filipino,

Literary (Submission): Magkabilang Mundo

9/11/2014 08:50:00 PM Media Center 1 Comments


Madalas ko siyang makita
Palakad-lakad kung saan

Sa pasilyo ng second floor


Minsan pa sa may hagdan
Sa tuwing ika'y dadaan
Ang ngiti'y hindi mapigil


Sa tuwing ika'y ngingiti
Ang mundo'y tila tumitigil
Bawat galaw ay tinititigan
Kinikilig pa kung minsan


Bawat sabihin ay pinakikinggan
Napapangiti kadalasan
Hanggang tingin na lang
Hanggang doon na lang ata


Hanggang sulyap na lang
Basta’t hindi mahahalata

Ang mundo natin ngayon
Parang Mercury at Pluto
Sobrang magkaiba
 Nasa magkabilang dulo pa

Nasa grado sampu ako
Malayong malayo sa'yo


Nasa grado pito ako
Ibang iba sa'yo
Lakas ng loob
Nasan ka?


Kapal ng mukha
Kailangan kita
"Amin na kasi"
Ang kalaban ay marami


"Lapitan mo na"
Ang laging bulong sa sarili

Ano ba ang gagawin?
Ang daming maaaring maganap
Ano ang sasabihin?
Ano pa ang kailangan?

Gusto kong lapitan
Ngunit hindi ko kaya


Gusto kong kausapin
Subalit nauuna ang hiya
Lalapit na dapat


Magsasalita na ng tapat
Ang kaba'y talagang sagabal


Lakas ng loob, di pa sapat

Sa susunod na pagkikita
Pangako, aamin na.
Sana lang ay hindi maunahan
Ng hiya’t pag-aalinangan.




You Might Also Like

1 comment: