Showing posts with label anna punzalan. Show all posts

Iba’t ibang batches, naloka sa Buwan ng Wika

Iba’t ibang baitang sa hayskul nagpabonggahan sa kani-kanilang kompetisyon na ginanap noong ika-10 at ika-12 ng Setyembre 2014 sa bagong-bagong ngunit todo-gibang Auditorium.

Mala-telenovela na chamber theatre ang ipinakita ng nagwaging pangkat sa Grado 7 na 7-Venus. Ang pang-Academy Awards na kalidad ng pag-arte ni Milcah at ang kanyang di malilimutang linyang “ANAAAAK!” ang bumuhat sa kaniyang section.

Nawindang ang lahat sa paglulumpasay ng babaylan ng 9–Silver. Manghang-mangha ang lahat sa walang pakundangang pag-ikot ng ulo ni Hanzvic. Ngunit ibang lakas man ang ginawa nilang pagriritwal, mas malakas parin ang kapit ng 9–Gold.

Nagmistulang mga batang yagit ang 10–Acacia habang itinatanghal ang kanilang Sayawit. Nagmukha silang pinturang tinubuan ng tao habang paulit-ulit na sinasayaw ang chorus ng “Bulong”. Sa kabilang banda, maitatanghal nang “Stunner” si Kristel ng 10–Lauan sa kanyang historikal na paghataw.

Nagpapasalamat naman ang buong UPIS Community na naunang nagtanghal ang Grado 8 ng kanilang Interpretatibong Sayaw. Ayon sa mga eksperto, isang ulit pa ng kantang “Sige Lang” ng Quest ay masisiraan na ng bait ang lahat. / nina Jesica Cañeca at Anna Punzalan

Talino at Talento, ibinida sa naganap na Buwan ng Wika at Kasaysayan 2014

Nagtagisan ng isip at nagpakita ng talento ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grado10 sa iba’t ibang paligsahan bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2014.

Ang mga nagwagi sa Rampa 7-10.
Photo credit: Anna Punzalan
Pormal na binuksan ng Grado 3-6 at 7-10 ang Buwan ng Wika at Kasaysayan noong Agosto 26. Nagkaroon ng paligsahan sa pagrampa ang mga mag-aaral, Tagis-Talino, at paligsahan sa bawat grado. Nanalo ang 3-Batis sa kanilang Panabayang Bigkas, ang 4-Labanos sa kanilang Interpretatibong Sayaw, ang 5-Arayat sa Sayaw Filipiniana, at 6-Topaz sa Sayawit.

Noong ika-26 naman ng Agosto, inirampa ng dalawampu't apat na kalahok mula sa iba't ibang seksyon ang napili nilang karakter batay sa ibinigay na tema ng Departamento ng AralingPanlipunan. Nakatuon sa mga pagdiriwang sa Pilipinas ang para sa Grado 7 at 8. Samantalang sumentro naman sa sining ng mga Pilipino ang para Grado 9 at 10.

Nanalo sina Aldrin Baysa at Allysa Sapatua ng 7-Venus (Masskara Festival), King Vergeire at Dana Luna ng 8-Beetle (Pista ng Itim na Nazareno), Juan Miguel Panti at Arianne Baladad ng 9-Silver (Oblation at Lorna), at Carlo Gaco at Jesica Cañeca ng 10-Acacia (Batuk).

Para sa Rampa ng grado 3-6, nanalo sina Andrei Nicolas Pablico at Zsarina Timbreza ng 3-Batis, Christian Babaran at Erielle Arceo ng 4-Singkamas, Dayvee Christian Montalbo at Hariette Eve Gonzales ng 5-Cordillera, at Danzar Dellomas at Rain Fagela ng 6-Topaz.

Nagtagisan naman ng talino ang anim na team sa naganap naTagis-Talino noong Agosto 29. Bawat kuponan ay binubuo ng mga piling mag-aaral mula sa bawatgrado . Nagwagi ang pangkat nina Alizia Marquez ng 7-Mars, Roy Albert Canapi ng 8-Beetle, Adrian Bornilla ng 9-Silver, at Miguel Valenzuela ng 10-Acacia.

Para naman sa 3-6, nanalo ang pangkat nina ZsarinaTimbreza ng 3-Batis, Marius Nalica ng 4-Labanos, Angelica Gaega ng 5-Cordillera, at Arwen Panopio ng 6-Ruby.

Ang mga nagwagi sa mga paligsahan ng klase sa 7-10.
Photo Credits: Milcah Aragones (Gr 7), Telet De Sales (Gr 8),
Lyka Lubang (Gr 9 at 10)
Ginanap naman noong ika-10 ng Setymebre ang paligsahan sa pagitan ng mga seksyon mula Grado 7 at 8. Naunang nagpakitang gilas ang Grado 8 sa kanilang Interpretatibong Sayaw. Binigyang buhay nila ang awiting "Sige Lang" ng Quest. Nagkamit ng unang gantimpala ang 8-Butterfly.

Sumunod naman ang Chamber Theater ng Grado 7. Isinadula nila “Ang Gamo-Gamong Naakit sa Liwanag” ni Rene O. Villanueva. Nakuha ng 7-Venus ang unang gantimpala.

Bilang pang wakas na programa, bumida ang Grado 9 noong Ika-12 ng Setyembre sa kanilang patimpalak sa Sayaw at TugtugingEtniko. Nagkamit ng unang gantimpala ang 9-Gold, ikalawang gantimpala para sa 9-Silver, at ikatlong gantimpala para sa 9-Iron.

Huling humataw sa parehong petsa ang Grado 10 sa kanilang paligsahan sa Sayawit. Nasungkit ng 10-Molave ang unang gantimpala, ikalawang gantimpala naman ang 10-Lauan, at ikatlong gantimpala para sa 10-Acacia.

Maliban sa mga nabanggit na gawain nagkaroon din ng Poster-Making Contest at Minute-to-Win-it Challenge ang mga estudyante sa pangunguna ng Kilusang Araling Panlipunan at Sangguniang Pangwika. / ni Jenn Elona, sa ulat nina Rielle Ruiz, Travis Argayosa, Wren Breva, Jesica Cañeca, at Anna Punzalan

Kamag-Aral 3-10 holds SUPERIsko LC

UPIS student leaders gathered again for this year’s Leadership Camp with the theme SUPERIsko: Patunayan ang Tatag sa Lahat ng Oras at Pagsubok nang ang mga Katangian ng SUPERIsko ay Mahubog  held last July 25-26, 2014.

This year's camp was held at the UPIS 3-6 Building. Four speakers were invited to share their knowledge on specific topics namely: Pagtatanghal ng mga Kalakasan at Pagpapabuti sa mga Kahinaan ng Lider Isko by Dr. Amihan Ramolete, Paano Maging Bayani? by Dr. Leocito Gabo, Stress Management by Sir Brenson Andres, and Mga Gabay o Batayang Panuntunan sa Pagpapatakbo ng Homeroom, Club, at Organization by Prof. Zenaida Bojo.

One of the camp's highlights was the Amazing Race entitled SUPERIsko Adventures. In this event, students showed off their talents and abilities on how to overcome the different tasks of each station.

During the closing ceremony, the Pamunuan ng Kamag-aral (pKA) awarded the best groups for the different activities held in the camp. The Gagamboy and Lastikman groups were tied as the winners for the SuperIsko Adventures, Bagwis won the best group presentation, while the best groups for the whole camp were Bagwis and Super Inggo. / by Jesica Caneca and Anna Punzalan

PTA General Assembly, muling ginanap

Ginanap noong Hunyo 21,2014 ang taunang PTA General Assembly.

Pokus ng talumpati ni Dr. San Jose, ang ilan sa malalaking hakbangin ng paaralan sa pagpapabutingmga pasilidad nito. Pinagtutuunan ng kanyang opisina sa kasulukayn ang mga sumusunod: pagpapatayo ng kantina sa elementarya at hayskul na ayon sa kanya ay nasa proseso na ng bidding, pagbili ng mga kagamitan sa silid mula sa Adopt-a-room project, at ang pagkakaroon ng permanenteng supply ng elektrisidad sa paaralan sa darating na Agosto ng kasalukuyang taon.

Binanggit din niya na naipabatid na nila sa Administrasyon ng UP ang mga isyu kaugnay sa construction ng building tulad ng pagkabitak ng mga dingding at pagbagsak ng mga sirang panel sa ikaapat na palapag. Sa kasalukuyan ay pinipilit nang tugunan ng Ayala Land ang mga problemang ito.

Nagbigay naman ng ulat pampinansiyal ang Ingat-yaman ng PTA Board ng nakaraang taon at sinundan naman ito ng oath-taking ng bagong PTA Board para sa akademikong taong 2014-2015. / ni Anna Punzalan

Bagong administrasyon, ipinakilala

Muling nagbukas ang klase sa UPIS sa pamumuno ng bagong administrasyon noong Hunyo 2, 2014.

Pangalawang termino na ni Dr. Ronaldo San Jose bilang prinsipal samantalang sina Prof. Melanie Donkor ang Asst. Principal for Administration at Prof. Zenaida Bojo ang Asst. Principal for Academic Programs. Kabilang din sa bagong pamunuan si Prof. Anthony Ocampo na itinalaga bilang pinuno ng ORDP.

“Masayang malungkot,” ito ang pahayag ni Dr. San Jose nang tanungin ukol sa muling pamumuno sa paaralan. “Malungkot dahil hindi man lang ako nakapagbakasyon ngunit masaya pa rin ako.”

Ayon naman kay Prof. Bojo, “Sa totoo lang, hindi ako ready sa pagtanggap ng posisyon.” Idinagdag pa niya na nang siya'y itinalaga bilang katuwang ng prinsipal, isinaisip niya na lang na, “Mabuting magpakabayani para sa ikabubuti ng marami.”

Kasabay ng pagkakaroon ng bagong administrasyon ay ang pagkakaroon din ng mga bagong proyekto at program gayondin din ngmalalaking pagdiriwang tulad ng selebrasyon ng sentenyal ng UP High School sa 2016. / ni Anna Punzalan