battlefield,

Literary (Submission): Alaala

4/13/2015 08:45:00 PM Media Center 0 Comments


Alaala, isang salitang makahulugan
Para sa ating pagkakaibigan
Alaala, mga panahong masarap balikan
Mga sandaling di malilimutan


Sa bawat pagkakataong nagkasama,
Lahat ng sandali'y naging mahalaga
Araw-araw tayo'y magkasama
Nagkukulitan saan man mapunta.


Dala mo ang gamit ko sa umaga
Palusot mo pa'y nagwoworkout ka!
Dala mo na yata ang iyong buong bahay
Kaya't di ko matiis na alalayan ka.


Ipagtatanggol mo ako sa mga kalaban,
At kahit mahirap, handa kang masaktan.
Ika'y iingatan sa abot ng makakaya,
Di baleng masaktan, basta't ika'y maprotektahan.


At alam kong napapagod ka rin
Pero lahat yata'y handa mong tiisin
Anumang hirap ay kakayanin,
Walang bagay na hindi kayang gawin.


Masuwerte akong kaibigan kita,
Gayong minsa'y di matiyak itong nadarama.
Lagi kang laman ng isip ko,
Kapag lumalapit ka’y bumibilis, tibok ng puso ko.


Nakuha pa tuloy ng ibang tuksuhin tayo
Sabi kasi nila gusto mo raw ako.
Panunukso nila'y tila nagkakatotoo
Ngunit tanggap kong hanggang magkaibigan lang tayo.


At hindi ito pwedeng paniwalaan,
Pagkat malayong-malayo sa katotohanan.
Ngunit kahit anong gawin ko ay di mapigilan,
Maging ang isip at puso'y naguguluhan.


At kung tunay nga, anong gagawin?
Tatahimik? Paghihintayin?
Pagkakatao'y papalagpasin na lang ba?
Ni hindi man lang susubuking masabi ang tunay na nadarama...


Kahit madalas magulo dahil parang totoo,
Sa mga alaala ko'y walang papalit sa'yo.
Basta't lagi mong tatandaan na nandito lang ako,
Na nakaabang lagi kung kailangan mo.


Mga alaalang tunay na kay sarap balik-balikan
Patunay ng ating pagkakaibigan,
Tuluyan nga lamang bang malilimutan?
At itatago magpakailanman?

You Might Also Like

0 comments: