andrew,

Literary (Submission): Usapang Lalaki

9/08/2014 08:40:00 PM Media Center 0 Comments

Town Mall. Katipunan Ave. 11:52AM


“Manuel? Pst! UY! Roquito! Bingi grabe kanina pa kita tinatawag hahaha!”

            “Uy! Kuya Drew!  Sorry haha di ko napansin. Long time no see! Kamusta na?”

“Ito. Ganun pa rin. May hinihintay lang ako haha. Ikaw? Kamusta?”

            “May pupuntahan kasi ako. Napadaan lang ako dito sa school natin dati...”

“Buti nga na-recognize mo pa school natin dati.  Bato-bato nalang eh.  Dating garden naging parking amp.”

            “Hahaha. Sino ba hinihintay mo Kuya Drew?  Tsaka bakit dito, mahal dito.”

“Sino pa ba hahaha. Tsaka, ‘di naman kami rito.  Dadaanan lang din namin ‘yung school.  Papa-nostalgic moment kaunti.  Ang dami nangyari diyan. Lahat ng bagay na ‘yun nagsimula sa isang araw.  Wala lang.  May mga pangyayaring masarap balik-balikan.”

            “Cheesy kuya shet hahahahhahahahhahahhahahah buti kayo pa rin hanggang ngayon.”

“Loko hahaha. Buti nga hindi na lang natapos noong isang araw na ‘yon eh, nagkamuntikan na eh. Uy sandali.  Balita ko nangibang bansa ka eh. Anong ginagawa mo rito? ”

            “Oo, nung pag-graduate tumira na kami sa Canada.  Nandun kasi mga kapamilya namin.  Pero siyempre bumisita ulit kami rito sa Pilipinas.  Mabilis lang kaya sinusulit ko.  Tulad nga ng sinabi mo kuya, may mga bagay na masarap balik-balikan.  Parang mga usapang kisame namin ni… hahaha”

“O, Ano namang balak mo gawin dito?”
           

            “Balak ko siyang balikan. :)”

/ nina Andrew at Manuel

You Might Also Like

0 comments: