college,
Marahil, salik na rin sa pagkahilig na ito ang nasasalamin ng mga batang estudyante ng kanilang buhay sa mga tagpo ng mga kuwentong pag-ibig.
Pero bakit hindi naman ako nakakarelate sa mga love story?
Hindi ko pa naman nararanasan ang umibig at ibigin ng isang “special someone.”
Minsan sa buhay ko, naramdaman ko na baka napag-iiwanan na ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, at nasabing: kumpleto naman ang ngipin ko, maganda naman ang mga kilay at mata ko, may dimples pa nga ako, charming pag tiningnang mabuti.
Ah, alam ko na. Marami lang akong kanin na nilalamon, pero “huggable” naman ako.
Kaso, wala pa rin talaga akong pag-ibig.
Ginusto kong maging atleta, o magkunwari na may sense of humor ako….
Pero, nakakapagod.
Kinausap ko ang mga ate at kuya ko tungkol sa tunay na pag-ibig at kung kailan ba ito magsisimula.
“College” daw, isang matamis na panahon kung saan may isang babae na di titignan ang iyong pisikal na anyo.
Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa pag-asang dala ng college. Pero naiisip ko rin, na hindi ko naman rin kailangan ng “lovelife.” Bata pa ako, at masaya ako.
Hindi naman ako ang tipo ng tao na sumasabay sa uso; 70’s music ang laman ng aking playlist, puro anime ang pinapanood ko, naglalaro ako ng pokemon.
Pero isang araw, nagpunta ako sa SM, upang bumili ng pagkain.
Nang magbabayad na ako sa counter, pinagmasdan ko nang mabuti ang isang dilaw na Ninoy.
Naalala ko ang mga barya-baryang tinipid ko para sa aking ginintuang baboy para lamang panregalo sa crush ko.
Mahabang proseso at paghihirap ang kailangan para lamang sagutin ka ng isang tao at sa isang relasyon, maraming ninoy ang pakakawalan mo upang mapasaya si “the one.”
Minsan pa nga, iiwan ka lang din ng iniirog mo sa huli.
Inabot na sa akin ng babae sa counter ang sukli ko at ang inorder kong giant burger.
At naisip ko…… ang burger hindi ka papahirapan. Pasasayahin ka pa nga nito sa bawat kagat, bawat nguya, kahit sa isang maikling sandali.
At tinanong ko sa sarili ko:
LOVE? O PAGKAIN?
Umupo ako sa silya, masayang kinakain ang aking burger.
College nalang ang love… / ni Lata
Feature: Love Pa Ba?
Mga kuwento ng pag-ibig. Ito ang kinawiwilihan ng marami sa henerasyon natin. Kahit ako, biktima ng mga kilig at ligaya mula sa panonood at pagbabasa ng mga love stories.Marahil, salik na rin sa pagkahilig na ito ang nasasalamin ng mga batang estudyante ng kanilang buhay sa mga tagpo ng mga kuwentong pag-ibig.
Pero bakit hindi naman ako nakakarelate sa mga love story?
Hindi ko pa naman nararanasan ang umibig at ibigin ng isang “special someone.”
Minsan sa buhay ko, naramdaman ko na baka napag-iiwanan na ako. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, at nasabing: kumpleto naman ang ngipin ko, maganda naman ang mga kilay at mata ko, may dimples pa nga ako, charming pag tiningnang mabuti.
Ah, alam ko na. Marami lang akong kanin na nilalamon, pero “huggable” naman ako.
Kaso, wala pa rin talaga akong pag-ibig.
Ginusto kong maging atleta, o magkunwari na may sense of humor ako….
Pero, nakakapagod.
Kinausap ko ang mga ate at kuya ko tungkol sa tunay na pag-ibig at kung kailan ba ito magsisimula.
“College” daw, isang matamis na panahon kung saan may isang babae na di titignan ang iyong pisikal na anyo.
Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako sa pag-asang dala ng college. Pero naiisip ko rin, na hindi ko naman rin kailangan ng “lovelife.” Bata pa ako, at masaya ako.
Hindi naman ako ang tipo ng tao na sumasabay sa uso; 70’s music ang laman ng aking playlist, puro anime ang pinapanood ko, naglalaro ako ng pokemon.
Pero isang araw, nagpunta ako sa SM, upang bumili ng pagkain.
Nang magbabayad na ako sa counter, pinagmasdan ko nang mabuti ang isang dilaw na Ninoy.
Naalala ko ang mga barya-baryang tinipid ko para sa aking ginintuang baboy para lamang panregalo sa crush ko.
Mahabang proseso at paghihirap ang kailangan para lamang sagutin ka ng isang tao at sa isang relasyon, maraming ninoy ang pakakawalan mo upang mapasaya si “the one.”
Minsan pa nga, iiwan ka lang din ng iniirog mo sa huli.
Inabot na sa akin ng babae sa counter ang sukli ko at ang inorder kong giant burger.
At naisip ko…… ang burger hindi ka papahirapan. Pasasayahin ka pa nga nito sa bawat kagat, bawat nguya, kahit sa isang maikling sandali.
At tinanong ko sa sarili ko:
LOVE? O PAGKAIN?
Umupo ako sa silya, masayang kinakain ang aking burger.
College nalang ang love… / ni Lata
Ang galing! Astig!
ReplyDelete