filipino,

Literary: 0001151292136

1/22/2021 08:46:00 PM Media Center 0 Comments





Sa tahanan namin may apat na kwarto 

Unang kwarto

Dito lagi ang punta namin tuwing umaga
Tipong kagagaling lang sa tulog, dito agad ang aming destinasyon
Dito madalas tahimik kasi:
Dito kami gumagawa ng mga trabaho
Dito kami naghahabol ng deadline
Dito makikita ang mga tao na laging nakatitig sa kani-kaniyang device na hawak
Pero minsan maingay rin dito
Siyempre kailangan din naming magpahinga sa mga ginagawa kahit saglit
Ang iba tulog ang pambawi ng enerhiya
Masarap din kasing matulog dito, may aircon
Minsan may maririnig kang kumakanta
May makikita kang sumayaw sa isang tabi
Minsan mabibigla ka na lang dahil may sumigaw
At ito pa, minsan may maaamoy ka
'Yun pala may kumakain sa loob kahit bawal

Pangalawang kwarto

Dito, madalas kasama namin ang mga tao sa katabing tahanan
Dito, kahit ano, maaari naming gawin
Pwedeng makipagdaldalan sa mga tao
Pagsaluhan ang mga pagkain na meron kami
Kumustahin ang mga tao sa kanilang ginagawa
Makipaglaro sa kanila
Sumigaw kahit trip lang
Kahit tumawa o umiyak ka nang napakalakas ay okay lang
At lalong-lalo na dito lang dapat kami kumakain 

Pangatlong kwarto

Dito masarap gumawa ng trabaho o mag-aral
Kung hindi namin trip gumawa sa unang kwarto o sa pang-apat na kwarto
Dito ang diretso namin
Para maiba ang vibes ng lugar
Dahil may aircon din dito
masarap matulog
Pero iniiwasan iyon dahil may kailangang tapusin
Dito bawal ang mag-ingay
Pagagalitan ka
May pagkakataon nga na muntikan pa kaming palabasin sa ingay namin
Dito may mga nagpupuslit ng pagkain kahit bawal

Pang-apat na kwarto

Dito kami nakikinig ng lecture ng mga guro
Dito, parang sa unang kwarto lang
May nag-iingay, may pokus sa pakikinig sa guro
May natutulog, may hindi nakikinig
At syempre hindi mawawala ang taong kumakain
Hilig talaga naming kumain
Ang kaibahan lang ay
Hindi namin hawak ang aming mga device dito
Papel at bolpen o lapis ang aming hawak
At walang aircon dito, electric fan lang

Lilipat man kami ng tahanan
Mananatili sa amin ang mga alaalang nabuo
Hinding-hindi namin malilimutan itong mga kwartong ito
Dito namin binuo ang pamilya
Dito namin kinilala ang aming mga sarili
Dito kami lumaki
Hanggang sa aking pagbalik. Paalam.


You Might Also Like

0 comments: