filipino,
Literary: Sa araw ng iyong pagkawala
Noong araw na ikaw ay nawala
Ang lahat ng bagay at alaala na iyong iniwan
Ay aking ikinahon, at ibinalot nang marahan
Habang binabalikan ang ating masasayang kuwento
Matapos ang matagal na pagbabalot
Itinabi ko ang kahon sa sulok ng bahay
Siniguradong ligtas ito sa kinalalagyan
Sa pagbabakasakali na ako’y iyong babalikan
Lumipas ang ilang buwan
Ang tagal ko nang nagpaikot-ikot
Mahanap lamang kita
Ngunit ni anino mo’y ‘di ko nasilayan
Naalikabukan na ang kahon
Agad na nilinis at tiningnan kung ito’y maayos pa
Sa aking pagbukas, ako’y namangha
Tila walang pagbabago, kaaya-aya pa rin ang mga ito
Isang taon na rin pala mula noong itinabi ko ito
Hindi ko alam kung dapat ko na ba itong itapon
O kung hihintayin ko pa na bumalik ka
Para balikan ang mga iniwan mo
Ayos lamang kung ika’y matagalan, basta’t magsabi ka lang
Handa naman akong tanggapin kang muli
Umuwi ka na sa akin
Dahil tahanan ay lugar na lamang para sa akin
0 comments: