Showing posts with label StarBiscuit. Show all posts

Literay: Kodak's Eye





Lenses

all I want is to see,
every fascinating view
that God created
for us humans
to adore and cherish

obtaining the power of lenses,
a mortal’s sight
and optics of a camera
granted me an ability
to gaze at scenes and even
pause the moment

sharing the same purpose
both lenses did travel
across the globe
thirsting for
never-ending beauty

Camera
as it encounters nature

the shutter snaps,
how the tsunami
flooded the entire city
with fear and corpses

throughout the sky
a panoramic view of
the charm showcased by
Aurora Borealis,
makes the lens dazed

Sight    
humanity’s success
is also witnessed

out in the vast cosmos,
a black hole imitating
the human eye
was captured

calming city lights
gleam as I look
outside the window
of a plane

bombs are thrown
and guns fire tears
the flesh of the innocent,
as if peace is thrown to oblivion

Vision

all I want is to see
the fascinating views
that God created

all I want is to see
the fascinating views

all I want is to see

Gift

What he wants us is to see

What he wants us is to see
the chaos and the beauty


Literary: Sa araw ng iyong pagkawala




Noong araw na ikaw ay nawala 
Ang lahat ng bagay at alaala na iyong iniwan 
Ay aking ikinahon, at ibinalot nang marahan 
Habang binabalikan ang ating masasayang kuwento 

Matapos ang matagal na pagbabalot 
Itinabi ko ang kahon sa sulok ng bahay 
Siniguradong ligtas ito sa kinalalagyan 
Sa pagbabakasakali na ako’y iyong babalikan

Lumipas ang ilang buwan 
Ang tagal ko nang nagpaikot-ikot
Mahanap lamang kita 
Ngunit ni anino mo’y ‘di ko nasilayan 

Naalikabukan na ang kahon
Agad na nilinis at tiningnan kung ito’y maayos pa 
Sa aking pagbukas, ako’y namangha 
Tila walang pagbabago, kaaya-aya pa rin ang mga ito

Isang taon na rin pala mula noong itinabi ko ito
Hindi ko alam kung dapat ko na ba itong itapon
O kung hihintayin ko pa na bumalik ka 
Para balikan ang mga iniwan mo

Ayos lamang kung ika’y matagalan, basta’t magsabi ka lang
Handa naman akong tanggapin kang muli 
Umuwi ka na sa akin 
Dahil tahanan ay lugar na lamang para sa akin

Literary: Kahulugan ng Kinabukasang Umuulit Lamang



Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?
Araw-araw na lamang
Paulit-ulit ang lahat
Paikot-ikot ang mga pangyayari

Araw-araw, pare-pareho
Araw-araw, walang usad
Araw-araw, kailan kaya ito magbabago?
Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?

Paulit-ulit, ang paggising nang maaga
Paulit-ulit, kinakailangan pumasok para sa kinabukasan
Paulit-ulit, kailan kaya ito mapapalitan?
Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?

Paikot-ikot, para tayong mga gulong
Paikot-ikot, iisa ang nangyayari sa bawat araw
Paikot-ikot, kailan at saan kaya ito hihinto?
Matatapos pa kaya ang lahat ng ito?

Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?
Araw-araw ay may bagong simula
Unti-unti nating naabot ang ating mga pangarap
Mga bagong pagkakataong hindi masasayang

Araw-araw, nabubuo ang mga masasayang alaala
Araw-araw, may bagong oportunidad
Araw-araw, ngayon ka pa ba magsasawa?
Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?

Unti-unti tayong natututo
Unti-unti tayong lumalakas
Unti-unti, aatras ka pa ba?
Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?

Mga bagong pag-asang nagniningas
Mga bagong pagsasamang tumatatag
Mga bagong nabubuong pagmamahalan ngunit hinihintay mo pa rin ang katapusan?
Hihintayin mo na lang ba ang dulo, kung kailan huli na ang lahat?

Literary: Tulay



 Musmos pa lamang ako,
walang kamuwang-muwang sa mga bagay,
inihanda na ang tulay ng aking buhay.
Sinigurado ng aking magulang na ito’y matibay at matatag,
na ang tangi kong gagawin ay tumawid na lamang

Sa una’y masaya akong naglalakbay,
ngunit nang lumipas ang panahon,
unti-unti kong nakikilala ang aking sarili,
at unti-unti kong natuklasan,

na ang tulay na ito ay hindi para sa akin.

Nakapanghihinayang kung iisipin
lahat ng paghihirap ko
at lalo na ang magulang ko
ay para lamang sa wala,
kung babalik simula.

Ngunit bakit pa ako magpapatuloy kung hindi naman ito ang aking ikaliligaya?

Nagtatalo ang aking puso at isipan,
dapat ba akong manatili sa tulay na may kasiguraduhan?
O matutong sumugal para sa tunay kong kagustuhan?

Masaya ang lahat sa simula ng paglalakbay
Pero magiging masaya ba sa katapusan nito?
Maganda at nakahanda na ang tulay
Pero ito nga ba ang daan na magpapasaya sa'yo?

Sa paglipas ng panahon ay hindi maiiwasan
Tayo ay magkaroon ng mga bagong interes
Magbabago at magbabago ang ihip ng hangin
Magkakaroon tayo ng mga bagong pangarap

Sa mga bagong pangarap na ito
Handa akong isakripisyo ang aking hinaharap
Handa akong kalimutan ang nakaraan
Hangad sana ay tunay na kaligayan

Hinding-hindi manghihinayang
Hinding-hindi matatakot bumalik sa umpisa
Hinding-hindi na mag-aalinlangan pa
Ako’y matututong sumugal
Makamit nang tunay, pangarap na inaasam

Literary: Silid ng malulungkot na salita




Lumilipad-lipad lamang ang mga salitang malulungkot
Nagtatago sa mga pader ng mga linyang kailanman ay hindi magtutugma
Sa loob ng madilim na kwarto na puno ng nakapanlulumong salita
Ako'y matagal nang nanatili

Dahan-dahan, unti-unti
Kahit na nanginginig pa ang mga sugatan kong binti
Humahakbang palabas ng silid
Ginabayan ng nakabibighani mong ngiti

Ang daming masasayang salita
Na lumilipad-lipad lang sa paligid
Dumadapo sa aking balikat
Ang sarap palang magmahal

Mga mala-bahagharing pangako
Mga huni ng matatamis na salita
Mabubulaklak na mga pangarap
At ang pakiramdam na nasa itaas ng ulap

Ngunit biglaan na lamang
Umulan ng iyong pagpapasubali
Bumaha ng pagdududa
'Yung mga dating totoo ay unti-unting naging kasinungalingan

'Yung mga dahan-dahan ay naging biglaan
Bumilis na ang dating marahan
Natakpan na ng maiitim na ulap ang mga bahaghari
At pinunit ng kawalan ng iyong pakialam

Nawala na ang lumilipad-lipad na masasayang salita
Napalitan ito ng mga bulong ng malamig na hangin,
Biglaang nagdilim ang paligid
Salamat sa paghatid mo sa akin pabalik
Sa silid ng malulungkot na mga salita.