cannot be reached,

Literary: Cannot Be Reached (Chapter 3)

9/03/2014 07:02:00 PM Media Center 0 Comments

Ang Cannot Be Reached ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2015 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.


-----


Ang tagal naman yata mag-reply ng babaeng ito. Baka hindi na magtetext ‘to ah. Pero ayos lang. Kawalan niya. Hindi ba niya alam kung gaano ako kalakas sa school?  Chick Magnet ako no?! Aba! Kung makikita lang ako nito sa personal baka maging anino ko ‘to kakasunod sa’kin! Baka nga hindi lang anino.  Magmamakaawa pang pansinin ko.

Tsk, maganda kaya ‘to?  Baka nerd lang to na mukhang ewan. Badtrip! Napaka-astig kong tao tapos pinaghihintay ako sa text! Lagot ‘to sa’kin pag nakilala ko.

Hahabulin talaga ako nito pag nakita niya ako.


*BEEP*
-----
Today 7:27 pm
Parehas tayo! Haha.
May isa lang akong request.

-----


Wow! Nag-rerequest na agad. Siguro gusto na akong makita nito. Pero gusto ko ‘to. Sanay ako sa mga taong ganito na kakakilala pa lang, kitang-kita na ‘yung interes sa‘kin.  Aba naman.  Mapatulan nga.


-----
Today 7:30 pm
Ano yun?

-----
*SENT*


Straight to the point na ba ‘to?  Tagal sumagot eh... Haha! Itetext ko ulit. Mapapahiya ‘to ‘pag dineretso niya ako! Siya rin, kung hindi siya makapagpigil sa feelings niya diyan!


-----
Today 7:45 pm
What’s the request of you?

-----
*SENT*


*BEEP*
-----
Today 7:57 pm
Wag kang magkakagusto
sa’kin ha? :)

-----


Aba! Ang kapal naman pala nito. Wala naman akong sinasabing gusto ko siya. Maganda ba ‘tong babaeng ‘to para makasalita ng ganito? Mapili ahh... Saglit lang… nako!

Nag-tatype na ‘ko ng reply nang marinig kong tumunog ang iPad. Notif para sa chat ‘yun ah.

“Ma! Nasan yung iPad ko?” pasigaw kong tanong.

“Nasa ‘kin, kunin mo dito sa sala!” sabi niya.

“Para sa ‘kin ba yung message?”

“Malamang! Candy Crush lang naman ang alam kong gamitin dito,” sabay abot sa akin. “Bilisan mo, sayang ang life.”

Nakita ko ang message. Galing kay Vincent.


**FACEBOOK CHAT**
Vincent:               Oy!!
Kevin:                   Bro! Natuloy training?
Vincent:               Oo! Wala ka na naman!
     Puro ka chicks pare!
    Magbago ka na!
Kevin:                   Chicks agad?
Vincent:               Hindi ba?
Kevin:                   Not men!!
Vincent:               Pero may ka-text.
Kevin:                   Eh ano ngayon?
Vincent:               Medyo gwapo ka kasi eh! Landi!
Kevin:                   Geh! Malandi na kung malandi! Its just a textmate…
Im just making laugh in her.
Vincent:               Sige! Sabi mo ehhh… bawi sa training ahh… malapit na UAAP natin.
Kevin:                   Okay bro!


Teka. Nakalimutan ko nang replyan yung katext ko. Uy ‘asan phone ko?

Bumalik ako agad sa kwarto para kunin pero hindi ko makita. Nandito lang ‘yun kanina ahh nung kinuha ko yung Ipad.  Hala! Baka pinakialaman na naman! Tuwang-tuwa siya nang makasalubong ko sa hagdan ehh...

Pasigaw kong tinawag ang aking nakababatang kapatid. “Kobe!!! Nasaan phone ko? Kinuha mo ba?”

“Ano? Bakit?” sabi ng nakababata kong kapatid. Medyo nakangiti pa nang kaunti.

“Nasaan ang phone ko?” sabi ko.

“Ay sorry kuya, baka nandiyan sa ilalim ng kama mo,” natatawang sagot ni Kobe.

“Ang hilig kasing mangialam ehh!” sabi ko.

Pagbukas ko ng phone ko may bagong text message.


*BEEP*
-----

Today 8:17 pm
Huh?
-----


Huh? Anong huh? Bakit? Ano ba sinabi ko?

Nako… parang ginalaw ‘to ni Kobe ah…

Agad kong tinignan ang conversation at nakita ang mga banat ni Kobe.

----

Today 8:00 pm
Alam mo hindi kita gusto…
mahal kita alam mo ‘yun?
At kung hahayaan mo ako,
malulunod ka sa pagmamahal ko. <3 <3 <3

-----

-----

8:03 pm
Huh?

-----

-----

8:10 pm
Sige na sagutin mo na ako!
We’ll be happy together. Promise!
Magiging masaya ka na kasama ako. J

-----

-----
8:14 pm
Hindi kita maintindihan, ano?
Marunong ka naman pala mag-English.

-----


Aba! Nakakasira ng moves to ahh… At nako naman… gulong-gulo na ‘to. O baka kinilig. Teka. Babawi ako.


-----
Today 8:28 pm
Uy! Sorry ahh!
Ginamit ng kapatid ko phone ko.
Haha! Kung ano-ano sinend sa’yo.

-----
*SENT*

-----
8:33 pm
Oh! Kaya pala! Haha.
-----

-----
8:35 pm
Naniwala ka ba?
Di naman kita masisi.
Maraming nagkakagusto sa akin
-----

-----
8:37 pm
WOW!
-----

-----
8:40 pm
Totoo kaya! Sa sobrang dami
di ko na kilala kung sino-sino sila.
Irresistant yata ako!
-----

-----
8:45pm
Irresistant??? Do you mean irresistible?
-----

-----
8:46 pm
Ah iresistable ba? Sorry naman! Gwapo lang.
-----

-----
8:52 pm
Kasi naman, Tagalog na lang.
Gets ko naman ang Tagalog.
-----

 ----
8:55 pm
I’m sorry!
But English is my mother tang!
-----

-----
8:59 pm
Hay. Fine!
-----

----
9:02 pm
Okay! Apologize accepted!
Haha!
-----


Ayan! Itetext ko ‘to lagi. Para kiligin ng todong-todo.  At paniguradong mahuhulog na ang loob nito sa akin.  Ako pa! Marami yata akong strategists na alam sa pagporma sa mga babaeng ganito.

-----

[Kinabukasan...]

“Brad! Picturan mo naman yung homework sa gramming ohh... yeah! My favorite subject!” sabi ko kay Jason sabay abot ng phone ko sa kanya.

“No problem.  Bakit ba kasi hindi na lang homework sa English ang sabihin.  Sakit sa tenga ng gramming,” pabulong na sinabi ni Jason pero narinig ka pa rin.

“Loko ka ah! Gramming ang tama!” sigaw ko sa kanya habang palabas ng room.

Nice! Lunch na ulit.  Ay oo nga pala! Na kina Jason ‘yung phone ko! Nako! Baka nabasa nila yung convo namin ni Ms. Perfectuality! Pagdating ko sa canteen, pinag-uusapan nga nila.

“Brad! Eto ba ‘yung ka-text mo magdamag?” tanong ni Jason habang nakagiti.

“Oo naman bakit?” sagot ko sa kanya nang may pagtataka.

“Wala ka pala ehh! Brad di umepekto powers mo dito ahh! Haha!” sabi ni Vincent.

“Hindi kita makilala dito sa mga text mo! Ang dami mo pang pinagsasabi diyan! Napapahiya ka lang ehh... anjan naman si... Jia?” pang-aasar ni Jason sa akin, sabay turo sa katabing table.

“Wag kang ganyan! Badtrip ka.  Marinig ka pa ng lampang ‘yun.”

“Wag raw! Gusto naman! HAHAHAHAHA!”

“Hoy! Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Si J...?  No men!” nabubuwisit kong sagot sa kanya.

Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin.  Kasi naman madyikera yata ‘tong si Jia.  Bigla na lang sumusulpot.  Nandito pa sa katabing table namin.  Narinig kaya niya ang sigawan namin ni Jason kanina.  Sana hindi.  Mukha namang busy siya.  Palibhasa, nerds.  

“ Haha! ‘Di Brad joke lang.  Alam ko namang hinding-hindi mo talaga siya type,” sabi ni  Jason.

“Tumahimik ka na nga kasi!  Ang kulit mo ah!  Bakit ba parati mong binabanggit ang pangalan na ‘yan?  Kung gusto mo ikaw na lang.  Sa’yo na lang,”  hamon ko kay Jason.

“Masyado kang pikon!” sabat ni Vincent.

“Oo na! Dami niyong alam, Know-it-Everything kayo eh! Puro kayo Jia ehh napaka-perpekto nga niyang ewan na ‘yan ehh... bahala kayo!”

Tumatawa pa rin sila. Kaya dinerecho ko na sila para ends na.

“Alam niyo, hindi ko magugustuhan ‘yan si Jia.  Walang kabuhay-buhay eh.  Puro aral.  Masyadong perpekto.  Mga ‘pre itong katext ko na lang ang project ko! Feeling ko maganda na, game pa.”

Di na ako nakatiis sa pang-aasar nila.  Wala na akong pakialam marinig man ni Jia.  Ano naman kung tinignan niya ako ng masama pagkatapos kong sabihin ‘yun.  E sa hindi ko naman talaga siya trip. Di bagay sa sikat na tulad ko ang katulad niya.  Naiinis pa rin ako.  Anubayan... nakita na talaga nila.  Bakit kasi ang sama magsalita nitong perpektong to?  Napipikon ako!

Agad kong hinablot sa kamay ni Jason ang phone ko at di ko na sila pinansin.  Hindi na ako maagsasayang ng oras.  Kailangan ko na ng the moves. Itetext ko na ‘to!

Step 1: Gawing makapal ang kaniyang pagmumukha sa mga papuri ko! Haha!

-----
Today 12:50 pm
Hi my beautifull and perfectfull SCHOOLMATE!

----
*SENT*


*BEEP*
-----
Today 12:52 pm
                Wow! Bola pa!
Hi! Anong meron?

-----

Step 2: Magreply agad para maramdaman niyang special siya.

-----
Today 12:54 pm
Hindi bola ‘yan!
I’m just taught of you.

-----
*SENT*


*BEEP*
-----

12:57 pm
WHAAAAAT???
Stop texting in English!
-----

Step 3: Bumanat ng matindi para mapasaya siya.

----
Today 1:00 pm
Are you Jeron Teng?

-----
*SENT*

*BEEP*
-----
1:02 pm
Huh?
-----


-----
1:04 pm
Becoz your my everyteng!
-----

-----
1:07 pm
Corny! Wala ka bang klase?
-----

Step 4: Wag kang sumuko kahit naiinis na siya.

-----
1:10 pm
Meron. Pero kung para sa’yo
okay lang ma-late.

-----

Step 5: Kahit di siya magreply, ipakita mong mahalaga siya! Pampakilig lang.


-----
Today 1:20 pm
You know what?
You makes me happy ;) <3

-----

*SENT*


ITUTULOY.

You Might Also Like

0 comments: