MC2 2015 kung ano ang publishing tradition na kanilang iiwanan. At dahil nauuso at pumapatok ang sagutan lits, naisip ni Ma’am Cathy magbunutan ang staff at magreply sa lit na isusulat ng partner nila. Wala nga namang thrill masyado kaya sabi ng MC2, submissions ang sasagutin nila. Hindi nila alam kung sino ang nagsulat ng nireplyan nila pero hindi sila makatiis kaya hinanap at pinagtanong pa rin nila. Umabot pa sila sa puntong nakikipag-bargain na sila ng ibang chismis kapalit ng name ng writer.
9. #MC365
Wala pang kalahati ng sem, naisip na ang theme na “time” at nakapagsulat na rin ng articles para dito. Ngunit hanggang sa araw ng pub, wala pa ring maisip na hashtag. Ilan sa mga suggestions ang MClock, MCentury, MCconds, MCgundo, at MCcondToTheLast hanggang sa nauwi sa #MC365. Lahat ng title ng lits para dito ay may kinalaman sa oras at halos lahat ay malungkot o sawi ang nilalaman.
10. #LoveMC
Wala na sigurong mas espesyal pa sa pub na ito dahil ito ang huling pub bago mailipat sa K-12 program ang MC. Maaaring isa’t kalahating taon pa bago muling buksan ang Ang Aninag Online kaya sinulit na ng mga staff, writers, contributors, at readers. Naramdaman namin sa dalawang pub night na ito how much we all #LoveMC.
-----
15 Palatandaan na ikaw ay taga-MC2015
1. Unang meeting pa lang nagplano na kayo ng design ng ID at t-shirt. Maganda! MC na MC talaga. Kakaiba. Naka-print ang pen name tapos may illustration ng camera, papel, ballpen at iba pang madalas gamitin sa MC. Sosyal pa ang kulay—teal. Pero… nangalahati na ang sem… hanggang natapos na ang sem… tapos na rin ang taon… wala. Wala pa rin kayong ID at t-shirt.
2. Isa sa mga unang ipinagawa sa inyo ay brainstorming ng CW project. Sige lang plano lang. Kahit ano pupuwede. Kahit nga “joke time” lang ang konsepto, tinanggap. Kayo naman ang mahihirapan eh. Pero sa CW niyo napatotohanan na may success story sa joke dahil kahit isang linggo niyong pinagtripan ang mga pangalan at pangyayari, mauuwi pa rin naman sa relatable na kwento ng mga interesting na characters kagaya ng mayabang at wrong-gramming lord na si Kevin, grammar nazi na si Jia, genius mama’s boy na si Matty, at arte girl Math whiz na si CohCoh.
3. Mula nang magkaroon ng Ang Aninag Online, kayo pa lang ang MC na naka-survive ng walang maayos na computer at walang laptop ang Art Director. Kering-keri niyong i-manual labor ang pub days!
4. Kayo ang nagsimula ng mga pub day na may hashtag at theme. May mga pub kayong nakaabot ng 2800+ hits at marami rin kayong pub na umabot ng 1,000+. Ganoon siguro talaga pag spammer ang mga EIC at hindi nahihiyang magpost sa lahat ng group (kahit yung mga nabaon na sa limot at napaglumaan na ng panahon) sa Facebook.
5. Sa inyo ang unang beses na online ang mga EIC sa first pub days ng sem. Konti lang ang pub days na na-cram n’yo. Mga dalawang beses lang kayo nag-apologize para sa di natuloy na pub day—noon lang nakawala kayo ng mahalagang article na naging dahilan kaya nadismaya ang pub. Hindi lang isang beses napaaga ang pub day. Pero hindi niyo pa rin na-break ang sumpa ng MC—third quarter na, wala pang grade, at summer na, pumapasok pa!
6. Pagbukas ng mga bag ninyo, nag-uumapaw sa papel. May yellow paper, intermediate paper, scratch paper, at kung ano-ano pang klaseng papel. Sa mga papel na ‘yon nakasulat ang mga article na hindi pa ninyo tapos isulat, hindi ninyo tapos iedit, o tapos na ninyo isulat o iedit pero di n’yo pa ipinapasa. Kung minsan, nasulat at na-edit na pero di naman approved for publishing. Ang saklap!
7. Lumuhod at nagmakaawa kayo kay Ma’am Wena para kumanta siya ng TL Ako Sa’yo. Uwing-uwi na kayong lahat, masakit na ang tuhod niyo pero hindi kayo tumayo hangga’t di niya pinipirmahan ang inihanda ninyong kontrata. Nagdala pa kayo ng Magic Sing noong last day. Pero di pa rin siya kumanta. Hehe.
8. Nanghuhula kayo kung sino ang writers na nagsusubmit ng articles. Minsan, pati kung sino at ano ang hugot, hinuhulaan niyo rin. Nanghihingi kayo ng clues, nag-oobserve, nag-iinterview, at nagreresearch. Nakikipagtawaran at pilitan pero hindi niyo pa rin matalo si Ma’am Cathy sa hulaan. Kasi alam niya lahat ng tungkol sa life n’yo. Akala n’yo lang hindi. Pero oo. :)
9. Bumuo kayo ng literary OTPs. Sinuwerte kayong makahanap ng writers na may “literary chemistry” (Atordido, 2015). Kinilig kayo sa mga tambalang Uni Pin 0.5 x Needle Pin, Faber Castell 0.7 x Battlefield, Ms. Takes x Altostratus, at Saviour of the Broken x Pandaz dahil bagay sila sa lit, minsan pati na rin sa totoong buhay.
10. Magkukwentuhan muna kayo tungkol sa kung ano-ano, maglalaro ng CoC o NBA, kakain, mag-eedit ng thesis, tatapusin ang financial report sa PA… basta gagawa muna kayo ng ibang bagay bago kayo magtatrabaho para sa MC kaya imbis na hanggang 5pm lang, uuwi ng 6pm, at magtatrabaho pa hanggang hatinggabi.
11. Naranasan mo nang hindi matulog dahil wala ka pang approved article ni isa (dito nakasalalay ang grades mo). Naging best friend mo ang kapeng barako dahil may publishing kinabukasan at kailangan mong gumawa ng sandamamak na typogs, sasabay pa ang pag layout ng Aninag, at dadagdag pa ang Sulyap.
12. Nagka-LQ kayo ng boyfriend/girlfriend (pseudo man o totoo) mo dahil naubos na ang oras mo sa MC. Pati siya damay sa late na pag-uwi. Minsan pa, tawag na siya ng tawag sa’yo dahil wala ka nang kailangan ka niya. (Pero di siya dapat magalit kasi minsan pag focused na focused ka sa work, sinisigawan ka na ng mga kasama mo, navideohan ka na, di mo pa nahahalata. Anywaaay...) Nasaan ka? Hayun, nakaupo sa harap ng mahiwagang MC computer at nagkakandabulag sa pag-eedit ng mga class pic mula kinder hanggang hayskul. At dahil gahol ka na sa oras, ang tangi mo na lang magagawa ay magmakaawang “huwag mo na akong awayin ngayon plis… marami pa akong gagawin para sa MC.” Pero napatunayan mo rin na talagang mahal ka niya kasi hinihintay at pinapatawad ka pa rin niya. Yihee.
13. Kakaiba ang mga #MCParty niyo. May parlor games at karaoke. Meron ring guests na hindi former MC staff na inimbita ang kanilang mga sarili kaya nagpadala sila ng sampung 1.5 na drinks with matching cooler pa at nagbahagi ng maraming kwento ng kanilang kasawian.
14. Nakakapit kayo ng mahigpit at nagdadasal kayo ng taimtim kasi thirty minutes before approval of graduating students, nasa listahan pa rin kayo ng pending dahil wala pa ang draft ng printed Aninag. Nakahinga kayo ng maluwag, nag-cheer kayo nang malakas, at di maubos ang pasasalamat niyo sa lahat ng itinuturing niyong diyos at diyosa nang humahangos na dumating ang inyong Art Director para ipasa na ang kopya.
0 comments: