filipino,

Lingap Isko 2020, isinulong

1/22/2021 12:00:00 PM Media Center 0 Comments



Lingap Isko 2020
. Larawang inilabas ng University of the Philippines Integrated School sa kanilang Facebook page. Photo credit: Gng. Anne Isabel Yniego at Gng. Gil Alonzo.

Nasubok muli ang bayanihan ng mga Isko nang nanalasa ang bagyong Ulysses.

Inilunsad ng UPIS ang isang donation drive na pinamagatang “Lingap Isko 2020” noong Nobyembre 13, 2020. Layunin nitong mag-abot ng tulong sa mga kasamahan o miyembro ng UPIS Community na lubhang naapektuhan ng bagyo. 

Sa pag-uugnayan ng Parent-Teacher Association (PTA) Board at UPIS Administration, sinikap na alamin kung sino-sino ang pamilyang naapektuhan, at pagkaraan ay lumikom ng mga tulong na donasyon.

Kabilang sa mga natanggap na in-kind donations ang mga pagkain, supplies, at tulong-pinansiyal na nagkakahalagang Php 178,585.00. Bukod pa rito ang cash donation mula sa PTA 2020-2021. Nakalap ang mga ito hanggang Nobyembre 23 na inilaan para sa bawat pamilyang naapektuhan ng bagyo. 

Ang paunang tulong-pinansiyal mula sa PTA ay naipadala na noong Nobyembre 16. Kasunod nito, naipamahagi rin noong Nobyembre 23 at 24 ang in-kind donations at cash donations sa 29 na pamilya ng mga mag-aaral, guro, staff, at custodians. 

Pagkatapos maipamahagi ang mga donasyon ay nakatanggap muli ang Lingap Isko ng karagdagang cash donation na nagkakahalagang Php 24,000.00 mula sa isang donor at sa Project Ngiti, isang proyektong pinangunahan ng ilang mag-aaral ng UP High School. Gagamitin ang halagang ito para sa mga donation drive na gaganapin sa hinaharap. 

“Lubos ang pasasalamat ng UPIS sa mga mag-aaral, mga magulang, guro, at kawani para sa lahat ng uri ng tulong sa proyekto. Taos-pusong pasasalamat din sa UPIS PTA 2020-2021, sa pangunguna nina Mrs. Anne Mapa [Pangulo ng PTA Board] at Mrs. Charo Abogado [ingat-yaman ng PTA Board.] Ang naging tugon ng UPIS Community sa proyekto ay patunay na kahit tayo ay nasa gitna ng isang pandemya, buhay na buhay ang diwa ng paglingap para sa ating mga kasama hindi lamang sa UPIS, kundi sa lahat ng nangangailangan,” saad ni Prop. Diana G. Caluag, Katuwang na Prinsipal Pang-akademiko ng paaralan. //ni Rochelle Gandeza 

You Might Also Like

0 comments: