3-10,

Talino at Talento, ibinida sa naganap na Buwan ng Wika at Kasaysayan 2014

9/22/2014 07:02:00 PM Media Center 0 Comments

Nagtagisan ng isip at nagpakita ng talento ang mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grado10 sa iba’t ibang paligsahan bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Wika at Kasaysayan 2014.

Ang mga nagwagi sa Rampa 7-10.
Photo credit: Anna Punzalan
Pormal na binuksan ng Grado 3-6 at 7-10 ang Buwan ng Wika at Kasaysayan noong Agosto 26. Nagkaroon ng paligsahan sa pagrampa ang mga mag-aaral, Tagis-Talino, at paligsahan sa bawat grado. Nanalo ang 3-Batis sa kanilang Panabayang Bigkas, ang 4-Labanos sa kanilang Interpretatibong Sayaw, ang 5-Arayat sa Sayaw Filipiniana, at 6-Topaz sa Sayawit.

Noong ika-26 naman ng Agosto, inirampa ng dalawampu't apat na kalahok mula sa iba't ibang seksyon ang napili nilang karakter batay sa ibinigay na tema ng Departamento ng AralingPanlipunan. Nakatuon sa mga pagdiriwang sa Pilipinas ang para sa Grado 7 at 8. Samantalang sumentro naman sa sining ng mga Pilipino ang para Grado 9 at 10.

Nanalo sina Aldrin Baysa at Allysa Sapatua ng 7-Venus (Masskara Festival), King Vergeire at Dana Luna ng 8-Beetle (Pista ng Itim na Nazareno), Juan Miguel Panti at Arianne Baladad ng 9-Silver (Oblation at Lorna), at Carlo Gaco at Jesica Cañeca ng 10-Acacia (Batuk).

Para sa Rampa ng grado 3-6, nanalo sina Andrei Nicolas Pablico at Zsarina Timbreza ng 3-Batis, Christian Babaran at Erielle Arceo ng 4-Singkamas, Dayvee Christian Montalbo at Hariette Eve Gonzales ng 5-Cordillera, at Danzar Dellomas at Rain Fagela ng 6-Topaz.

Nagtagisan naman ng talino ang anim na team sa naganap naTagis-Talino noong Agosto 29. Bawat kuponan ay binubuo ng mga piling mag-aaral mula sa bawatgrado . Nagwagi ang pangkat nina Alizia Marquez ng 7-Mars, Roy Albert Canapi ng 8-Beetle, Adrian Bornilla ng 9-Silver, at Miguel Valenzuela ng 10-Acacia.

Para naman sa 3-6, nanalo ang pangkat nina ZsarinaTimbreza ng 3-Batis, Marius Nalica ng 4-Labanos, Angelica Gaega ng 5-Cordillera, at Arwen Panopio ng 6-Ruby.

Ang mga nagwagi sa mga paligsahan ng klase sa 7-10.
Photo Credits: Milcah Aragones (Gr 7), Telet De Sales (Gr 8),
Lyka Lubang (Gr 9 at 10)
Ginanap naman noong ika-10 ng Setymebre ang paligsahan sa pagitan ng mga seksyon mula Grado 7 at 8. Naunang nagpakitang gilas ang Grado 8 sa kanilang Interpretatibong Sayaw. Binigyang buhay nila ang awiting "Sige Lang" ng Quest. Nagkamit ng unang gantimpala ang 8-Butterfly.

Sumunod naman ang Chamber Theater ng Grado 7. Isinadula nila “Ang Gamo-Gamong Naakit sa Liwanag” ni Rene O. Villanueva. Nakuha ng 7-Venus ang unang gantimpala.

Bilang pang wakas na programa, bumida ang Grado 9 noong Ika-12 ng Setyembre sa kanilang patimpalak sa Sayaw at TugtugingEtniko. Nagkamit ng unang gantimpala ang 9-Gold, ikalawang gantimpala para sa 9-Silver, at ikatlong gantimpala para sa 9-Iron.

Huling humataw sa parehong petsa ang Grado 10 sa kanilang paligsahan sa Sayawit. Nasungkit ng 10-Molave ang unang gantimpala, ikalawang gantimpala naman ang 10-Lauan, at ikatlong gantimpala para sa 10-Acacia.

Maliban sa mga nabanggit na gawain nagkaroon din ng Poster-Making Contest at Minute-to-Win-it Challenge ang mga estudyante sa pangunguna ng Kilusang Araling Panlipunan at Sangguniang Pangwika. / ni Jenn Elona, sa ulat nina Rielle Ruiz, Travis Argayosa, Wren Breva, Jesica Cañeca, at Anna Punzalan

You Might Also Like

0 comments: