Showing posts with label emrys. Show all posts

Literary (Submission): The End




There was once a family.

They came as told to carry out the plan,
One by one with whatever they can.
So, they looked and watched and judged every man,
And there, it began.

The first was the brother.

All things he wanted to devour.
He gnawed and chewed and ate them by the hour,
their head, their skin, their guts all together,
Until all that was left was hunger.

The next was the sister.

Unlike him, she was so generous,
She gave rats and insects and all that was poisonous.
They crept and crawled and made you very nauseous,
Spreading sickness that was all so murderous.

The third was the father.

He made everyone so angry.
He made them stab and cut and kill their whole family,
Made them shoot and bomb and burn every country.
Violence prevailed and no one cared who was the enemy.

The last was the mother.

She was so loving, she wanted to save all from suffering.
So, she took them and tucked them in, so they’d always be sleeping,
Even buried them beneath for her own safekeeping,
And there was peace, and the silence was never-ending.

Now, once again, the world has fallen,
We’ll no longer be forgiven,
For we are already forsaken,
And they will meet us again,

These Four Horsemen of Death.

Literary: San Ka Ba Nagpunta x Nandito Lang Ako






Saan Ka Ba Nagpunta?

Nasaan ka na ba?
Kanina pa ako dito nag-aalala
Inaalala kung nasaktan ka ba.
O kung okay ka lang ba talaga.

Mula pagpasok sa paaralan,
Inaabangan ang ‘yong pagdaan.
Hinihintay kita sa dating tambayan
Pero wala ka pa rin hanggang uwian.

Di ko alam kung mayroon ba akong nagawa.
Kulang ba ako sa pag-unawa ?
O ika’y nagsasawa
Bigla ka na lang kasing nawala.

Kung alam mo lang, ang dami kong gustong sabihin.
Di ko na nga alam kung anong uunahin.
Hihingi ba ako sayo ng paumanhin,
O dapat na ba akong magpaalam sa pagkakaibigan natin?

Wala na kasi yung kaibigan kong palangiti
Yung kabisado ang aking mga kiliti.
Na nagpapasaya sa amin lagi-lagi
Miss na kita, nasaan ka na ba kasi?

Wala na ‘yung 5 taon kong kasama sa tawanan
Yung 5 taon kong dinamayan at pinakinggan,
Yung 5 taon kong sinuportahan at sinamahan,
5 taon, di yun madaling kalimutan.

Ikaw na hinangaan ko sa paglalaro,
Ikaw na naging inspirasyon ko sa aking pagkatuto,
Ikaw na nangakong walang iwanan hanggang dulo,
Oo, ikaw nga ang tinutukoy ko.

Alam kong may pinagdadaanan kang mabigat.
Sinubukan ko rin naman ang lahat,
Para pagalingin ang ‘yong mga sugat.
Pero pasensya ka na, di pa pala ako sapat.

Siguro nga di na kita makikitang muli.
Kaya eto, magpapasalamat na lang nang malaki.
Gusto kong malaman mo na kailanma’y di ako nagsisi,
Kaibigan pa rin kita hanggang sa huli.

Nandito lang ako

Nandito lang ako,
Kanina pa nakatingin sa kinaroroonan mo.
Wag kang mag-alala, ayos pa naman ang kalagayan ko
Maliban nga lang dito sa puso’t isip ko.

Kanina pa kitang umaga iniiwasan
Pinilit kong layuan, lubayan at iwasan
Lahat ng lugar na ating laging pinupuntahan,
Lalo na sa dati nating tambayan.

Alam ko namang ika’y nakararamdam.
Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit hindi mo alam.
Pinupuno mo ang isipan ko ng mga agam-agam.
Manhid ka ba o talagang wala ka lang saking pakialam?

Ngunit gayon pa man, nais kong humingi sa’yo ng paumanhin
Sapagkat naubusan na ako ng mga salitang babanggitin
at mga katagang gustuhin ko mang sambitin
Ay hindi na kayang bitawan nitong aking damdamin.
Pasensya ka na,
Napakahirap kasing magpasaya ng iba
Kung alam mong sa loob loob mo’y wala ka nang ibibigay pa
Dahil wasak na wasak ka na.

5 taon din akong nasaktan.
5 taon din akong umasa sa imposibleng mangyari kailanman.
5 taon din akong nagmahal nang hindi nasusuklian.
5 taon, napakahirap noong kalimutan .

Ikaw na tinanggap ako ng buong-buo,
Ikaw na sinamahan ako sa tuwa’t lungkot,
Ikaw na nangakong walang iwanan hanggang dulo,
Oo, ikaw nga kaibigan ang tinutukoy ko.

Ngunit nakakatawang isipin na kahit na ikaw ang dahilan nitong aking sugat sa puso,
Ikaw lang din ang tanging makakalunas nito.
Kung sinuklian mo lamang ang pagmamahal ko,
Sana’y matagal na akong muling nabuo.

Siguro nga’y kailangan ko nang sumuko
Dapat ko nang tanggapin na tayo’y hindi itinadhana at tangi lamang pinagtagpo
Aking susubukang tanggapin nang buo,
Na hanggang kaibigan lamang talaga ako hanggang dulo.

Literary (Submission): Masokista






Ako ang taong walang karapatan
Walang karapatang humiling
Walang karapatang magmahal
At walang karapatang masaktan

Humiling man akong maging masaya
May malulungkot namang iba
Hindi ako pwedeng lumigaya
Hangga’t lahat sila ay may problema

Humiling man ako ng kaunting oras mo
May iba namang mawawalan
Kahit pagbigyan mo pa ako
Ako pa rin ang matatalo

Humiling man sa ‘yo na ako’y pansinin
Wala namang magbabago sa pagtingin
Dapat ko na lang tanggapin
Na hindi kailanman mamahalin

Humiling man ako na makalimot
Ako lamang din ang malulungkot
Sayang lang ang pinagsamahan
Kung ibabaon lang din sa limot

Ano pa nga ba’ng magagawa ko?
Wala ka namang kasalanan dito
Ako lang naman itong nagpapakaloko
Sinasaktan ko lang ang sarili ko

Kaya wala na akong pake
Kung hihiling man ako o hindi
Dahil masasaktan lang din naman sa huli
Pero kahit ganito, hindi ako nagsisisi

Masaya na akong masaktan
Huwag ka lang mahirapan
At masaya na akong masaktan
Basta’t masaya ka lamang

Literary (Submission): Walang Kalalagyan


Hindi ko alam kung marunong pa ba ako
Di na kasi ako gumagawa ng tula tungkol sa kahit ano,
Pero eto, susubukan ko ngayong bumuo,
Nagbabakasakaling matapos ko ang isang ‘to.

Unahin na natin ang pamagat.
Pamagat na dapat batid ng lahat.
Lahat ng mga dapat kong ipagtapat,
“Ipagtapat” nga ba ang nararapat?

Hindi ko alam kung aabot ng ilang saknong,
Kung uunahin ko ba ang aking mga tanong,
O kung dederetsuhin ko na nang pabulong,
Pero paano? Hindi talaga ako marunong.

Nahihirapan akong maghanap ng salitang tutugma,
Kung mahal nga ba o basta mahalaga,
Mga salitang malaki ang pinagkaiba,
Pero sa totoo lang, kahit ano nama’y balewala.

Kasi kahit kay tagal nang pinag-isipan,
Kahit bawat linya, bawat taludtod ay pinaghirapan,
Naintindihan man ang totoong nilalaman,
Ang tulang ito ay mukhang wala namang kalalagyan.

Alam kong kumpleto na ito ngayon,
Pero bakit di ko matapos lang nang ganoon?
Aabutin pa ba ‘to ng ilang taon?
Bago ko mahanap ang tamang pagkakataon.

At sa pagtatapos ng tulang ito,
Natuklasan kong may mga bagay na hindi maibibigay,
Masaya na ako kung maligaya ka sa kanyang kamay,
Sanay na akong laging naghihintay.

Ito ang tulang naisulat ko.
Tulang inilalaan ko para sa’yo,
Mawala man ako sa tabi mo,
Hindi ka mawawala dito sa isipan ko.