filipino,
Inspired by true events
Maliit na tahanan,
Saksi sa buhay at samahan
Ng pamilyang nanirahan
Buhay nila’y batbat ng kahirapan
Ngunit pitong mga bata ay puno ng kasiyahan,
Dalawang magulang ibinigay ang buong kakayahan,
Maibigay lamang kanilang pangangailangan,
Makaraos mula sa kahirapan
Maliit na tahanan
Gawa man sa kawayan,
Sa pagbuhos ng mga bagyo’t ulan,
Nanatiling matatag mula sa kinatatayuan,
Pamilyang naniraha’y sa pagsubok din ay dumaan
Sila’y kinutya’t pinagtawanan
Ng mga taong nakapaligid
Tila raw ba’y hindi na nila maaabot ang kinabukasan
Maliit na tahanan,
Puno ng pag-aalinlangan,
Paano matutustusan ang pagpasok sa paaralan?
Ano pa ang maaaring kabuhayan?
Anong sakripisyo pa ang kailangan?
Maliit na tahanan,
Muntik mawalan ng kulay
Pamilya’y halos mawalan ng pag-asa sa buhay
Dumanas ng lungkot at lumbay
Ngunit dahil sa matatag na haliging Tatay
At maliwanag na ilaw ng Nanay
Sama-sama nilang hinarap nang hawak-kamay
Ang daang tungo sa buhay na matiwasay
Maliit na tahanan,
Ngayo’y nabibingi sa katahimikan
Pitong bata’y may sari-sarili nang sambahayan
Sa malalayong dako naninirahan
Matagumpay sa kani-kaniyang paraan
Maliit na tahanan,
Nasaksihan ang kuwento ng nakaraan,
Alalahanin at muli itong babalikan,
Ngingitian, pasasalamatan
Nang may kaginhawaan
Naging kasangkapan
Sa pagbuo ng matibay na samahan
At pag-ibig na magtatagal magpakailanman
Literary: Balay

0 comments: