filipino,

Literary: Inuuwian

1/22/2021 07:04:00 PM Media Center 0 Comments





Palagi nating nakakasama
Ate, Kuya, Bunso, Mama, Papa
Pati na rin sina Lolo at Lola
Huwag ding kalilimutan sina Tito at Tita
Magkakasama sa lungkot at ligaya
Ehemplo ang bawat isa

Palaging inuuwian,
pinagsisilbihan,
minamahal,
at pinagkakatiwalaan

Ilaw ng tahanan
Mama, Mommy, Nanay, Inay
Nagpapaliwanag sa ating buhay
Lagi sa ati’y gumagabay

Haligi ng tahanan
Papa, Daddy, Tatay, Itay
Makakapitan sa anomang problema
Poprotektahan tayo kailanman

Kuya, Ate, Bunso
Kasama natin sa kakulitan
Hinding-hindi tayo pababayaan
Maaasahan natin kahit kailan

Lolo at Lola
Pinakamatanda sa pamilya
Gumagabay sa apo pati na rin kina Mama at Papa
Aalagaan tayo sa abot ng kanilang makakaya

Tito at Tita
Minsa’y takbuhan kapag napapagalitan
Maaasahan natin kahit saan
Iba ring magpakita ng pagmamahal

Hindi lang sila ang ating inuuwian
Pati na rin ang aso’t pusa sa tahanan
Stress reliever kumbaga
Pero para sa iba’y parte sila ng pamilya

Sila ang ating inuuwian
Mamahalin tayo nang labis
Hinding-hindi tayo iiwan
Kaya naman sa aking puso
Mananatili sila, magpakailanman


You Might Also Like

0 comments: